Prologue

94.3K 1.3K 117
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



PUNONG-PUNO ng sigawan ang buong kapaligiran. Kanya-kanyang takbo ang mga mamamayan upang iligtas ang kanilang sarili mula sa kapahamakan. Kahit saan ka tumingi'y makikita mo ang ilang mga taong walang buhay sa paligid.

Hindi na malaman ng ilang mga tao kung nasaan pa ba ang tinatawag na ligtas na lugar. Tumingala ang batang babae sa kalangitang punong-puno ng makapal na usok. Halos mamula ito dahil sa laki ng apoy sa paligid na kulang na lang maabot ang mga ulap. At ang mga nagliliparang dragon ay namamayagpag sa himpapawid upang sirain ang buong nayon.

"Sumampa ka sa likod ko!" utos sa kanya kanyang kapatid. Hindi na siya nagdalawang isip pa at sumunod sa sinabi nito. Labis ang kaba na kanyang nararamdaman. Hindi siya sigurado kung mabubuhay pa siya pagkatapos ng nangyayaring kaguluhan. "H'wag kang mag-alala, hindi kita papabayaan. Ilalayo kita sa gulong ito basta't pumikit ka lang." Saad nito na lalong nagpaluha sa kanya dahil sa takot.

Mabilis ang pagtakbo ng kanyang kapatid habang buhat siya nito sa kanyang likuran. Kahit na pumikit siya ay hindi mawala sa kanyang isip ang nakakatakot na kapaligiran, hindi mawala ang nakaka-awang mga sigawan, ang lahat ng iyon ay paulit-ulit na rumerehistro sa kanyang isipan.

"Natatakot ako, kuya," nanginginig na bulong niya.

"H'wag kang mag-alala. Matatapos rin ito, makakaligtas tayo't babalikan natin si ama't ina." Sagot nito habang binibilisan ang pagtakbo.

"Ngunit, kuya, tama bang iwanan natin sila sa ganitong pagkakataon?" lubha niyang pangangamba . "Nais kong balikan si Ama't ina" saka siya biglang nagpupumiglas at pilit na bumibitiw mula sa pagkakakarga ng kapatid.

Muntik na silang tamaan ng lumilipad na bolang apoy gawa ng ilang mga nagtutunggaling mahikero sa paligid. Mabilis siyang dinala ng kapatid sa gilid ng isang malaking tipak ng bato at ibinaba mula sa pagbuhat.

"Naiintindihan mo ba ang sitwasyon ngayon? Sa tingin mo ba'y nais kong iwan si Ama't Ina sa palasyo?" bakas ang galit sa bawat salita nito. Nararamdaman niya rin ang ang mariing pagkakahawak nito sa kanyang balikat. Mas lalo siyang naluha nang masilayan ang takot na mga mata ng sariling kapatid. "Kailangan nating mabuhay para sa kanila. Isa pa, kagustuhan nilang lumayo tayo sa mapaminsalang digmaan na ito. Nais nila tayong maging ligtas!" Marahas nitong pinahid ang mga luhang dumadaloy sa pisngi.

Wala siyang magawa kung hindi ang magpalamon sa takot. Hindi niya alam kung bakit kailangan nilang pagdaanan ang lahat ng 'yon. Mahipit niyang hinawakan ang kamay ng kapatid at mabilis na yumakap. Sunod-sunod lang ang pagdaloy ng sariling luha habang nakayakap din sa kanya ang kapatid. Naramdaman din niyang binuhat siya nito at hinawakan ng mabuti. Hinayaan niyang dalhin siya ng kapatid sa ligtas na lugar tulad ng sinabi nito sa kanya. Sa isang lugar na 'di niya alam kung mayro'n pa.

"Kayo ang mga anak ng Vastia hindi ba?" Isang tinig ng lalaki ang kanyang narinig. Bahagya niya itong sinilip at nakita ang isang nakakatakot na lalaki. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ng kapatid. Dinig na dinig niya ang malakas na pintig ng puso nito at tila ba nanigas ang mga paa nito sa lupa.

Prince of Darkness ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon