Watermelon Tree

Magsimula sa umpisa
                                    

"Of course not, iha."

"Ayoko nang magkasakit, Lola. Gusto kong makatulong sa pamilya. Please make my sickness go away. We have money. Hindi ba natin pwedeng alisin ang sakit ko?" Olivia's tears started to fall.

Lola Esmeralda bended to be at her eye level and hugged her tight. "We'll make it go away, apo. I promised."

That summer, Olivia found herself on her way somewhere with her Lola Esmeralda. Magbabakasyon daw sila nito sa farm ng mga Grego, ang pamilyang pinanggalingan ng Lola nya. Hindi na namalayan ni Olivia kung gaano katagal silang nagbiyahe dahil ginising na lang sya ng Lola nya nang makarating sila.

Pagmulat ng mga mata ni Olivia, pumasok ang kotse sa isang eleganteng iron gate na kulay abo. Nakasandal sya sa backseat at kita nya ang mga naglalakihang puno ng mangga.

The weather was colder and the blue sky was clearer. She sat up straight and saw men and women sweeping fallen leaves beneath those mango trees. She could see smoke rising up to the trees from burning leaves.

"It's called smudging," her Lola explained. Effective daw iyon para mamulaklak at magbunga ang mga puno kahit out of season.
Huminto ang sasakyan sa harap ng isang two-storey brick house sa dulo ng mango orchard.

Olivia breathed in the fresh air. Sabi ng Lola nya, hihingi sila ng tulong sa kalikasan para gumaling sya at hindi na muling magkasakit. Doon muna raw sya buong bakasyon habang ang kapatid at ibang pamilya nya ay nasa Ilocos.

She already missed her sister. Pris would sure love the serenity of the farm. Wala syang ibang marinig kundi mga pagaspas ng dahon at huni ng mga ibon na nagliliparan sa mga sanga.

Sa mga sumunod na araw, bukod sa paglalakad sa lilim ng mga punong mangga, pinapanood din nya ang mga tauhan sa farm habang nagha-harvest ng mga malalaki at mapupulang kamatis. Tuwang-tuwa rin syang makita ang mga mayayabong na repolyo, lettuce at petchay.

Hinahayaan lamang sya ng Lola nyang mamasyal sa paligid ng farm. Binigyan sya nito ng laya na pumunta kahit saang parte ng lugar basta hindi nya pabayaan ang sariling mapagod ng husto. She loved how her Lola trusted her. Malaya syang makapaglakad nang walang bantay.

Kung hindi sya naglilibot sa farm, nasa kitchen sya kasama ni Lola Esmeralda. Tinuturuan sya nitong magluto o kaya magbake ng cake gamit ang mga produce galing sa farm.

"Like any form of art, baking requires time, focus and ultimately, patience," her Lola said while Olivia watched her kneading the dough. "Be patient apo. In time, you will be okay."

One afternoon, Olivia woke up when she heard gentle sounds of wind chimes. Nakatulog pala sya sa malambot na sofa sa likod ng brick house habang nagbabasa sya ng Wizard of Oz. Mahangin kasi at mapayapa kaya inantok sya.

Kita mula sa kinauupuan nya ang mga tanim na chico at sa paanan ng isa sa mga punong iyon ay nakaupo ang isang malaking puting asong nakatingin sa kanya. German Shepherd was it? But this one was pure white. It was beautiful.

The dog suddenly stood and barked at her. It was like summoning her. Alam nyang hindi sya dapat basta- bastang lumapit dahil baka saktan sya nito ngunit wala syang naramdamang peligro sa asong ito. Olivia knew she was safe.

Tumayo sya sa kinaroroonan at nang susundan na nya ito, biglang tumakbo ang aso palayo sa kanya. Olivia followed and ran after it. After few minutes, she stopped to catch her breath. The dog stopped too.

Watermelon DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon