Nag pakawala sila ng nakakairitang tawa. "Kung ililigtas ka nila, bakit wala pa din sila dito?"

"Anong akala mo sa amin bobo na hindi pag paplanuhan ang lahat?!" Napangiwi ako ng bigla niyang malakas na hilahin ang buhok ko at ramdam ko ang matinding sakit na dala nito.

Naramdaman ko ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata pero pinigilan ko ang umiyak, ang pag iyak ay walang maitutulong sa sitwasyon ko, ang kailangan ko ay lumaban.

Kung wala mang darating para tulungan ako, ako ang tutulong sa sarili ko. Agad kong dinilat ang mga mata ng maramdaman ang aksidenteng pag tanggal ng tela na nakatakip sa aking mga mata.

Tatlo sila, ang dalawa ay may hawak na latigo habang ang isang nasa harap ko ay baril. Ang babaeng may baril ay kulay blonde ang buhok pero kulay itim ang anit.

Habang ang dalawa naman ay dalawang balingkinitan. Ang isa ay nakahawak sa buhok ko at ang isa naman ay mukhang mahinhin ngunit bakas sa mukha niya ang kagustuhan na mawala ko sa mundo.

"Well, it's okay that you see us, at least you already knew who's your killers." The girl with blonde hair and gun said. She look like a demon, a real girl demon. Nakakapangilabot ang itsura niya at parang pamilyar siya.

Malalim akong nag isip at napag tanto na sila ang mga babae sa isla ni Ashton. Nakita ko lang sila na sinundo ng bangka pero hindi ko alam kung nag kakilala ba talaga kami.

"So we will give you a trivia. This three beautiful girls is the owner of ADM Sisterhood."

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo kong napagtanto na isa nga sila sa mababang organisasyon. They're triplets. Hindi ko kilala ang itsura ng mababang ranggo pero ang pangalan nila ay alam ko. Bukod doon ay ang organisasyon lang nila Alexander lang ang kilala ko ng personal, ang iba ay hindi na. Even the second rank.

"We are Akkhira, Danilei and Maumi. Such a lovely names isn't it?" Ani ng Akkhira at tumingin sa taas na para bang may iniisip.

Madilim ang buong paligid at sa palagay ko ay nasa isang torture room ngayon. Maybe the torture room of they're organization.

Maluwang ito at mukhang abandonadong warehouse pero kung ikukumpara ito sa torture room ng CSO ay mas gugustuhin mo nalang na pumunta dito, yes, CSO is agents to save people's life but at the same time, take lives.

Malalim ang pag hinga ko dahil sa marahang pag kiskis ng kadena para makawala na ako sa kinalalagyan ko. Mabuti na lang at hindi nila napansin iyon dahil mukhang wala sila sa tamang pag iisip.

Baliw sila dahil sa kagustuhan ng kapangyarihan at pamunuan ang mataas na ranggo. Pigil ko ang pag hinga ng malalim ng maramdaman ang pag kalas ng kadena saakin.

I was trained to it. Mabuti na lang at nasa likod ang kamay ko kaya hindi nila napansin na wala na akong kadena. Pasimple kong tiningnan ang katawan ko, ang tanging padlock lang ay ang nasa kamay ko kaya't hindi na ako mahihirapan.

Muli ko silang tiningnan. Latigo at baril. Pinagisipan kong mabuti na mas tamang unahin ang may baril. Huminga ako ng malalim dahilan ng pag tingin nila sa akin.

Agad akong tinutukan ng baril ngunit dahil sa mabilis na galaw ko ay pinaikot ko ang kadena sa leeg niya. Inihampas ng dalawa ang latigo papunta sa direksyon ko kaya't mabilis kong ginawang pananggalang ang babaeng may baril na ngayon ay sakal-sakal ko na ng kadena.

Masakit ang buong katawan ko at ang tanging rinig lang sa buong warehouse ay ang pag hampas ng latigo sa hangin.

Tatlo laban sa isa. Ginawa ko ang lahat at buong lakas na nilaban sila. Minsan ay ngumingiwi ako ng dahil sa hampas ng latigo na hindi ko naiwasan ngunit patuloy pa din na lumalaban.

Madaming minuto at lakas ang inubos ko para mapatumba silang tatlo. Nanlalambot ang mga tuhod ko at mabilis ang pag taas baba ng dibdib na tiningnan ko silang nanghihina habang nakahiga sa sahig.

Habang hawak ang hita na sumasakit at paika-ika akong lumakad para hanapin ang daan sa madilim na lugar na kinaroroonan ko, ang tanging nag siailbing ilaw lang ay ang liwanag ng buwan.

Marahan akong napangiti ng makita ang daan ngunit sa hindi inaasahan ay napaluhod ako kasabay ng malakas na pag putok ng baril na umecho sa buong warehouse.

Napahiga ako at pumikit kasabay ng sakit na nararamdaman sa aking kanang hita dahil sa tama ng baril. Mas lalo akong pumikit ng maramdaman ang pag agos ng dugo sa aking bibig.

Kahit na nanghihina ay pinilit ko paring ngumiti at inisip ang magandang bagay na nangyari sa buhay ko. Halos lahat ng taon at oras ko ay ibinigay ko sa organisasyon pero dumating ang lalaking may asul na mata.

Hanggang sa mawalan ako ng ulirat ay inisip ko lang ang lalaking may asul na mata na may nag lalarong ngisi sa labi. Kahit sa maikling panahon ay naramdaman ko 'to sa kanya.

Alam kong pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya pero hindi ko din nagawang pigilan, minahal ko na.

Huling buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang sumuko.

It Started With A GameWhere stories live. Discover now