Chapter 16: DSO ANNOUNCEMENT

Start from the beginning
                                    

"Atake na kayo para naman may pagpratican kayo"utos ni Pine kaya napamura na lang ako sa isipan. Halos puro 18 up to 23 ang level na mga lalaki.

Walang pasabing sabay akong sinugod ng dalawang lalaki kaya agad akong pumwesto. Nakangisi sa akin ang lalaking may hawak na hammer, akmang ihahambalos niya iyon sa akin ng agad akong tumakbo sa gilid kaya ang kasama niya ang nahampas niya, sa isang hambalos agad na naging half ang HP niyon kaya napangisi na lang ako.

"Attack!"sigaw ni Pine. Sabay sabay silang sumugod sa akin kaya agad kong pinag-sasalag ang ang mga atake nila habang nageexhibition, like jumping.

Magkabilaan akong sumasalag dahil walong lalaki to tapos nagiisa lang ako. Tumambling ako patalikod sabay tumbling paharap at agad na hiniwa ang mga paa ng kung sino mang madadali ko. I keep fighting back dahil nawawala na ang potion ni Sauda sa akin, ayaw ko namang makuha nila ang mga items ko no.

Double Fire Sword

As soon as I think of that word agad na nagdalawa ang hawak kong espada, nagaapoy pa kaya agad akong napangisi.

Akmang susugod ako ng bigla na lang nagsulputan sina Chaos, Chester, Rocco, Demon Blood, Hendrickson at Terra3.

"Hey girl! Kingina ka. Hindi ka nagonline kahapon"sabi agad ni Demon Blood.

"Review ako kagabi, entrance exam ko kaninang umaga"sagot ko, nagsihugot sila ng mga espada habang ang kabila naman nagsikuha ng mga Healing Potion. May iilang players na nagkukumpulan para maunod

"Weh?! Akala ko 19 ka lang! Sabi mo ah! Yakult!"sigaw agad ni Chester kaya binatukan ko siya.

"In-advance nila ako kasi masyado raw akong matalino"sabi ko, hindi naman ako nagyayabang.

"Woah! Puchang ina! Grade 7 pa nga lang ako eh!"

"Bakit ba hinarang ka nanaman ng mga gagong to?"tanong ni Chaos, bigla na lang umilaw ang espada niya at sobrang laki na rin nun.

"Items ko raw...."huminto ako at nagisip kung anong meron sa items ko." Items ko, dalawang orb, mga damit tapos libro! Ayun lang!"

"Sure they're coming for your money"they all stated. I just shrugged

Nasa gitna ako ng mga kaibigan ko sa laro. Nagkatinginan kami ng mga kalaban namin at agad na sabay sinugod ang Isa't isa. May narinig pa akong nagsabi na kung sino ba raw ako tapos bakit ko raw kasama yung mga possible players para sa upcoming tournament.

I went to the guy with double sword. Kasabay ng pag kalansing ng mga espada namin ay siyang sabay na pagikot namin at tumalon sa ere sabay sipa sa Isa't isa. Sabay naming natamaan ang Isa't isa kaya agad kaming nalaglag sa lupa so I put my left leg for support para hindi ako matumba at ganun rin siya.

Sinugod namin muli ang Isa't isa, nagtagpo ang mga espada namin habang magkalapit ang mukha namin. Sabay kaming napatingin sa itaas ng may nakita kaming lumilipad ma malaking maul papunta sa amin. Nabitawan namin ang mga espada namin at sabay na lumayo. Pagbagsak ng maul sinugod namin ang Isa't isa gamit ang mga kamay at paa namin. Magaling ako rito kasi nag mmartial arts kami nina Kuya sabay firing at karate.

Napangiwi na lang ako ng sabay naming nasipa ang Isa't isa. Kasabay ng pagsugod ko ay siyang pagluhod niya at binalibag ako kaya bumagsak ako sa sahig, inupuan niya agad ako sa tiyan sabay hawak sa akin sa braso.

"I really can't believe that a level 8 woman can fight like that"sabi niya kaya ngumisi ako pabalik.

"Syempre, babae ako. Mas malakas pa nga ako sayo eh"nakangising sabi ko.

Sarkastiko siyang tumawa,"Ah talaga. Tignan natin"

Kunuha niya ang kamay niya sa pulsuhan ko kaya mabilisan kong kinuha ang devil's fork ko. Akmang tatagain niya ako ng dagger ng maunahan ko siyang lagyan ng devil's fork. Nagulat siya sa ginawa ko kaya ngumisi lang ako sabay tulak sakanya.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now