Everything happened so fast. Pero hindi puwede mawala sa isip niya kahit kalian ang hitsura ni Celia. Pareho silang nakasuot ng white. Siya ay white na buttondown at ang mapapangasawa naman niya ay white dress na may kaunting sleeves na lagpas lang nang kaunti sa tuhod ang haba. She looked so divine in it.

The most beautiful woman for him. His woman. His one and only one.

KINABUKASAN, naka-set na agad ang tradisyunal na kasal ng mga Igorot. Kahit anong pakiusap ni Celia sa Kuya Austen niya na guwang biglain si Neil ay parang wala itong naririnig. Katulong pa ang ibang mga pinsang lalaki, parang ini-interrogate ng mga ito si Neil. She knew they meant well. Pero nakikita niyang nao-overwhelm na ang asawa.

Ni hindi pa man lang sila nakakapagpahinga nang maayos mula nang dumating. Siya rin kasi ay ini-interrogate ng mga pinsang babae. Napakaraming tanong ng mga ito tungkol kay Neil. At hindi sila makapaniwala na siya ang unang nag-asawa sa kanilang lahat.

Kahit siya ay hindi rin makapaniwala. Pero masaya siya. Asawa na talaga niya si Neil. Siyan a ngayon si Celine Gryfton—ang misis ni Neilson Gryfton. Isipin pa lang niya, napupuno na ng kakaibang kilabot at saya sa kaniyang puso.

She once thought it was possible to become so happy. Iyon bang tipo ng say ana nabubura ang lahat ng sakit na naramdaman mo dati. Ngayon, ni hindi na niya natatandaang ang pakiramdam na malungkot.

It was all because of him.

Kahapon, isang simpleng kasalan lang ang nangyari. Pero iyon ang pinaka-memorable na araw sa buhay ni Celia. Hindi dahil sa mismong palitan nila ng "I do" ni Neil. The night after that was memorable—which was just last night.

"Habang-buhayy kitang paninindigan—kayo ng anak natin. Hinding-hindi kita pababayaan, Celia. Kahit ano kakayanin ko, basta nasa tabi kita. Ikaw at ako," pangako ni Neil habang magkatabi silang nakahiga sa kama.

Celia touched his face. Kahit na nakasiksik sa dibdib ng asawa at hindi nakikita ang mukha nito, kabisadong-kabisado na niya ang bawat sulok at bahagi ng mukha ng asawa.

She could see him everywhere. In her dreams. Whenver she looked. Every bedimpled smile was etched in her mind and printed in her heart.

"Mahal na mahal kita, Celia."

"Mas mahal kita, Neil."

Umungol ito. "Maniwala ka, mas mahal kita."

Ngumite lang siya. Idinantay niya ang isang binti at lalo pang sumiksik sa asawa...

Formally na lang ang mangyayaring kasal ngayon. Bilang pagpapakita ng pagrespeto sa pagiging Igorot nila. Tinanong ni Celia si Neil king willing ba talaga itong magbahag at gawin ang tradisyunal na kasal. Tiningnan lang siya nito na parang sinasabing, "Mukha ba akong napipilitan lang?"

Isa pa iyon sa mga lalong nagpasaya sa kaniya. Nagustuhan ni Neil ang Bagitan. Namangha ang asawa nang malaman na sa kanila ang lugar. Ang totoo, nag-aalala siya noong una dahil hindi niya sinabi kay Neil ang maraming bagay. Gaya nga ng Bagitan at ng estado niya sa buhay.

Para kasi sa kaniya, hindi na mahalaga iyon. Hindi niya pera at pag-aari ang lahat ng nasa lugar. Nagkataon lang na sa pamilyang iyon siya napabilang. Mahal niya ang pamilya at kahit pa hindi naging ganoon ang estado nila, masayang-masaya pa rin siya. Mabubuting tao ang mga pinsan niya. Mas gusto rin ng mga ito ng simpleng pamumuhay sa kabila ng yaman.

Kaya nga nila pilit na dinevelop ang Bagitan ay para patunayan na kaya nila. Kaya proud na proud din si Celia sa Kuya Austen niya. Nagawa kasi nitong itaguyod ang lugar na sinimulan ng daddy nila. Isa pa, nakikita niya na sinusubukan talagang kilalanin ni Kuya Austen si Neil. At kapag nakilala na ng kapatid nang husto ang asawa niya, mari-realize nito kung bakit siya na-in love nang husto rito.

When The Sun Kisses The MoonWhere stories live. Discover now