Kabanata 19 - Who owns you

Start from the beginning
                                    

Iyon ang sinagot ko kay Seren nang tanungin na naman niya ako. Papauwi na kami dahil tapos na ang klase namin. Sabay kaming uuwi ngayon ni Alen dahil alas tres ang uwi niya tuwing Friday. Monday, Wednesday at Thursday ang uwi niya ng four. Tuesday at Friday naman ay three. Ganoong araw lang kami nagsasabay pauwi. Pero araw-araw kaming sabay na pumasok.

"Duda akong dahil gusto n'ya lang 'yan." Naningkit ang mata ni Seren sa akin. Matapos ay suminghap siya, tila may naisip. "Gusto ka talaga no'n, Maddi! Hindi niya ilalagay na password 'yon kung wala siyang gusto sayo. Nako, talandi ka!"

Pinalo ko ang braso ni Seren dahil masyadong malakas ang boses nito. Nakakuha pa iyon ng atensyon sa iba kong kaklase. At syempre, kasali talaga doon si Jeff na dakilang chismoso. Dali-dali siyang lumapit sa pwesto namin at inakbayan si Seren. Agad naman iyong tinanggal ni Seren at sinamaan ng tingin si Jeff.

Sus, ang chemistry.

"Ano 'yan? 'Yong crush mo naman ba 'yan, Maddi?  'Yong, Alen?" kuryosong tanong ni Jeff na may malaking nang-aasar na ngisi sa labi. Umiling ako at nagpasyang lumabas na sa classroom.

Sinundan ako ng dalawa, inakbayan pa ako ni Jeff  para talaga makasabay ito sa akin. Pilit ko iyong tinatanggal pero sinakal lang ako ng gago kaya hinayaan ko nalang.

"Balita ko close daw kayo no'n. Ikaw lang daw kinakausap, ha. Napapangiti mo daw 'yon. Baka crush ka rin, Maddi. Uy, swerte ni Maddi nacrush back," pang-aasar ni Jeff na sinundan niya ng tawa. Ngumuwi ako sa kanya at hindi ito pinansin.

Lumabas kami sa gate. Inilibot ko ang tingin sa mga estyudante, hinahanap si Alen.

"Ang taray, Maddi. Magbigay ka naman ng tips d'yan, oh. Para macrush back ako," rinig kong sabi ni Jeff.

Tumigil ako sa paghahanap para harapin si Jeff. I smirked.

"First of all, kailangan cute ka. Pero dahil pangit ka, first step pa lang bagsak ka na kaya move on ka nalang. Hindi ka pa rin maka-crush back." Ngumiwi siya sa akin.

"Ang hangin mo. Purket krinush back  ka lang." Tumawa ako sa reakyon niya. Binitawan niya ako t'saka naglakad palayo sa akin.

"Sige, bye, Maddi babes. Hindi sana masarap ulam n'yo mamaya. Love you, mwuah," nag-flying kiss pa siya sa akin.

Tatawa sana ako kung hindi ko lang nahagip ng tingin si Seren na umasim ang mukha sa ginawa ni Jeff.

Oy! Para may namumuong.... tae!

"Bye. Love you too." Malanding kumindat ako kay Jeff at saka rin nag-flying kiss. Tumawa ito sa ginawa ko.

Hinatak ko si Seren na nasa gilid na hindi na maipinta ang mukha. Hala, may enemies turn into lovers ata sa future. Nangangamoy selos, e.

"Anong mukha 'yan?" nakangiti kong tanong kay Seren. Bumaling ito sa akin at saglit  akong tinitigan bago umirap. Natawa ako.

"Ang landi mo talaga," rinig kong bulong niya kaya mas lalo akong natawa.

Hinatak ko siya para magpatuloy kami sa paglalakad. Inilibot ko ulit ang tingin para hanapin si Alen, at nagtagumpay ako. Nakita ko siya, nasa gilid ng kalsada, mariing nakatingin sa akin. Naka-igting ang panga at madilim ang tingin sa akin.

Nawala ang ngiti ko at kumabog ng malakas ang puso ko sa mata niya.

"Bili tayo ng somai. Libre mo'ko," rinig kong sabi ni Seren t'saka ako hinatak papalapit sa stall ng somai. Bumaling ako sa kanta t'saka umiling. Sa mata no'ng isa, kailangan ko ng puntahan. Para siyang sasabog, kunting kalabit nalang.

"Sa susunod na. May naghihintay sa'kin." Umismid si Seren sa akin.

"Sino?" tanong niya pero hindi ko sinagot.

Hinatak ko siya papalapit sa pwesto ni Alen na mariin pa rin ang tingin sa akin. Narinig ko ang impit na sigaw ni Seren sa gilid ko. Kinurot niya pa ang gilid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mas lumapit ako sa pwesto niya at tinabihan ito. Ang mata niya'y nakasunod sa akin.

"Kaya naman pala nagmamadali, e. Hinihintay ka pala ng crush mo." Agad ako napabaling kay Seren sa sinabi niya at pinanlakihan ito ng mata. Ngumisi lang ang gaga bago kumaway sa akin.

"Sige. Mauna na'ko. Ingat kayo sa pag-uwi." Inirapan ko si Seren.

Walang imikan kaming dalawa ni Alen habang nasa byahe. Pinakikiramdaman ko siya dahil ang sama ng tingin kanina. Panaka-naka rin ang tingin ko sa kanya para tignan kong nagbago ba ang ekspresyon niya. Hindi naman. Mas lalo lang ata iyong sumama.

Mukhang napansin niya ang mga tingin ko kaya tinignan niya ako gamit ang gilid ng mata. Kumurap-kurap ako, hindi alam ang gagawin. Suplado na naman itong nag-iwas ng tingin bago itinaas ang kamay. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya hanggang sa dumapo iyon sa hita ko. Nanigas ako sa kinauupuan dahil sa ginawa niya. Tumigil ata ako sa paghinga at ang tahip ng puso ko'y napakalakas.

Luh, tsansing, Alen?

Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi sa bahay dahil sa pagkalutang ko. Nagbihis ako at nagpunta kila Alen na lutang pa rin. Doon lang ako bumalik sa wisyo ng may naramdamang yumakap galing sa likod ko.

"Who's that boy earlier, hmm?" paos na tanong ni Alen.

Ang tungki ng ilong nito'y pinadadaan niya sa kahabaan ng leeg ko. Tila isa siyang tigre na inaamoy ang usang lalapain niya mamaya. Inaamoy muna bago lantakan at ubusin. The thought brings shiver down to my spine. I felt like a prey again. And he'a my predator.

"S-Sino?" Natuod ako sa kinauupuan ng humigpit ang yakap niya. His legs is squeezing me with his big hands roaming around my waist.

"The one your talking to. 'Yong binigyan mo ng flying kiss."

"A-Ah. Si Jeff," nanginginig ang boses kong sagot.

"Yeah, that bastard. Why did you gave him a flying kiss?" galit nitong tanong. Ang isang kamay'y bumababa sa hita ko.

"A-Ano... inaasar ko lang si Seren. P-Para kasing nagseselos kanina..."

"Uhuh." Tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ko.

Nagulat ako ng bigla niyang sinunggaban ang leeg  ko. Kinagat niya ang balat doon bago sinipsip. Napasinghap ako sa gulat at init na naramdaman. Biglang uminit ang katawan ko sa ginawa niya. Nadagdagan iyon ng marinig ko ang pagsipsip niya sa balat ko. Binitawan niya iyon bago lumipat sa ibang pwesto. Rinig na rinig ko kung paano niya sinisipsip ang balat sa leeg ko. Binitawan niya ang balat ko t'saka hinalik-halikan ang leeg papunta sa pisngi ko. Narinig ko ang pag ngisi niya.

"There. You know who owns you, now."

~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~♡~

T_T

Vote and comment my Cucus♡

Memories Of The Sea (Isla Arpina Series#1)Where stories live. Discover now