Chapter 62: AI Battle Category (Part 3)

Mulai dari awal
                                    

The tiger open its mouth and gave a loud odd sound, sapat na para matakot at humakbang pabalik si Jwyneth. Nakaturo pa rin ang isang dulo ng weapon ni Jwyneth sa
beast. Humakbang paabante ang beast hanggang kumuha ito ng balanse at sinunggaban si Jwyneth.

Tumama sila sa isang itlog dulot upang gumalaw ang iba at may parte na nag-crack. Narinig ito ni Jwyneth na lalo niyang kinagulat habang binibigyan niya ng pwersa
patulak ang bibig ng beast na kagat-kagat ang weapon niya.

Sinipa niya ito sa sensitibong parte nito pero hindi nagpaapekto ang beast at lalo pa nitong dinidiin pailalim si Jwyneth.

Nararamdaman ni Jwyneth mula sa pagkakahigang iyon ang pagbali ng ibang kahoy na siyang gawa ang pugad kasama ang ibang materyales nito.

Pinipihit niya pakaliwa upang pumunta ang bibig ng beast sa direksyon na iyon, which is mali ang desisyon niyang iyon, tumatama ang isang mahabang pangil nito sa kaniyang kanang kamay. Muli siyang tumadyak at ibinigay ang lahat ng pwersa sa gitnang parte ng beast, banda sa tadyang nito kaya ito'y tumilapon ng bahagya.

Nakakuha ulit ito ng balanse at bumalik sa pag-aaligid. Nakatayo na muli ang ating bayani tutoktutok ang kaniyang armas sa kalaban.

"You want to make it hard. Okay fine. Let's dwell panget."

Hinahampas-hampas nito ang kaniyang armas sa binti ng beast. Humahataw ang armas kung kaya't nasasaktan ito.

Ilang segundo rin ang lumipas at atras-abante ang dalawa sa laban. Kumakalmot ang beast sa armas na pinaglalaruan siya kaya napapaatras si Jwyneth, at kapag pwede na muling sugurin ay susugurin nito pasulong.

Kailangan niya mag-isip ng bagong paraan para maitaboy ng tuluyan ang beast.

At sa hindi inaasahang pagkakataon, dumating ang inahing ibon. Inipit nito ang kaniyang tuka sa buntot ng beast at pumapagaspas paatras upang lumayo ito sa bayaning
nagbabantay sa kaniyang inakay.

Kumakapit ang matatalas nitong kuko sa pugad na unti unting napupunit.

Jwyneth hardly pats and thorns the paws of the beast by her weapon to loose its claw from the nest. Gustong kumawala ng beast sa ibong iyon. Sa dulo ng butas ng pugad naroroon na ang beast na pilit hinihila ng ibon. Malapit na itong mahulog hanggang tukain na ng ibon ang leeg nito at parang kuting lamang na itinapon pahulog sa pugad.

Nahati ang pugad sa gitna dulot upang magkaroon ng out of balance sa pugad.

Nakakapit lamang si Jwyneth habang hawak-hawak ang isang itlog na maari niyang mailigtas sa pagkahulog.

Dahan-dahang gumulong ang iba, naging marupok na ang pugad at nagbabalian na ang mga sanga.

Sinalo lahat ng inahin ang nahulog na dalawa, sumabit sa isang sanga
ang isa, habang nabasag naman ang isa.

Ginamit ng malaking ibon ang malalaki nitong pakpak upang doon mamalagi ang itlog habang ito'y nahuhulog.

Matapos ibaba ng inahin ang kaniyang mga itlog, pumagaspas ito palipad upang kunin si Jwyneth, kinuha naman ni Jwyneth ang isang itlog na nakasabit habang nasa tuka siya ng ibon.

Binaba na siya sa lupa at pinagtagpo ang apat na itlog. Dumako si Jwyneth sa pinaghulugan ng isa upang ito'y
makita. May inakay sa loob ng shell pero mukhang bigo ito sa pag-hatch at namatay.

Bumalik si Jwyneth sa ibong pinoprotektahan ang natitira nitong apat na itlog na may lungkot sa mukha nito. Dama nito ang nararamdaman ng ibon, na nawalan ng anak.

Umiling si Jwyneth ng tignan siya mata sa mata ng ibon. Tila nag-bow naman ang ibon sa kaniyang harapan, tanda ng pasasalamat nito na kahit papaano prinotektahan ang iba
niyang magiging inakay.

ALPHATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang