CHAPTER 1

174 103 141
                                    

TRAINING

"Mag-aaral kayo at sasanayin upang maging mga mandirigma. Ang hindi makapapasa at makapapantay man lang sa hinihingi naming mga kaledad ng mandirigma ay isasama sa mga alipin. Maliwanag ba?" tanong ng mataray na matanda. Nakasuot ito ng itim na longsleeved fitted dress na mayro’ng mga pulang perlas na disensyo sa ibabang bahagi.



"Opo," sagot naming lahat.



Isa-isang tinitigan kami ng matanda. "Ang una ninyong kailangang gawin ay hubarin at sunugin ang mga kasuotan niyo," wika nito.




Maya-maya’y may lumapit sa’min at nag-abot ng pamalit na damit. Tumalikod na ako at nagpalit tulad ng utos ng matanda. Kinuha ko ang mga luma kong kasuotan at luminya na upang itapon ito sa ginawa nilang apoy.




Nakasuot ako ng ternong itim na sports bra at leggings. Napansin kong lahat kami ay nakakulay itim pero sa pagmamasid ko may umagaw ng atensyon ko. Mayro’ng mga lalaking pumasok na walang saplot pang-itaas at isa ro’n ang lalaking tulad ko ay may pulang mga mata. Matangkad siya at Moreno. May abs din na pumoporma sa t’yan niya at masasabi kong nag-eehersisyo siya ng maigi.




Nilihis ko ang aking mga mata nang mahuli niya akong nakatingin sa kan’ya. Lima silang mga lalaki na lumapit sa matandang babae.




"Sila ang limang magiging tagapagsanay ninyo. Tuturuan nila kayo ng mga bagay na dapat ninyong malaman upang maging isang mabangis na mandirigma." Iyon ang huling sinabi nito bago kami sa mga lalaking magiging tagapagsanay namin.




"Ako si Uno at ako ang magiging punong guro ninyo. Bago magsimula ang inyong pagsasanay, nais kong ipabatid sa inyo na sa oras na pumasok kayo sa Arena De Mateo, walang magkakaibigan. Wala kayong maaasahan kun’di mga sarili niyo lamang.” pambungad na wika ng lalaking pula ang mata.




"Ano ang tungkulin na ginagawa ng mga mandirigma?" tanong naman ng isang lalaking matangkad at maputi na half-breed din tulad ko.




Tch! Isang matapang. Sige kung gusto niyo malaman sasabihin ko. Magsisilbi kayo.” Naglakad si Uno at isa-isang pinantayan ang tingin ng mga nalalagpasan.




Papatay kayo ng tao para sa mga Mitri. Kayo ang magdadala ng mga taong panggagalingan ng mga iinumin nilang dugo."




"At ano ang tungkulin ng mga alipin?" lakas loob kong tanong.




Ngumisi ito at ipinaling ang ulo bago sagutin ang aking tanong. "Mga laruan ng mga nakakataas. P’wedeng paglaruan ang katawan ninyo. Mga kasangkapan kapag malamig ang gabi. Walang hindi kayang gawin ang may dugong bughaw, maliban na lamang sa pagkontrol sa pangangailangan ng mga katawan nila.
Nangilabot ako sa narinig. Hindi ko maisip na malalagay ako sa gano’n kalagayan. Ayaw kong maging alipin kung gano’n.





"Concubines, pets, sex toy, pampalipas oras kung anuman ang gusto ninyong itawag. Ngayon ang tanong naming, gusto niyo bang maging alipin?” tanong ng isang lalaking kulay berde ang buhok.




"Hindi,” sabay-sabay naming usal.





"Mabuti naman," tugon ng lalaking may hikaw na itim.






"Kakain tayo sa sarili nating dining hall maya-maya. Sa ngayon ay may nais akong ipagawa sa inyo,” saad ni Uno na ngayo’y asa harapan na muli at seryoso na ang mukha. Walang bakas ng pagbibiro.







Accomplishing her DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon