Chapter 19: Against Bandits and Zombies

Start from the beginning
                                    

Pagkarating ko isa isa ko silang pinaghihiwa pero kalahati lang ang naibawas nun. Natuon ang mga atensyon nila sa akin kaya tinanguan ko si Chaos.

Habang nakikipaglaban sa sampong bandido ay siyang paginom ni Chaos ng mga Health Potion. Sinamaan ko ng tingin ang isang bandido na nasugatan ako sa mukha, nabawasan nanaman ako kaya 74% na lang ang HP ko.

Nang mapuno na ni Chaos ang HP niya agad niya akong tinulungan hanggang sa maubos na naming lahat iyon.

"Thanks Bling"

"No proooblem! Kuys"I answered and run towards Chester na may nakadambang zombie.

Hinawakan ko iyon sa buhok sabay hagis pataas at tinusok sa espada ko sabay baling sa iilan na patuloy nanamang nagsusugod.

Kill Bandits (102/1000)

"Rocco, tulungan mo yung tatlo. Kami nang bahala ni Chester sa mga Zombie. Matatagalan tayo rito"sabi ko ng magtabi kaming tatlo.

"Oo nga pre. Kami nang bahala ni Yakult, support class naman ako kaya hindi kami mamamatay rito"tumango si Rocco sabay alis at tinulungan sina Chaos.

"Yakult. Nabili mo ba iyong clone na sinabi ko sayo?"tanong ni Chester habang umiinom kami ng Health Potion.

Napatango naman ako,"Oo, punyeta ka. Pinagastos mo ko sa wala. Hindi ko magamit, level 10 lang pwedeng gumamit"sabi ko sakanya.

Napatawa siya,"Bobo mo yakult, hindi mo tinitignan yung level mo panay ang tingin mo sa HP mo kahit magrred iyan kapag half na lang. Level 11 ka na tanga"

Bahagya naman akong nagulat sa sinabi ni Chester. Tinignan ko ang level ko at agad na napatili kaya natawa siya.

"Gamitin na natin. Kung ano ang ginagawa mo ma-aadapt iyan, if zombie ang kalaban mo kakalabanin rin nila. Gaya nila lahat ng kung anong meron ka"sabi niya. Napatango naman ako at kinuha ang binili naming Clone Crystal.

May hawak na rin siyang isa,"Itapon mo sa taas sabay hiwa lalabas na iyan. It will last for an hour"aniya at hinagis ang Clone Crystal niya sabay hambalos. I was amazed when ten Chester just appeared.

Hinagis ko ang Clone Crystal ko sabay hiwa, tuwang tuwa akong napangisi ng makita ang mga kamukha ko.

"Ow yes baby!"sigaw ko at sumugod na sa mya Zombie. Kung bandit ang susugurin ko, susugod rin sila sa mga zombie kaya tinatansya kong huwag sumugod.

Kill Bandits (237/1000)

"Gago, umuga!"sigaw ni Chester ng bigla na lang lumindol.

"Wag kayong tumigil!"sigaw pabalik ni Chaos.

Dapat nga hindi kami tumigil kasi feeling ko maraming pera ang ihuhulog nito eh.

I keep cutting and slaying those Zombie's who's trying to attack, ganun rin ang mga clone ko.

Iilang segundo ng pagpapatuloy namin sa pageexecute ng matumba kaming lahat sa lupa, a loud 'roar' was heard all over the place. As I look into it, my eyes widened.

"Oh myyyy gaaaaad!"pagtili ni Chester.

"Yung malaking zombie sa Plants vs. Zombies!"sigaw ko at tumayo. Sobrang laking zombie na halos katangkad na yung wall, may hawak siyang poste na pagkalakilaki.

Iniwanan ko muna sila at tumakbo sa pintuan. Sinubukan kong hawak iyon pero sunod sunod na bigla na lang lumabas ang napakaraming kandado, nagkaroon narin ng semento na harang kaya mukhang hindi kami makalabas.

May nakita akong isang bandido na nakasuot ng ginto habang nakaupo lang kaya agad kong tinakbo ang gawi niya. Saktong paglapit ko ay siyang pagtayo niya at pagsangga ng atake ko. Mabilisan siyang lumuhod sabay hawak sa paa ko at binalibag ako. Paglapag ko sa lupa bigla niyang inapakan ang mukha ko kaya tinarak ko ang espada ko sa singit niya, napamaang na lang ako dahil dalawang pursyento lang ang nawala sakanya. Paglayo niya agad akong tumayo sabay sugod ng isang espada lang ang hawak ko.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now