Epilogue: The Long Winter Is Finally Over

Magsimula sa umpisa
                                    

Single kase ang pinsan ko, walang love life kaya walang nag-pa-pasaya sa buhay niya. Since wala naman siyang crush, nililigawan o kahit girlfriend man lang ay kami ang pinag-titripan niya para naman ngumiti siya kahit papaano.




Mabuti pa ang kapatid niya, may fiance na si Ate Bianchi pero hindi pa namin alam kung kailan magaganap ang kasal nila habang may girlfriend na si Xanxus pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahuhulaan kung sino ang mga iyon.




Sinabi lang nila sa'kin na kilala ko ang mga karelasyon nilang dalawa, at kahit pala si Hayato ay hindi kilala ang mga 'yon. Ayoko na silang pilitin kung ayaw nilang sabihin sa'kin dahil alam ko namang mauuwi lang sa wala ang lahat, baka bigla akong sapian ng kung ano'ng espiritu tapos bigla ko na lang silang barilin.



Sa kabila ng mga naganap, masaya ako dahil mag-kasama pa rin kami ni Jao hanggang ngayon. He and I are preparing for our royal wedding, tradisyon na ito at lahat ng mga babaeng naging asawa ng mga Boss noon ay kailangang dumaan sa ganito dahil katulad nila ay ako na ang tatanghaling First Lady ng Tenth Boss ng Leone Dil Cieli Famiglia.





The tradition is pretty simple, all I have to do is stay away from Jao for a week before our wedding day. We can't call, text nor sent letters to each other. As in wala talaga kaming komunikasyon sa loob ng isang buong linggo dahil may pamahiin daw sila tungkol sa bagay na iyon, hindi ako nakikinig sa paliwanag ni Ate AC dahil hindi naman ako mahilig maniwala sa mga ganong bagay.





And I'm not worried about it kase hindi naman iyon related sa swerte at malas, kahit hindi namin sundin ang bagay na iyon ay walang magiging problema pero bilang respeto kay Don Gilbert pati na kay Doña Leticia na kapwa nag-tiis din naman noon ay sumusunod pa rin kaming dalawa ni Jao.



Eto na ang pangatlong araw na hindi ko man lang nakikita o nakakausap si Jao dahil hindi nga pwede base sa so-called tradition na kailangan namin sundin, nandito ako sa mansyon kasama sina Ate AC, Ate Bianchi, Akina, Aiko, Chrome Misaki, Claudine, Daniela saka si Fran. Puro mga babae lang ang kasama ko dito ngayon, ang mga lalaki naman ay nasa mansyon ni Don Gilbert para bantayan si Jao...




Kuya Kentaro's wife, Aniasthesia Cleo P. Matsunaga or also known as my Ate AC. nag-ta-taka rin sila kung bakit ganiyan ang tawag ko sa kaniya but I couldn't help it okay? Nasanay na ako eh, ano'ng magagawa nila?




Ate Bianchi is my cousin, Tita niya si Mommy at wala talaga siyang balak sabihin sa'kin kung sino ang fiance niya. As if naman aagawin ko 'yon diba!? I mean, yuck! Kadiri! Never!!





Akina Kururugi is one of Jao's best friends, at siya ang asawa ni Tsunayoshi Haruno. Isa si Akina sa mga kasama ng fiance ko noong panahon wala pa siyang naalala dahil tahimik pa ang buhay niya. She even pretended na may gusto siya kay Jao pero sa tuwing umaamin siya ay palagi naman siyang tinatanggihan at bina-busted!!




Aiko and Chrome Hibari are siblings who doesn't seem to get along with each other no matter what, si Aiko ang mas matanda habang si Chrome naman ang bunso pero mas matured pa siya kaysa kay Aiko lalo na pag-dating sa mga lalaki. Well, it's not like I can blame Aiko for that, No Boyfriend Since Birth kase siya.





These two girls are Naoki's cousins, alam kong mag-pi-pinsan silang tatlo pero I'm actually quite surprised and I couldn't believe it myself because none of them are cursing me or even slapping the shit out of my beautiful face. A part of Naoki's death was my fault, he could just simply ignore Jao but he didn't.




Kung hindi siya sumunod noong araw na iyon, siguradong si Jao ang na-. I'd rather not continue that sentence kase parang pinipiga ang puso ko sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang scenario na iyon. Mas gugustuhin ko pa sigurong tumalon na lang mula sa isang mataas na gusali kapag nang yari 'yon so let's erase it on our minds.





The Snowman Who Hates The SnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon