Chapter 10: Big Rabbit Head

Mulai dari awal
                                    

"It's rare"sabay sabay nilang sagot kaya agad akong napangiwi.

Bagot na bagot akong napaupo sa damuhan kaya panay ang tingin nila sa akin ng may pagtataka.

"Kung hindi ba naman kayong dakilang mga yawa. Pinaghaharangan niyo pa ako! Kung sinabi niyong para sa rare item iyon!"inis kong sabi at kinuha ang malaking ulo ng rabit.

Pinakita ko sakanila iyon,"Ito hinahanap niyo diba? Oh ayan!"inihagis ko iyon sa damuhan kaya agad nilang pinagagawan iyon pero namatay silang lahat maliban sa isang lalaki na nagkaroon ng kuryente ang katawan.

"So easy"nakangising sabi niya at may itinapon sa aking bag.

"Ano to?"

"Pera. Mukha kang pulubi eh"sagot niya kasabay nun ay ang pagrating ng kabayo na kulay mint green, nagmumukha siyang animal na may micro chip dahil sa design niya.

Agad akong tumayo at bibitbit ang basket tinago ko na rin lang ang pera.

"Hoy hatid mo ko pre"sabi ko kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Ano ka? Reyna? Hindi lang dahil galing to sayo papasakayin na kita"sabi niya sabay pakita ng ulo ng rabbit at sumampa sa kabayo kaya napangiwi na lang ako.

Napakama-attitude ng mga player rito.

Naglakad na nga rin lang ako pero agad ring napalingon dahil sinasabayan niya ako.

"Ayaw magpasakay kasi gustong makisabay?"napatango tango naman ako at inayos ang basket..."Iba ka rin"

"If I'll let you ride this horse you'll find your self at the Chapel...... In other terms, matutusta ka"he told me, gulat akong napatingin sakanya.

"Ibig sabihin hindi kayo taga District 1?!"gulat kong tanong.

Nakangisi siyang napatango,"Anong akala mo taga Distrito ako ng mga mayayabang? Tignan mo naman ang visual ko, hindi ba obvious na taga Tres ako"sabi niya, halata ang pagmamayabang kaya napairap na lang ako sa ere.

Nang malampasan namin ang tulay agad kaming napasok sa kagubatan, medyo ramdam ko ang pagod, feeling ko nga minumura ako ng Avatar ko eh.

"Paano magkaroon ng kabayo erp?"tanong ko kaya napatingin siya sa akin.

"Sumakay ka sakin..."

"Ha?"

"Ha?...gago, I mean sumakay ka sa akin rito"sabi niya at huminto kaya napahinto na rin ako

"Akala ko matutusta ako?"nakapamewang kong tanong.

"I'm just kidding"sabi niya habang ngumisi ngisi kaya napairap na lang ako at agad na sumakay sa kabayo niyang malupit.

"Humawak ka, malaglag ka jan"

"Eh kung makuryente ako?"

Natatawa siyang napabaling sa akin,"Idiot, just do it"

Mga maattitude nakakakingina. Napairap naman ako at humawak sa balikat niya. This game felt so real and it made me so captivated

Ang astig ng mga Programmer kasi nakakagawa sila ng mga ganitong laro.

Pagbilis ng kabayo agad akong napayakap kay.....teka sino ba to? Napatingin naman ako sa uluhan niya.

Sephtis
[Level: 19]

Ow cool. Mga nakipagagawan kanina ang tataas ng level ang co-cool pa ng mga suot.

"Anong level ba pwedeng bumili ng mga damit na pang malakasan?"tanong ko kay Sephtis at napatingin sa kung saan saan kahit puro puno lang naman ang nakikita.

Bahagya siyang napalingon kaya agad kong inatras ang ulo ko, magkahalikan pa kami eh.

"You can buy at level 2 pa lang. Wala namang mga level sa mga damitan"he answered, napatango naman ako.

"This ride is so boring. Let's add some electricity"sabi niya kaya taka akong napatingin sakanya. Napatili ako at napayakap ng mahigpit sa bewang niya ng biglang nagkaroon ng electricity ang kabayo at bigla na lang mabilis na tumakbo na akala mo isang race car. Pakiramdam ko matatanggal ang ulo ko dahil sa bilis, panay ang tili ko pero itong Sephtis tumatawa lang. Tawa tawa siya bawiin ko yung ulo ng kuneho eh.

Nang napahinto kami agad akong nalaglag sa kabayo, paano ako hindi malalaglag eh kung biglaan. Narinig ko pa ang pagtawa niya kaya inis akong tumingin sakanya na kakababa lang sa kabayo. Pagtingin ko sa paligid may iilang players na natatawa habang nakatingin sa akin kaya agad akong tumayo at nagpagpag.

"Kampon ka ba ng demonyo?"tanong ko sakanya pero ngumisi lang siya.

"

Use those money I gave you for clothes mukha kang pulubi"sabi niya at nakapamulsang tumalikod at naglakad kaya napairap ako at maayos na binitbit ang basket.

Paglinga ko sa buong paligid halos ma virtual suka ako dahil may nakita akong beach na kulay pula, kay siguro tinawag tong bloody ocean eh.

May nakita akong signage it says 'Market' kaya agad akong naglakad papunta ron. Hindi pa ako nakakapasok ng bigla nanamang may bumatok sa akin.

Paglingon ko si Morana kaya agad akong tumakbo palayo, pagliko ko sa may Market ay siyang pagsalubong sa akin ni Azvameth kaya agad nanaman akong tumakbo hanggang sa matagpuan ko ang sarili ko sa isang auditorium na kung saan may nagsasaksakan, may nagccheer sa paligid at may nagpupustahan.

"What the world am I in?"

District Survival OnlineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang