Kabanata 17 - Facebook

80 45 3
                                    

Memories of the Sea
#MOTS
-Cucumancu


This chapter is dedicated to ShineRio. Happy reading! Thank you for the votes and comments love! I really appreciate it!

Facebook

"Gago?!" pahisteryang sigaw ni Seren matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kahapon. Nanlalaki ang mata nito, halatang gulat na gulat. Sumimangot ako t'saka inuntog ang ulo sa mesa. Narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Seren. I frowned.

"Ano?" inis kong tanong sa kanya. Kitang hiyang-hiya na ako, tatawanan pa ako ng gaga. Napakasupportive naman talaga ng friend ko. Tinatawanan kamalasan ko.

"Igat ka! Gusto kang halikan no'n!" Nanlalaki ang matang umayos ako ng upo. Namula ang pisngi ko dahil sa pahayag niya. Nahihiyang pinalo ko ang braso ni Seren dahil mas lalo itong natawa sa reaksyon ko.

"'Wag ka ngang magsalita ng gan'yan. Hindi totoo 'yan." Ipinikit ko ang mata at nagpalungbaba nalang sa mesa.

Alam ko namang gagawin niya talaga iyon pero iba ang dating kapag galing kay Seren na expert sa mga ganiyan. Sa totoo lang, no'ng pumasok si Tita at hindi natuloy ang balak ni Alen, nakaramdam ako ng panghihinayang. Hindi ko alam kung para saan iyon, at nabwebwesit ako dahil nakaramdam ako ng ganoon. Nakakainis. Bumalik na naman ang pakiramdam kong malandi ako.

Malandi ka talaga, Maddi. Huwag mo ng i-deny.

"Ay, sus! Indenial pa, e. Nanghinayang ka 'no dahil hindi natuloy?" tanong ni Seren na may nakakalokong ngisi sa labi. Tumaas-baba pa ang kilay niya, nang-aasar. Asar naman akong nag-iwas ng tingin dahil totoo ang sinabi niya. Nakakatakot na itong si Seren, nababasa nasa isip ko.

Mind reader ka 'te?

"Mga classmate, sa gym daw tayo."

Ang sigaw ng kaklase ko ang nagpatigil sa pang-aasar ni Seren. Nakahinga ako ng maluwag. Tumayo ako at naglakad sa labas. Ang tanging dala ko lang ay ballpen at pitaka. Kailangan talagang dalhin ang ballpen dahil maraming mandurugas ng ballpen sa room namin. Nalingat ka lang saglit, ayon, kinikitkit na ng kaklase mo ballpen mo. Libreng laway t'saka kiki pa iyan. O, hindi ba. Sinong gugustohin pang kunin iyon, e puno na ng germs. Nakakagigil ang mga magnanakaw.

Tumabi ako sa paglalakad kay Jeff upang hindi sundan ni Seren. Binalingan ako ni Jeff bago ito nag-angat ng kilay.

"O, Maddi? Napapadalas ata ang pagtabi mo sa'kin. Crush mo na'ko? Luh? Pareho kayo ng crush ng bestfriend mo? Pinag-aagawan n'yo ba ako?"

Inis kong binatukan si Jeff dahil sa kayabangan.

"'Wag kang feeling, oy. 'Di kita type. Hindi bababa ang standards ko sayo," sabi ko t'saka siya inismidan. Nagulat ako ng may biglang bumangga sa balikat ko. At nang balinggan ko iyon, nakita ko si Seren na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Hindi ka n'ya type kasi si Alen ang type n'yan. 'Di ba, Maddi?" Tumaas-baba na naman ang kilay ni Seren. Inambahan ko ito ng suntok kaya kumaripas siya ng takbo. Binilatan pa ako ng gaga kaya mas lalo akong nanggigil.

"Luh? Crush mo 'yong si Alen? 'Yong Devero?" Inambahan ko rin ng suntok si Jeff kaya lumayo din ito sa akin. I gritted my teeth.

Memories Of The Sea (Isla Arpina Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon