Chapter 7

9 0 0
                                    

ELEGANT LIES 7

Kinabukasan, pumunta ako  sa ospital. Dadalawin ko ang pamilya ng biktima at alamin kung ano na ang kalagayan ng anak nito.

Akmang papasok na ako ng elevator nang makita ko ang secretary ng Vice-Governor. Sinundan ko ito ng tingin, mabilis ang mga hakbang nitong lumabas ng ospital.

I immediately dialed the phone number of Atty. Guerrero. Mabilis ang hakbang kong naglakad patungo sa kwarto ni Jenny. Napalakas ang bukas ko sa pinto kaya lumikha ito ng tunog. Nagulat ang asawa ni Mang Carlos kaya napatayo ito.

"Atty..."

Mabilis akong lumapit sa kanya at sinuri ang loob ng kwarto.

"Atty... anong ginagawa mo?"

"Did someone came here?"

Natulala ito sa naging tanong ko. Umiwas ito ng tingin sa akin.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao nito.
"Manang, anong ginawa niya dito?"

Nanatili itong tahimik. "Manang, sagutin mo'ko?"

"Ano ba!"

Napaatras ako dahil sa biglaang sigaw niya.

"Umalis ka na, Atty. De Leon. Hindi na namin kailangan ng tulong niyo."

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Uminit ang aking ulo sa narinig. Pakiramdam ko pumunta lahat ng aking dugo sa aking ulo.

"Ihinto mo na ang hearing, makukulong at makukulong ang asawa ko dahil ginagamit mo lang siya." puno ng galit niyang wika. "Wala kang pinagkaiba sa mga taong pumatay kay Governor, hindi ba't gawain mong ipakulong ang mga taong inosente at palayain ang mga makapangyarihang criminal?!"

Natulos ako sa aking kinatatayuan, naumid ang dila ko. Hindi ko nagawang magsalita.

"Bakit ba ako nanghingi ng tulong sa taong katulad mo? Wala kang mabuting ginawa, kundi pahiran ng kasalan ang mga mahihirap na tao.!"

Gusto kong sumigaw at magwala sa harap niya. Gusto ko siyang saktan at sigawan pero wala akong sapat na lakas para gawin iyon.

"Mrs. Diansel!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa malakas na sigaw ng taong nasa likod ko.
Pwersahan akong hinila ni Atty. Guerrero at parang batang tinago sa likod niya.

"What are you doing, Mrs. Diansel?"
May bahid ng galit ang boses nito.

"Kakampihan mo ang babaeng 'yan, Atty. Guerrero? Hindi mo ba alam na ginagamit niya lang ang asawa ko para sa publiko, para magmukha siyang bayani?"

"You're making speculations, Manang. She's working hard to this case. She's trying her best to gather evidence to prove the innocence of your husband. Stop what you're doing right now." awtoritado nitong wika.

Hinila ako ni Atty. Guerrero palabas ng kwarto. Wala ako sa sariling nagpahila sa kanya, hindi ko nga namalayan na nandito sa kami sa harap ng kanyang sasakyan.

Umangat ang tingin ko sa kanya."Hindi mo na dapat ginawa 'yon kanina." mahina kong wika. "Dapat hinayaan mo si Manang na ilabas ang lahat ng sama ng loob niya." wika ko habang nakayuko.

"Then, why are you crying now?"

Mabilis kong pinahiran ang luhang tumulo, pero mas lalo lang akong naiyak. I bit my lower lip. I've been humiliated and judged even before but this is the first time I cried, being humiliated by innocent people is killing me.

Hinila ni Atty. Guerrero ang kamay ko at niyakap ako. Tinutulak ko siya palayo pero hindi siya nagpatinag. Tinago ko ang aking sarili sa kanya habang pinipilit ang sariling huwag ng umiyak. Hinahaplos niya ang aking likod.

ELEGANT LIES Where stories live. Discover now