"I ruined it..."

"What do you mean?" kumunot ang kanyang noo.

"Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasigawan ko si Elizabeth."

She sighed heavily and looked at me worriedly. I smiled again to mask the pain I'm feeling. Alam kong magiging maayos rin ako. Nalagpasan ko na ito noon, malalagpasan ko ulit ito ngayon.

"Are you okay? Please, tell me what's inside your heart. I'm willing to listen!" anya.

"I'm fine. Syempre medyo masakit but... I'm fine. Kilala mo naman ako."

"Kilala kita pero alam kong nasasaktan ka rin," umiling siya. "I don’t like it when you’re quiet. Mas okay na yung sinasabi mo ang nararamdaman mo. Nag aalala ako."

Bahagya akong natawa, this time totoo na. I’m happy that someone cares about me. Ayos na iyon para sa akin.

"I'm just really fine. Look, pinatawa mo ako."

"Tss," inirapan niya ako.

Humalakhak ako at nagpatuloy na sa pagkain. Nagutom ako dahil hindi ako nakakain kagabi. Nakatulog agad ako dahil sa pag iyak.

Nagsimula ang klase at nakapag focus naman ako. Isinantabi ko muna ang lahat ng nararamdaman ko dahil importante rin itong pag aaral ko. Hindi ko pwedeng pabayaan.

It was lunch when I saw the Agravantes. We haven't interacted with each other for a long time and I only see them at lunch.

Unlike before, they were talking quite seriously at their table. Nandoon si Elizabeth pero nakahalukipkip lang siya at mukhang hindi maganda ang timpla. Hindi siya nakikisali sa usapan ng mga Agravante.

Nag iwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Louissa Agravante at nagpatuloy sa pagkain ko. Her cold eyes were terrifying. But other than that, I don't want her to think that I'm showing pity for myself just for them to believe me. I don't want them to think of me that way because I'm not that kind of person.

Lumipas ang mga araw at kahit papaano naging magaan na rin ang pakiramdam ko. Nakakangiti at nakakasabay na ako sa mga kwento ni Audrey kaya pati siya hindi na rin masyadong nag alala sa akin. Lalo na noong tinukso ko siya kay Arjun.

"What the hell, Cassandra? I don't like him!" she said.

I chuckled. Sinabi kong kaya siguro ayaw na ayaw niya kay Arjun ay dahil gusto na niya ito. Ganon naman minsan, diba? You don’t like the person you like because you’re not comfortable with them. Your heartbeat is speeding up and your cheeks are getting hot. Nakakahiya kung makikita iyon ng taong gusto mo kaya pinapakita mo nalang na ayaw mo sa kanila.

Teka? Bakit alam ko ito?

"Yuck, Cassandra! Ayaw ko nga sa kanya, diba?"

"Diba nga, the more you hate the more you love?"

"Oh, now I'm confused if I will be happy that you're fine or not! I hate you!"

Humalakhak ako at tinigil na ang panunukso sa kanya. Baka magtampo pa, tigilan nalang.

Tinupad nga ni Brandon ang sinabi niyang kapag hindi kami nagkikita sa school ay pupunta siya sa store na pinagtatrabahuhan ko. Pero kahit naman nagkikita kami sa school ay pumupunta pa rin siya. Minsan kasama niya ang mga kaibigan at minsan naman siya lang mag isa.

Tulad nalang ngayon, mag isa ulit siya.

Nilapag ko ang adobo at kanin na nasa iisang lalagyan. Kalalagay ko lang no'n sa oven at ngayon mainit na kaya dinala ko na sa kanya.

"Did you eat already?" he asked me.

"Yup. Kumain na ako bago ako pumunta rito."

Tumango siya at kinuha ang plastik na mga kubyertos para magsimula nang kumain.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now