Lola Esmeralda died in an accident. Nabagsakan ng gumuhong bato at lupa ang sinasakyan nitong kotse nang pauwi na ito mula sa isang outreach program. There was a sudden landslide and her Lola died immediately.

Ibinaling ni Olivia ang tingin sa labas ng bintana dahil umagos ang kanyang mga luha. Palihim nya itong pinahiran. She missed her grandmother so much. Must be the reason why she kept dreaming about her and the farm.

Maya-maya ay nakaramdam sya ng kaunting hilo kaya bumalik sya sa pagtulog. But the feeling didn't go away even after they arrived in Real. Medyo masakit din ang ulo nya pero ipinagsalawang bahala nya.

"Uminom ka muna ng gamot," nag-aalalang sabi ni Coreen bago bumaba ng bus. Ginising kasi sya nito nang malapit na sila sa destinasyon at napansin nitong may sinat sya.

Inabutan sya nito ng paracetamol at tubig. "Salamat." Isinubo nya ang gamot sabay inom ng tubig.

"Ime-meet din tayo ni Councilor Saraza, ang anak ni Mayor. Magdadala rin sya ng mga volunteers na tutulong sa atin."

It turned out that Councilor Saraza was a very pretty woman in her early 30's. Nakasimpleng black fitted t-shirt, jeans at sneakers lang ito at tila handa rin itong sumali sa activity. Napatitig sila sa isa't- isa nang ipakilala sila ni Coreen, na syang nakipagcoordinate sa local government.

What stunned Olivia was the young politician's light brown eyes. Hindi man nya maalala ang mukha ng anghel sa panaginip pero naalala nya ito sa mga mata ng konsehal. Lalo syang nagkainteres dito nang sabihin nito ang pangalan.

"Ako nga pala si Yumi Saraza. Nice meeting you, Ms. San Victores." She held out her hand. Napatitig lamang si Olivia sa kamay nito. "Ms. San Victores?" Untag sa kanya nito kaya napatingin naman sya sa magandang mukha nito. "Are you okay?"

"Yes, I'm fine. Sorry. It's nice meeting you too." Olivia took Yumi's hands. It was soft and warm.

"Salamat at napili nyo ang Real para sa activity na ito," nakangiting sabi ni Yumi.

Olivia was a bit disappointed when the councilor's smile lacked mystery. Gusto tuloy nyang pagalitan ang sarili sa naisip. "Focus, Olivia," she scolded herself mentally.

After a brief introduction with some of Councilor Saraza's staff and volunteers, Olivia gave a short speech about The 11 Foundation working continuously with local government on protecting the environment and restoring biodiversity.

Matapos i-discuss naman ni Coreen at ng Punong Barangay ang process ng tree planting activity na gagawin, nagsimula na silang isagawa ang proyeko. May ilang lokal na residente ang nagvolunteer at syang nagsilbing guide sa paanan ng bundok.

" She's here," excited na bulong ni Coreen kay Olivia, na noo'y nagsusuot ng gloves.

Base sa ningning sa mga mata ni Coreen, inakala ni Olivia na si Rayanne ang dumating. She was suprised to see Erin approaching them.

How could Erin manage to look stunning on a plain black fitted shirt, faded torn jeans and boots? Her long hair was tied on a pony tail showing off her beautiful face. Parang nagslow motion ang lahat habang patungo ang mahahaba nitong legs sa kinatatayuan nya.

"Hi, Ms. Olivia," bati ni Deanne, ang secretary ni Miranda, nang makalapit ito kasama ni Erin. Kung hindi ito nagsalita, hindi nya mamamalayang kasama pala ito ng magandang babaing bagong dating. "Kami ang pinadalang representative ni Ms. Miranda. I guess, you already know Ms. Erin?"

"Y-Yes." Pinilit alisin ni Olivia ang tingin sa mukha ni Erin, na noo'y nakatingin lamang sa kanya at walang kangiti-ngiti. "Thank you for coming. Tamang- tama ang dating nyo. Mag-uumpisa palang tayo."

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now