At siyempre, hindi siya papayag nang siya lang ang sasagot at ang lalaki lang ang nagtatanong. So she asked him, too.

Shakira, Rihanna, Britney

His answer?

Marry. Kiss. Kill.

Sa laro nilang iyon, marami siyang nalaman tungkol sa lalaki. Ganoon din siguro si Neilson sa kaniya. Nalaman niya ang ilan sa mga gusto, paborito, kinatatakutan at ayaw nito.

Habang nasa library ng school at may hinahanap na libro ay biglang nag-vibrate ang kaniyang cell phone na nasa bulsa nito. Tiningnan niya kung kanino galling ang text. Nang makitang kay Neilson ay binasa niya agad iyon.

Hi, Raya! 😊

Nangiti siya sa text message na iyon. He was really fond of smileys. Bihira itong hindi maglagay ng smiley sa text nito sa kaniya. Nag-vibrate uli ang cell phone nang dalawang magkasunod.

May utang pa ako sa'yong lunch. Can we do it tomorrow?

Sabado naman bukas. Kung wala kang klase baka puwede naman.

Isang text pa uli ang dumating mula sa lalaki.

Ikaw ang bahalang pumili ng lugar. Kahit saan mo gusto.

Nagreply siya,

Talaga? Kahit saan?

Yup😊

Kahit sa Baguio?

Hehe! Sana 'yong dito lang sa Maynila. Pero kung gusto mo do'n... Gusto mo bang pumunta sa Baguio?

Pagkakita sa libro na kanina pa hinahanap, kinipkip na iyon ni Celia sa kilikili at naglakad papunta sa librarian para ipaalam na hihiramin ang librong iyon.

Nagbibiro lang ako. I actually live there.

Talaga? Taga-Baguio ka? Wow.

Oo. Actually sa Benguet talaga ang tirahan ko.

Ah... so... payag ka ba sa lunch bukas?

Pag-iisipan ko.

Oh. Sure. Sige. Ahm, tapos na kasi ang lunch brak naming. Pabalik na nga ako sa bangko. Text mo na lang ako kung ano'ng desisyon at kung saan mo gusto mag lunch. 😊

Nangingiting ibinulsa uli ni Celine ang cell phone niya. Hindi niya sinabi kay Neilson na pupunta siya ngayon sa bangko. Doon na lang niya sasabihin na payag siya sa lunch bukas.

TUMIKHIM nang malakas si Iggy kaya nag-angat ng tingin si Neilson. Kunot-noong tiningnan niya ang kaibigan na nasa kanan niya. May itinuturo ang kaibigan gamit ang mga mata nito na tumitingin tingin pa sa customer na nasa harapan ngayon ng kaibigan.

Kunot-noo niyang tiningnan ang tinitingnan rin ng kaibigan. Agad na nagtama ang mga mata nila ni Celia, agad ang pagdaloy ng kakaibang sigla sa kaniya. Parang may kumikiliti sa puso niya. Ngumiti ang dalaga. Ngumiti rin ito. Sa ngiting iyon ay parang lumulutang siya. He drank her beautiful sight. Her presence was just too fascinating and overwhelming. It was as if she was bigger than life. Yes, she was bigger than life.

Naglandas ang mga mata niya sa mukha ni Celia. Isang lingo rin niya itong hindi nakita. He had missed her so much. Gusto na niyang marinig ang boses nito.

Kung hindi lang sa pagdating ng susunod na client hindi pa aalisin ni Neilson ang tingin sa babae. He could not focus anymore. Nalungkot siya dahil hindi sa counter niya ito napunta. Binilisan niya ang pag-process ng ginagawa dahil nakitang patapos na si Iggy sa pag-process ng transaction ni Celia. At bago tuluyang umalis ang babae sa bangko ay ngumite uli ito sa kaniya.

When The Sun Kisses The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon