Kabanata 19 - Who owns you

81 41 1
                                    

Memories of the Sea
#MOTS
-Cucumancu

Who owns you

"Alen, may tanong ako," sabi ko sabay subo ng pagkain na nasa kutsara ko. Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain. Lunch na kasi. Himala ngang dito kami kumain. Kung hindi niya lang nakalimutang dalhin ang baon niya ay sa rooftop na naman kami kakain. Ayaw niya kasi sa madaming tao. Anti-social masyado.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago ako inangatan ng isang kilay.

"Bakit daw Alen1432 ang password ko, sabi ni Seren."

Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Parang may mali doon.

"You told her that?" malamig nitong tanong. Tumango ako. "Why?"

"Tinanong n'ya ako kaya sinabi ko. Bakit? Bawal ba?" hininaan ko ang boses sa huling sinabi. Napailing siya, tila dismayado sa akin.

"Dapat hindi mo sinabi sa kanya. It's part of your privacy. You shouldn't tell anyone your password just because they ask you. Madadaya ka n'yan," mahabang pangaral niya sa akin.

Tumango ako bilang tanda na naintindihan ko ang pangaral niya. Luminga-linga ako para maghanap pa ng tanong sa kanya. Pero iba ata ang nakita ko. Nakita ko ang matatalim at nandidiring tingin ng mga babae sa ibang table. Tinignan ko sila isa-isa. Ang iba'y nag-iiwas ng tingin, ang iba'y iismid at may ibang iiling sa akin. Isinawalang bahala ko iyon.

Mga inggit dahil nagagawa kong pagsalitain ang bato na nasa harap ko.

Bumaling ako kay Alen at saka pinilig ang ulo.

"Ba't ikaw, alam mo? Bakit bawal si Seren? Kaibigan ko naman kayong dalawa, a? Anong problema do'n?"

Bumutong-hininga siya. Uminom muna ng tubig bago ibinigay ang buong atensyon sa akin.

"Magka-iba kami. Yes, we're both your friends but I'm more possesive. I'm part of your privacy and you're part of mine too. Simple as that," seryoso niyang sabi.

"Eh?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang hirap hanapin ang point sa sinabi niya. Nakakalito.

Dinilaan niya ang ibabang labi t'saka sinuklay pataas ang buhok niya. Nagulo iyon at may ibang buhok na nahuhulog sa noo niya. Mas lalo tuloy siyang gumwapo.

"Let's just say... para kwits tayo."

"Kwits?" Tumango siya.

"Yeah.  Dahil pumapasok ka sa kwarto ko, which is my privacy, in return I should know you're password para kwits tayo."

Tumango ako dahil naintindihan ang sinabi niya. So, kwits kami? Dapat alam niya ang password ko kasi pumapasok ako sa kwarto niya. Okay lang naman sa akin. Walang problema kung alam niya ang Facebook ko. Mas maganda nga iyon.

"Pero bakit nga daw Alen1432 password ko?" Binalik ko ang topic namin kanina. Kailangan ko talaga ng sagot para may maisagot ako kay Seren mamaya. Malisyosa pa naman iyon at baka ano pa ang sabihin.

Nagbikit siya ng balikat sa akin.

"Wala. Gusto ko lang," tipid niyang sagot. Ngumuso nalang ako at hindi na nagtanong pa.

Memories Of The Sea (Isla Arpina Series#1)Where stories live. Discover now