"Alam niya rin ang bagay na ito kaya mag iingat ka. Wag mong sasabihin kahit kanino ito dahil baka madamay ka pa. Kayang kaya ka nilang idamay kapag nalaman nilang alam mo ang tungkol dito."

"At si Audrey? Alam niya rin ito? Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin?"

"Dahil ayokong maraming nakaka alam. At dahil nga baka mapahamak kayo. Gusto ko lang kayong protektahan..."

He didn't speak for a while. I also told him that he lost his scholar recently because of Amelia. Nagulat siya nang nalaman iyon at humingi naman ako ng tawad. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanila ni Greta.

He still couldn’t believe it but he said he believed in me. I was even more relieved. Akala ko tulad ng mga Agravante, hindi niya rin ako paniniwalaan. Masaya ako na naniniwala silang dalawa ni Audrey sa akin.

Brandon:

How are you?

Gabi nang i-text iyon ni Brandon sa akin. Nakahiga na ako sa kama at patay na ang mga ilaw. Tanging liwanag lang ng buwan at ng cellphone ko ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto ko. Kagagaling ko lang sa trabaho kaya masyado nang gabi.

Cassandra:

Fine.

Brandon:

Are you sleepy?

Cassandra:

Hindi pa naman. Ikaw? Hindi ka pa natutulog.

Brandon:

Katatapos ko lang kumain. I'm gonna do some homeworks and I will also going to review after that. How about you?

Katatapos lang kumain? Gabi na, ah?

Cassandra:

Wala akong gagawin. Matutulog nalang pero hindi pa ako inaantok.

Brandon:

Mmm? Why?

Cassandra:

I don't know. Hindi ko pa gustong matulog.

Brandon:

Bakit?

Cassandra:

Tss. Ang dami mong tanong.

Brandon:

I just want to know, alright. Bakit ba ang sungit mo na naman?

Cassandra:

Akala ko ba gagawa ka pa ng homeworks at magrereview ka pa? Bakit ka nagtetext?

Brandon:

Later. Katatapos ko lang kumain kaya gusto ko muna magpahinga.

Ang sabihin mo gusto mo lang akong makausap. I smirked at the thought.

Cassandra:

Okay. Magpahinga ka na.

Brandon:

Are you free tomorrow?

Natigilan ako sa nabasa ko. Why is he asking me that?

Cassandra:

Bakit?

Brandon:

Let's go out. Have some coffee... you know.

What? Kinagat ko ang labi ko. Niyayaya niya ba akong magdate?

Pumikit ako nang mariin at umiling sa sariling naisip. Masyado kang assuming, Cassandra!

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now