Chapter 10

13 0 0
                                    

ELEGANT LIES 10

Nagising ako nang may naamoy akong mabango na nanggagaling sa kusina.

Bumangon ako at sinilip kong sino ang taong nandito. Lumawak ang aking ngiti nang makita ang babaeng pinakamamahal ko.
"Mom..." I called her.

Lumingon ito sa akin. "Good morning, gising ka na pala."

"Kanina ka pa ba dyan?" malambing kong tanong. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya patalikod. "I miss you, Mom..."

Tumawa ng mahina ang aking ina. "Namiss din kita. Halika ka na, umupo ka na, kumain ka na."

Nag mukha akong batang pinaghandaan ni mama. Pinunasan niya ang kanyang basang kamay at hinubad ang suot na apron.

"Oh? Saan po kayo pupunta?"

Lumapit siya sa akin at pinisil ang aking pisngi. "Papasok na si mama sa trabaho." hinalikan niya ang aking nuo.

I pouted. "Dito lang po kayo. Huwag muna kayong pumasok ngayon."

Natatawa itong umiling. "Mapapagalitan ako ng boss ko kapag hindi ako papasok ngayon. Dito ka lang, babalik naman ako mamaya e."

"But mom..." tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso "Mom... please... Stay." tuluyan na niya akong tinalikuran. "Mom..." Mahina kong tawag sa kanya. Tuluyan na itong nakalabas ng kwarto. "Mom..."

Bumangon ako at pinunasan ang luhang nasa pisngi ko. I'm dreaming again.
Uminom ako ng tubig at pinakalma ang sarili. I sighed. Pitong taon na ang nakalipas pero patuloy pa rin akong ginugulo ng aking mga ala-ala. How am I supposed to deal with my past?

Kinuha ko ang isang box, nilapag ko sa mesa ang mga gamit ng aking ina. Nandito ang lahat niyang gamit noong buhay pa ito, ang kanyang mga gamit sa opisina at ang kasong hinawakan niya bago siya mamatay.

Kinuha ko ang larawan ng isang batang babae. She is the victim.
Tiningnan ko ang likurang bahagi ng litrato, it was an address and date.
Kumunot ang aking noo sa petsang naroon. It was April 9, 2014 the date my mother was killed.

Kinuha ko ang aking laptop, sinearch ko ang petsang 'yon. Mga detalyeng pwede kong maikonekta sa pagkamatay ng aking ina.
I click the article about the car accident. Pinikit ko ang mata bago ito binasa.

It was the report that Detective De Leon died. Wala na akong ibang nakita, wala talaga akong mahahanap dahil pinipilit nilang itago ang totoo.

Kinuha ko ang litrato ng bata at siniksik ito sa aking pitaka.

"What brings you here, Atty. De Leon?" nakangiting pambungad sa akin ni Detective Perez.

"May itatanong lang po sana ako tungkol sa aking ina." mahina kong wika.

Detective Perez was the closest friend of my mother.
Mabilis akong hinila ni Detective Perez papasok sa kanyang opisina.
Palinga-linga pa ito bago sinara ang pinto.
"You should have called me first." he whispered.

Ngumiti ako. "I did but you're not answering."

"Oh! Talaga?" dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa. "Oo nga, pasensya ka na."

Umupo ako. "Ikaw lang ang alam kong pwede kong lapitan tungkol sa nangayri sa aking Ina, pasensya na po kung naaabala ko kayo."

Tinapik niya ang aking balikat. "Ano ka ba. Wala 'yon, kaibigan ko si Jonah. Anong itatanong mo?"

I sighed. "I won't asked about her accident... this." inabot ko sa kanya ang larawan ng batang babae. "I want to know what happened to that kid."

Napansin ko ang pamumutla ni Detective Perez. He gupled. "Why are interested to her case?" may bahid na takot sa boses nito.

ELEGANT LIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon