Kabanata 13 - Gusto Kita

93 51 2
                                    

Memories of the Sea
#MOTS
-CUCUCMANCU

Gusto kita

Ramdam na ramdam ko ang nakakatusok na mata ni Alen galing sa kinauupuan ko. Nasa kabilang dako ng sala na nakaharap sa akin habang ako naman dito sa kinauupuan ay parang tuod. Nakayuko ako habang ang dalawang binti ay magkadikit. Nilaro-laro ko din ang daliri dahil sa kaba. Pakiramdam ko tuloy para akong kriminal tapos si Alen ang abogadong magi-interogate sa akin.

Bagay ka talagang maging abogado, Alen. Nakapa-intimidating mo.

"Why are you avoiding me?" Mas lalo ata akong kinabahan sa tonong gamit niya. It sound controlled as if he's controlling his feelings. Para bang may nararamdaman itong pilit na tinatago.

"H-Hindi kita i-iniiwansan.." nangingig ang boses kong sabi. Ayaw kong sabihin sa kanya ang dahilan dahil nahihiya ako. Nakakahiya kaya iyon.

"Hmm?" Napakagat ako ng labi.

Shit, Alen! Ang sexy mong pakinggan!

Maghunosdili ka, Maddi! Anong sexy, ha? Seryoso siya tapos ikaw kung ano-anong kahalayan ang naiisip mo! Nahawa ka kay Seren!

Saglit akong tumingin sa kanya. Tumayo ang balahibo ko nang makita ang emosyon sa mata niya.  Pinaghalong galit at  tampo iyon. Pero may isa pa.... longing.

N-Namimiss niya ako?

The thought brings shiver down to my spine. Kumabog ang dibdib ko hindi dahil sa kaba, kundi sa ibang bagay. Iba ang kabog no'n. Nakakapanindig balahibo. Suddenly, warmth and happiness envelope my heart. Sa hindi malamang  kadahilanan ay nakaramdam ako ng saya. Para akong nasa alapaap. Ang sarap sa pakiramdam.

"Hmm? Anong tawag jan sa ginagawa mo?" may pang-uuyam niyang sabi.

Tila bumalik ako sa wisyo ng marinig ko siya. Napakurap-kurap ako. Sa isang iglap lang ay nawala ang emosyong nakiya ko kanina sa mata ni Alen. Bumalik na naman sa pagiging madilim at misteryoso ang mata niya. Wala akong mahagilap na emosyon. Napaisip tuloy ako kung guni-guni ko lang ba iyon. Unti-unti namang kumalma ang puso ko. Tumikhim ako bago sumagot.

"A-Ano... W-Wala... n-nabored lang ako dito k-kaya.... n-naghanap ako ng ibang mapagkakaabalahan.." Tumingala pa ako para mag-isip ng excuse. Wala naman kasing ibang dahilan kung bakit ako umiiwas. Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilt.

Narinig ko ang pagak na pagtawa ni Alen.

"Did someone told you that you're not good at lieng?"

Yumuko ulit ako bago ngumuso. Namumula ang pisngi ko sa sinabi niya. Totoo kasi. Hindi talaga akong marunong magsinungaling. Nakakagulat lang dahil alam niya. Kasi ang nagsabi sa akin ng ganyan ay matagal na akong kilala. Siya na bago palang ay nakakamangha. Magaling siyang magbasa ng tao. Abogado ka nga, Alen.

"Uuwi na'ko," paalam ko bago tumayo. Naglakad ako patungo sa pintuan. Alam kong lalagpasan ko muna si Alen bago makapunta sa pintuan, at alam kong pipigilan niya ako pero gusto ko na talagang umalis. Hindi nga ako nagkamali. Hinawakan niya ang pampulsohan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit?" Napaisip ako sa tanong niya. Ano bang magandang alibi iyong wala siyang magagawa? Sabihin ko nalang kayang ayaw ko siyang kausapin? Pero ang sama ko doon. Pwedeng may labahin pa ako. Oo, tama. May labahin pa ako.

Memories Of The Sea (Isla Arpina Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon