Saka ko lamang din napagtanto na siya 'yong lalaking nakita ko noong pumunta kami sa bahay nila upang humingi ng tulong. Gustuhin ko man siyang kausapin, hindi ko naman alam din ang sasabihin ko. Basta ang gusto ko lang ay umuwi sa bahay namin.

Masakit mang aminin pero nasasaktan ako dahil parang hindi ko man lang maramdaman ang pagmamahal niya bilang ama.

Kung mahal niya talaga ako, at kung anak ba ang tingin niya sa akin, hindi niya ako hahayaan sa gano'ng sitwasyon. Ni ngayon ko nga lang siya nakasama sa tanan ng buhay ko. Pero kahit kasama ko na siya, hindi ko man lang maramdaman ang presensya niya dahil parang hangin lamang ako rito.

Dati, madalas ko siyang hinahanap. Madalas kong itanong sa sarili ko kung may Tatay rin ba ako. Kahit na ang lapit ko lang sa kaniya, kahit gusto ko siyang yakapin, pakiramdam ko ay hindi ko siya magawang maabot o malapitan. Parang may nakaharang sa pagitan namin na hinding-hindi ako puwedeng lumapit sa kaniya.

Pero ngayong nandito na siya, parang naging natural na lang sa akin. Hindi ako makaramdam ng saya. Hindi ako makaramdam ng lungkot. Pero ang alam ko lang ay ang bigat nito sa pakiramdam.

Pero imbes na mas lalong sumama ang loob ko, nahiga na lamang ako at ginamit 'yong bag ko upang matulog.

Naalimpungatan naman ako kaya bumangon ako sa pagkakahiga. Nakita ko naman na hinahanda na 'yong pagkain. Pero kahit gutom na gutom ako dahil sa sarap ng pagkaing nakahanda, para bang wala akong ganang kumain.

Pagkatapos mailapag no'ng isang lalaki 'yong pagkain ay yumuko muna ito sa amin bago ito tumalikod. 'Yong Papa ko naman ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Pero katulad pa rin kanina, hindi pa rin ito umiimik o nagsalita man lang.

Bago ako kumain ay nagdasal naman muna ako. Konti lang naman ang kinain ko dahil parang nalulula ako sa eroplanong sinasakyan namin. Nakakahiya naman kung magsuka ako rito, lalo na at mukhang mamahalin. Ayoko namang mapagalitan o gumawa ng kasalanan habang nandito ako sa Papa ko.

"S-Salamat po, Pa-...."

Mukha namang nabigla ito, ngunit minabuti ko na lang na huwag ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob upang tawagin siya sa gano'n. Baka nga ayaw rin niyang tawagin ko siya sa gano'n kaya siguro na tumahimik na lang ako.

Hindi naman na ako nakatulog kaya naupo na lang ako sa gilid habang nakatingin sa bintana. Hindi ko rin kasi alam kung saan kami pupunta kaso nahihiya ako magtanong sa Papa ko. Panigurado rin kasi na wala akong sagot na makukuha sa kaniya.

Mga ilang oras lang din ay lumapag na ang ang eroplanong sinasakyan namin. Bago kami bumaba ay pinasuot naman niya ako ng medyo may kakapalang dyaket at guwantes. Paglabas namin ay sumalubong naman sa akin ang napakalamig na hangin dulot ng klima. Hindi ko na alam kung nasaan kami pero parang malayo na kami sa bahay namin sa Bicol.

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang may humintong mahabang sasakyan sa harapan namin. Nagulat na lang din ako dahil ang dami ring mga sasakyan at mga guwardiyang nakabantay at nakapalibot sa amin. Napakapit na lang ako sa pantalon ng Papa ko dahil hindi ako mapakali sa kanila. Hindi naman sa natatakot ako. Hindi lang ako sanay.

Maya-maya lang din ay may lumapit sa amin na isang babae at lalaki. Paglapit nila sa amin ay bahagya naman silang yumuko. Nagtataka na nga lang ako kung bakit sila nagyuyuko at nagbibigay galang.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن