08

306 29 1
                                    

CHAPTER EIGHT

Kinabukasan ay nagising ako na may pumipitik sa noo ko. Iminulat ko ang aking mata at pinanlakihan kung sino man ang gumawa niyon sa akin. Hindi na ako nagulat na si Carson iyon dahil alam ko ang mga galawan niya pero hindi parin ako sanay. Kaya inis na inis ako nang nakarating kami sa dining room.

Hindi na ako tinanong nila mama at papa dahil alam naman nila kung bakit busangot ang mukha ko, si Vin lang na nanatiling nakatingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at nag-sign of the cross nang si mama na ang mag-pi-pray.

"... In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit... Amen... Kain na tayo, damihan mo pagkain mo, hijo at alam kong ma-mi-miss mo ang luto ko." Nakangiting sabi ni mama. Sinulyapan ko si papa na umiling nalang.

Nilagyan pa nga niya ng pagkain sa palato si Vin.

"Tsk." Bulong ko at tri-ny na i-slice iyong karne kahit hirap ako. Nagulat nalang ako nang umangat ang plate ko at si Vin na kumuha niyon para hiwain ang pork. Si papa ay ngumisi na nakayuko, si mama naman ay kilig na kilig habang pumapalakpak ng mahina. Ngunit ang bunso ay umiirap sa hangin. "Thank you." Bulong ko pagkatapos niya iyong paghiwa-hiwalayin.

He gestured me to eat before slicing his own. Nag-uusap sina papa at Vin habang kami'y kumakain. Tahimik lang ako dahil puro business naman ang pinag-uusapan. May alam si papa doon dahil graduate siya sa kursong business ad. Habang ako, walang interes sa business.

"Kamusta naman ang pamamasyal ninyong magkasintahan?" Tanong ni mama kay Vin.

Sasagot na sana ako ngunit inunahan ako ni Vin. "Maayos naman po tita, ang ganda po pala dito sa Baguio. Parang gusto kong tumira dito sa Baguio sa sobrang ayos ng paligid."

"Aba'y kung ganoon eh sign yan para bumalik ka ulit dito sa Baguio kapag nasa Maynila kayo."

"Iyon din siguro tita, susubukan ko po." Ngiting-ngiti?

"Buti ka pa eto kasing si Blythe ay hindi gaanong umuuwi."

"Ma..."

"Naiintindihan ko namang busy siya pero umaasa parin ako na bigyan siya ng boss niya ng pahinga."

"Huwag po kayong mag-alala tita. Gagawan ko po iyan ng paraan para maiuwi ko siya sa inyo sa susunod na buwan."

Nakangiting sumandok si mama halatang excited. "Kung ganoon salamat naman. May tiwala naman ako sayo para sa anak ko. Pero pagbutihin niyo parin ang panga-ngalaga sa isa't-isa."

Tumango nalang ako habang si Vin ay nagsalita.

Pagkatapos kumain ay pinagkasya ko ang isang oras ko sa loob ng banyo. Tinignan ko ang buong katawan ko na sa sobrang kinis ay ayaw ko na bumabad sa init ng matagal.

Lumabas ako ng kuwarto ko at pumasok sa walk-in closet ko then after changing I went to my vanity table. I wore a red polo and white pants paired with my white sneakers. I also wear my earrings, I sprayed amount of my favorite cologne on me then applied lip gloss and curl to my eyelashes. Lastly, I took my bag before going out of my room.

Nang bumaba ako sa hagdan ay nakita ko sila Vin at papa na naglalaro doon sa labas ng chess.

"Huy!" Tawag ni mama sa akin na hindi ko napansin na lumapit sa akin dahil naroon nakatingin ako kay Vin. "Still not going to tell him what you really feel?"

To Get Her (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon