Tumango- tango si Olivia at pinatahan ang sarili sa pag-iyak. Nakahinga sya nang maluwag dahil nakita na nya ang kaibigan.
Mula sa likuran ni Umi, napansin ni Olivia si Mario, na kanina pa nagmamasid sa kanila. Hindi nya mapigilang matakot.

Napansin iyon ni Ate Umi. “Hindi mo sya dapat katakutan,” marahang sabi nito. “Kakaiba man ang anyo nya sa mga tao pero may busilak syang puso.” Tinitigan sya ni Umi sa mga mata. “Isa syang kaibigan katulad ko.”

“Don’t judge the book by its cover,” Olivia thought. That’s what Umi wanted her to learn.

When Olivia threw another glance at Mario, he looked shy and guilty, probably for scaring her. She noticed his yellow eyes were kind and his black hair were softer in broad day light. She didn’t feel any threat coming from him.

Olivia was remorseful. Discovering and seeing creatures like Mario really shocked her but Ate Umi was right, he’s kind-hearted. He rescued her even if he didn’t know her.

Naglakas- loob na lumapit si Olivia kay Mario. “Salamat sa pagligtas mo sa’kin.”

Kung pwede lang mamula ang tikbalang ay ganun na siguro ang nangyari. Nahihiyang napakamot sa ulo nito si Mario. “Walang anuman, Olivia. Pasensya ka na rin kung natakot kita.”

“Ako dapat ang humingi ng pasensya sa’yo.”

“Naiintindihan ko naman. Natural lang ang naging reaksiyon mo. Ganyan din si Essie noong una nya akong makita,” natatawang sabi ni Mario.

Essie? “Kilala ka rin ni Lola?” Olivia’s eyes widened when Mario nodded.

“Alam kong marami kang katanungan, Olivia.” She felt Umi gently placed her hand on her shoulders. “Pero kailangan mo ng bumalik sa inyo. Hahanapin ka ng Lola mo.”

Olivia was disappointed. “Kailan kita ulit makikita, Ate Umi?”

“I’ll see you tonight.”

“Tonight?” Olivia had to repeat it to make sure she heard it right.

Umi smiled mysteriously. “Yes.”

Olivia got excited. Lalo tuloy syang hindi makapaghintay. Nailing at napangiti na lamang si Umi dahil kita sa mga mata nya ang pananabik.

“Ihahatid na kita,” anito.

“Hindi ka maaaring umalis,” a stern voice said. Napatingin silang lahat sa isang babaing bigla na lamang lumitaw sa likod ni Mario, na noo’y yumuko para magbigay- galang. “Kailangan nyang magpahinga,” baling ng babae kay Olivia, na ngumiti nang masino ang bagong dating.

She was the same woman who rescued Ate Umi last night. She was wearing a long light blue dress with a deep V-neck line emphasizing her cleavage. Her silver highlighted dark hair was hanging loosely and when the wind kissed it, Olivia was reminded of a shampoo commercial model she saw on TV.

“Olivia, sya nga pala si Sandrea. Kapatid ko,” pakilala ni Umi sa babae, na ngumiti rin kay Olivia at nakipagkamay pa. “Ihahatid ko lang naman sya sa bukana,” baling ni Umi sa kapatid nito. 

Umiling si Sandrea. “Magpahinga ka na lang muna. Ako na ang bahala kay Olivia.”

Magalang na sumabat sa usapan si Mario at nagpresintang ihatid si Olivia hanggang sa makalabas ng kakahuyan. Pumayag na rin si Ate Umi.

“Pupuntahan mo naman ako di ba?” Gustong maniguro ni Olivia. Tumango si Umi. “Pangako?”

“Pangako.”

Hinatid lamang sya ng tanaw nina Umi at Sandrea. Habang naglalakad, nalaman nya kay Mario na hindi nya sinadyang mapadaan malapit sa kwebang tinitirhan ng Sarangay. Mahilig ang nilalang na mangolekta ng mga hiyas at binabantayan nito ang mga iyon sa kweba. Inakala nitong may tangka si Olivia na nakawin ang mga ito.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now