"Thank you for being honest, Eroz. I really appreciate it"

Tipid niya akong nginitian bago marahang hinaplos ang aking pisngi. Halos mapapikit ako sa pakiramdam na iyon, it was filled with lambing, his every touch is puno ng lambing.

"Ayokong nagdududa ka sa akin. Ayokong magisip ka ng kung ano ano. As much as I can, I want to be transparent para hindi ka maguluhan" paliwanag niya.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanyang tshirt. Hindi ko na napigilan ang sarili kong hilahin si Eroz palapit sa akin, nag adjust na din ako at tumingkayad pa so I can kiss him better. Ramdam ko ang ngiti sa kanyang labi ng maglapat ang aming mga labi.

Sandaling kiss lang iyon kaya naman ng maghiwalay ang mga labi namin ay kita ko pa din ang ngiti ni Eroz.

"Bitin" nakangising sabi niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata, ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. "It's a thank you kiss lang kaya short lang" nahihiyang paliwanag ko.

Bahagya siyang yumuko para ilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Gaya gaya ka. Nauna ako sa welcome kiss" pangaasar niya sa akin kaya naman mas lalo akong nahiya at napatakip na lang ng aking palad sa aking mukha.

"I'm not gaya gaya! It's just a inspired gesture!" laban ko dahil sa sobrang kahihiyan.

Napahalakhak si Eroz. Tuwang tuwa dahil sa itsura kong hiyang hiya sa kanya. He really is enjoying my kahihiyans. He is so sobra!

Buong byahe niya ako inasar tungkol duon. Nakalimutan ko tuloy ang pagiisip tungkol sa problema ni Papa sa Manila at ang nangyayari sa aming Villa.

"Hindi pa ako nag we-Welcome kiss" pangaasar niya sa akin ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng Hummer pagkadating namin sa factory.

Sandali akong napatingin sa paligid. Abala ang mga tranahador, pero I think it's not right pa din na magkiss sa workplace. Kahit pa si Eroz ang boss.

"Uhm, you can say naman na you are welcome without the kiss..." naiilang na sabi ko sa kanya. Ramdam ko kasi ang amusement sa titig niya sa akin.

"Ok, I'll reserve that for later" sabi pa niya kaya naman mas lalong humaba ang nguso ako.

Naging abala si Eroz pag kapasok niya sa office. Imbes na makagulo duon ay lumabas na lang ako para magobserve sa mga trabahador. Pag nandito ako sa factory, pakiramdam ko wala ako sa workplace. Everyone kasi looks happy while doing their job. Hindi mo ramdam dito yung pressure, they treat each other as  a family.

"Ako na ang bibili, magpahinga ka na lang sa office" rinig kong sabi ni Junie.

Nang tuluyang makalapit ay nakita kong si Ate Erika ang kausap niya. I don't want to make papansin sa kanila but then, he already notice me na. Gusto ko sanang lumapit ng ngitian ako ni Ate, but then I saw Alice. Balak kong lumayo but tinawag na ako ni Junie. I don't want to be rude kaya naman lumapit na ako.

"Ma'm Gertrude, magmimirienda sila sa labas. Kumakain ka po ba ng tuhog tuhog? Libre ko" si Junie.

Pareho silang nakangiti ni Ate Erika sa akin. Si Alice naman ay matapos akong irapan ay nagiwas na lang ng tingin. I want to make tanggi sana pero aminado akong I want to join them also.

"Uhm, you mean the fishballs, the squidballs without tentacles and the kwek kwek?" tanong ko. Ingat na ingat pa akong baka may masabi nanaman akong mali about that.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now