"Bilis na Kap"

"Itanong mo na!"

"Hatdog na to"

"Itanong mo na hangga't wala pa ang mga kapatid"

"May limang oras tayo para i question si Euphi"

"Mukha niyong binubugaw"sabi ni Kapitan sakanila. Napailing naman ako, ayaw pang sabihin eh.

"Dali na, itanong mo na"sabi ko. Mga titig nila nasa amin. Bente silang mga Under kina Kuya kaya medyo maiingay.

Umayos ng upo si Aexl, pinagkrus niya mga binti niya kaya tumingin ako sakanya. Ang mga kumag nakangising nakatingin sa mga Kapitan nila.

"Ako, gusto ko?"panimula ni Captain. Agad na nagsalubong ang kilay ko habang ang mga kumag tinignan ang Kapitan nila na parang bobong bobo sila.

"Ha?"sabay sabay naming tanong. Bigla siyang namula at napakamot sa ulo.

"I mean.... How about me?"

"How about you what?"I asked back. Ginagawa nito.

"Gusto mo rin ba ko?"tanong niya, naghiyawan ang mga kumag sabay palakpak na parang tuwang tuwa sila sa itinanong ng Kapitan nila.

Napatango naman ako. Naglakihan ang mga mata nila sabay hampas hampas sa mga unan, si Captain naman natatawang napailing iling. What the hell? Anong meron?

"Bakit? Tuwang tuwa naman yata kayo"sabi ko.... Nagsitanguan sila.

"Syempre! Baka magkajowa na si Captain!"sigaw ni Chevi na sinabayan nila ng hiyaw.

"Jowa? Bakit?"

"Syempre gusto mo rin siya"Conan told me kaya natawa ako.

"What I mean is, gusto ko si Captain kasi naman ang cool niya...not in a romantic way, idiots"sabi ko napa-Aww sila sabay asar kay Kapitan na kunwaring nagsad face.

"I explain mo naman!"pagtunggo sa akin ni Chevi kaya napailing na lang ako.

"Paano ba?"

"Bakit hindi mo gusto si Cap"

"Gago, gusto ko nga siya as a friend.... I don't think of anyone in a romantic way. Atsaka hindi naman mahirap gustuhin si Cap...."sabi ko nagsi-ayiehan sila, mukha silang mga background music.

"Oh! Ito ha, para klaro mukha kayong nga hatdog eh..."sabi ko kaya tumahimik sila...."Honestly, okay naman si Captain. Kung ano siguro jowa niy----"

"Waaaaaaahhhh!!!!"pagtili ni Chevi kaya agad ko siyang binatukan.

"So ayun na nga... Example! Putangina ang gulo niyo!"I said furiously in a joking manner  kaya nagtawanan sila at tumahimik pero hindi mawala wala ang mga ngisi nila.

"Oh! Kapag ako nga maging jowa ni Cap hindi ko na bibitawan..."sabi ko pero agad din akong napangiwi ng bigla nanaman silang maghiyawan.

"Oh! Manahimik kasi kayo! Hindi pa tapos eh!"pagpatigil sakanila ni Arius.

"Continue na Bebs!"Chevi urged as soon as they shut up.

"So ayun na nga! Paulit ulit! Pag ako nga naging jowa ni Cap hindi na ako mangangaliwa! Syempre! Oh gwapo!"

"Gwapo!"segunda nilang lahat habang tinuro agad si Captain na prenteng nakaupo habang deretsong nakatingin sa akin.

"Matangkad!"dagdag ko.

Tinuro nila si Captain,"Matangkad!"

"Mabango"dagdag ko.

"Oy nang sisinghot!"pangaasar ni Vash kaya agad ko siyang binato ng unan.

"Gago, kahapon ko lang naamoy si Cap. Amoy baby"sabi ko at natawa ng makita ang pamumula ni Captain.

"Baby ko?"biglaan niyang tanong habang nakangisi. He even make his voice a little soft that almost cracked me up, ang cute ng Captain na to.

"Yeah, baby ko"pilyong sagot ko. Ang mga gago mukhang mga tangang nagwala, tinalon nilang lahat si Kapitan kaya natawa ako.

"Euphi, wala ka talagang crush?"tanong ni Kapitan ng tinigilan na siya ng mga kumag.

"Meron, babae"sabi ko at tumawa.

"Ay weh? Gago?"

Napatango ako,"Oo, second year yata ako. Naging crush ko kasi tinulungan ako sa math nung nasa library kaso isang araw ko lang siya naging crush"

"Bakit, bakit?"natatawang tanong ni Voel.

"Hindi marunong sa Algebra"sagot ko at hinubad ang hoodie ko dahil trip ko lang, naka sweater na lang ako ngayon.

"Ampucha"tinawanan nila ako kaya napasimangot na lang ako.

Sabay sabay kaming napatingin sa pintuan ng bumukas iyon. Pumasok ang mga Kuya ko.

"Euphi. Dito ka muna magover night, aalis kaming lahat pati sina Mama. Babalik rin kami bukas"sabi ni Kuya Yuri at may ibinigay na bag kaya agad ko iyong kinuha.

"San kayo pupunta?"tanong ko, binigay naman saakin ni Kuya Euriel ang nerve gear ko na nasa bag.

"South Kore---"

"Pasama!!!"sigaw ko kaya agad akong pinagtaasan ng gitnang daliri ni Kuya Eiko.

"Bawal ang bata ron"

"Anong bata?! Nineteen nako! Legal age! Pwede nang makulong!"tumawa sina Chevi dahil sa sinabi ko, totoo naman talaga eh, may lisensya na ako tapos pwede nang makulong.

"Sige ikaw na lang umalis ron dito kaming lahat"agad akong napasimangot pero agad ding ngumiti ng may nilahad na puting sobre si Kuya Euriel. Agad ko iyong tinignan at napangisi na lang.

"Kuya mukhang hindi lang isang araw"sabi ko dahil halos abot iyon ng bente mil.

"Oo nga, Isang week"sabi ni Kuya Yuri, tumawa si Kuya Eiko habang si Kuya Euriel ngumisi lang.

"Kuya naman eh!"

"Manahimik ka. Bawal kang sumama"sabi ni Kuya Euriel at pumunta sa gitna.

He clapped his hands so everyone attention was divert into him."Euphrasia will stay with all of you for a week or two dahil hindi namin alam kung kailan ang specific date kami makakabalik.... it's important kaya we need to go"sabi ni Kuya.

"First, I'll tell my condition about my Sister"panimula ni Kuya Euriel napairap nanaman ako.

"Alam kong malapit na kayo sa kapatid ko pero sana huwag umabot ang biruan niyo na magiging hindi komportable ang kapatid ko"napatango naman sila.

"May kwarto siya sa taas, nakalinya sainyo. Huwag na huwag kayong papasok dahil babae ang Kapatid ko, pumasok lang kayo kung may pahintulot sakanya"

"At. Wag niyong payagan na umalis kung gabi dahil baka mawala. May oras na magpapa 7/11 lang raw pero nasa bagyo na dahil nakatulog sa tricycle"sabi ni Kuya, napasimangot ako dahil pati iyon sinabi niya. Tumawa sila kaya lalo pa akong napasimangot.

"If it's her period wag niyong bibiruin dahil baka manuntok. Proven and Tested"napairap nanaman ako sa ere dahil sa sinabi ni Kuya.

"And for teams na maglalaro sa Season 2"agad silang nagseryoso ng i divert ni Kuya ang topic.

"June 7 iyon. As possible, every day itaas niyo ang mga level niyo kahit dalawa. Bawat araw i-enhanced ang mga espada and even your armour. I condition niyo ang mga sarili niyo, ibibilin ko kayo kay Aexl lalo na't wala si Coach ngayon dahil sa emergency niya.... Try to find rare items...."marami pang inexplain si Kuya tungkol sa laro nila kaya halos mabiyak ang ulo ko.

"Euphrasia, may mini tournament salihan niyo nina Chevi"

"Ano?! Ayoko nga. Sub nga lang ako eh, ibig sabihin hindi ako sasali sa kung ano kasi substitute lang"

"Maraming nag eemail saamin. Interview or tournament?"tanong ni Kuya Euriel kaya agad akong napairap.

"Oo na. Kailan ba?"

"I'll send the details. Si Aexl na ang bahala sa tournament"

Pagalis nina Kuya agad kaming nag-netflix. Wala lang trip lang namin

District Survival OnlineМесто, где живут истории. Откройте их для себя