Chapter 87

111 7 0
                                    

Zen's POV

Nilapag ko muna 'yong album sa lamesa. Bumalik muna ako sa kwarto ko upang magbihis na, pagkatapos ko naman ay bumaba na agad ako para makaalis na.

Nakakailang hakbang pa lamang ako mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ko na kung sino 'yong kausap nila Tita sa baba.

"Ano hong hindi n'yo maintindihan na ayokong makipag-usap sa inyo?"

Naagaw ko naman ang atensyon nila kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Zen," pakikiusap sa akin ni Mr. Richard.

"Labas."

"Z-Zen."

"Lalabas ka o ako mismo magpapalabas sa'yo?"

"Ano bang pinagsasabi mo, Zen?" pananaway ni Jared sa akin pero hindi ko man lang siya pinagtuunan ng pansin.

"Labas."

"Z-Zen, ano ba? Magtigil ka nga."

"Huwag kang mangialam," sambit ko kay Jared.

"Papa mo pa rin si Tito Richard."

"Okay." Matiim namang tumingin sa akin si Jared.

"I-It's okay, Jared," wika ni Mr. Richard sa kaniya.

"Umalis ka na dahil magsasayang ka lang ng oras dito. Hindi kita kailangan sa buhay ko at wala akong balak na kilalanin ka bilang anak mo."

"Zen, your words."

"Jared, stop," saway na ni Tito kay Jared.

Bago pa man ako makahakbang ay humarang muli si Mr. Richard sa harapan.

"Tumabi ho kayo. Mas importante ang gagawin ko kaysa makinig na naman sa mga paliwanag mo."

"A-Anak..."

"Umalis ka na. Diyan naman ho kayo magaling, 'di ba? Parang nakalimutan n'yo na ho yata. Ako nga ho na nakaalala pa kahit na nagkaroon ako ng amnesia."

"Hindi na ako aalis. Babalik na si Papa."

"Puwede ho bang tigilan n'yo na ang kasasabi ng Papa? Hindi ho ba kayo nahihiya sa sarili n'yo?"

Natahimik naman silang lahat. Kahit ako ay natigilan din. Ito kasi ang ayoko sa lahat. Kapag sinabi kong ayoko, ayoko. Dahil kapag binalot na ako ng emosyon ko, hindi ko na alam ang mga ginagawa at sinasabi ko. Kaya imbes na makipag-usap at makipagtalo pa ako sa kanila, mas pinipili ko na lang umalis. Sa gano'n ay nababawasan ang mga kailangan kong isipin kahit sa panandaliang oras man lang.

"Z-Zen... Hayaan mo namang makapagpaliwanag si Tito. Panigurado namang maiintindihan mo ang lahat kapag marinig mo ang sasabihin niya."

"Anong maiintindihan? Ano pa ang kailangan kong maintindihan? Sinong niloloko mo, Jared? Umalis siya. Iniwan niya kami. Iniwan niya ako. Ayon ang punto ro'n."

"P-Pero Tatay mo pa rin si Tito Richard—"

"Lahat kaya maging Tatay. Pero hindi lahat kaya maging Ama. Magkaiba ang bagay na 'yon."

Huminga muna ako nang malalim bago ko pinunasan ko ang mga luha ko.

"H-Hindi ko alam kung bakit ka pa dumating. Hindi ko alam kung bakit ngayon ka lang nagpakita. Hindi ko alam ang dahilan mo. Pero buong buhay ko, hinintay kita. Hinanap kita. Umaasa ako na baka bigla ka na lang dumating muli sa amin. Buong buhay ko, iniisip ko ang napakaraming tanong kung bakit mo kami iniwan. Kung may ibang pamilya ka na ba. Kung alam mo ba na may anak kang naghihintay sa'yo. Kung minahal mo ba talaga kami. Kung kahit minsan lang ba ay inisip mo kahit habang hindi mo kami kasama. Kasi sa katunayan, hindi ko man lang naranasan ang mga bagay na dapat ikaw ang gumawa. Lagi kong tinatanong kung ano ba ang pakiramdam ng may Ama. Dahil kahit kailan man, hindi mo 'yon pinaramdam sa akin. Pinagkait mo ang bagay na 'yon sa akin. Pero hindi ko pinagsisihan dahil sila ang tumayo bilang magulang ko. Tumayo sila upang magampanan ang pagmamahal ng isang magulang na hindi mo naibigay sa akin. Nagpakahirap sila sa akin upang mapunan 'yong mga bagay na pagkukulang mo. Na kahit ultimo kakainin na lang nila, ibibigay pa nila 'yon sa akin. Halos kahit walang-wala na kami, sinisigurado nila na hindi ko maramdaman na ang mga bagay na 'yon. Na kahit nahihirapan na sila, hindi nila 'yon pinapakita sa akin. Pero hindi ko sinusumbat ang lahat ng ito sa'yo. Gusto ko lang maintindihan mo kung naasan ka noong kailangan kita? Noong mga panahong naghihirap ako."

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Where stories live. Discover now