Chapter 15

13 0 0
                                    

ELEGANT LIES 15

WARNING:MATURED CONTENT!

Inayos ko ang dala kong bag at mga pwede kong gamitin dito sa Macao.
Nang matapos ako sa aking ginagawa, kinuha ko ang aking cellphone para lumabas sa aking kwarto.

Nang makapasok ako sa kwartong inukupa ng dalawa kong kasama, sumalubong sa akin ang mga computers at laptops.

Parehong may ginagawa ang dalawa. Luke is busy reading some files on his laptop while Zacc is monitoring the entire hotel.

Hinampas ko ang balikat ni Zacc. "Did you hacked the hotel's security system?" tanong ko.

He winked.
Napangiti ako sa ginawa ng aking kaibigan. "You're a pro, dude." nag thumbs up ako sa kanya.

Hindi na ako nagulat na kaya niyang gawin iyon. Zacc is the unfamous hacker in the country. Naalala ko pa noon, noong highschool pa kami, bumagsak ako sa isang subject dahil inaway ko ang anak ng isang mayor, dahil doon binayaran ng ama nito ang guro para ibagsak ako, pero hindi ko alam kung paano nakapasok si Zacc sa server ng school at nagawa niyang palitan ang final grade ko. Pasahan na iyon ng mga marka kaya hindi na nila nagawang ibalik ang dati kong score. Sa huli hindi ako bumagsak.

Umupo ako sa couch at pinagmasdan ang dalawa.
"Guys, baka kailangan niyo ang tulong ko. Baka lang naman." wika ko.

Zacc looked at me. "I want coffee."

"Me too." Luke raised his right hand.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawa pero hindi nila iyon pinansin, nasa screen ng kanilang computer ang kanilang atensyon.
Walang gana akong tumayo at nag timpla ng kanilang kape.
Kumuha ako ng kapeng hindi ko alam kung anong klaseng kape ito, sinunod ko na lang mga instructions kung paano ito timplahin.

Isa-isa kong binigay sa kanila ang kanilang kape at bumalik sa couch. Nag-padausdos ako.

"I found him." It was Zacc.

Sabay kaming lumapit ni Luke sa kanya at tiningnan ang kanyang computer.

"He's here." turo niya sa isang location.
"Darn that rat." mura nito.

"It's not easy to find him in that area." komento ni Luke.

Tumango ako. Mahihirapan kaming hanapin siya sa lugar na iyan, masyadong maraming mga tao at magkadikit-dikit ang mga bahay.

Sumandal si Zacc sa kanyang upuan habang si Luke ay nanatiling nakatayo habang malalim ang iniisip.

"We need the cooperation of the their local police." suhestiyon ni Zacc.

Tumango ako. "Tama. Let's  hurry."

Akmang lalabas na ako ng kwarto nang pigilan ako ni Luke. "We can't trust the police here. We need a thorough plan." sabi niya sa akin habang nakahawak sa aking kamay.

I sighed.

Bumalik kami sa kanya-kanya naming posisyon kanina.
Tiningnan ko ang aking cellphone nang tumunog ito.
It was Prosecutor Sarah.

"I send some backed up. You can trust them, Atty. De Leon."  The Prosecutor said.

"Okay. What's your update?"

"We are monitoring his location, we already asked the cooperation of the local police there."

Tiningnan ko si Luke. "Can we trust them?"

I heard her sighed. "I'm not totally sure."

Nang matapos kami sa pag-uusap tumayo ako. Lumabas kami ni Luke sa hotel, naiwan si Zacc dahil ito ang nagbabantay sa mga camera.

ELEGANT LIES Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang