Kabanata 14 - Ingat

91 48 0
                                    

Memories of the Sea
#MOTS
-CUCUMANCU

Ingat


"Alen, halika, itali natin buhok mo."

Pinakita ko sa kanya ang hawak kong plastik na may lamang rubber bands. Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa libro. Winagayway ko naman ang hawak sabay ngiti. Kumunot ang noo niya sa hawak ko.

"What's that?" Napasimangot ako sa tanong niya. Ang laki niya na tapos hindi niya alam ito?

"Rubber bands? Bakit 'di mo alam 'to? Walang ganito sa Amerika?"tanong ko.

Umupo ako sa  sofa kung saan nakahilig ang likod niya. Sa sahig na naman kasi ito umupo. Nakabukaka ako habang ang malapad niyang likod ay nasa gitna ng binti ko. Topless siya kaya magkadikit talaga ang balat namin. Sinilip ko siya para pakita ang mukha niya.

"Meron?" Mukhang hindi ito sigurado sa sagot. "Nakita kong may ganyan si Soniva kaya meron ata." Tumango ako bilang sagot. Umupo ako ng maayos at sinuklay-suklay ang buhok niya.

"Ngayon alam mo na. 'Tatali ko buhok mo, ha?" sabi ko sabay kuha ng kumpol ng  buhok at ini-ready ang rubber band.

"Nagpaalam ka pa, e nakatali ka na." Tumawa ako sa lintaya niya.

Itinali ko ang unang kumpol t'saka ulit kumuha ng isa pang kumpol. Dahil nangawit ang binti ko kakabikaka, pinatong ko ang isang binti sa balikat niya. Nakaramdam naman ako ng ginhawa dahil doon.

Kumuha pa ako ng kumpol at tinali iyon. Limang kumpol na ang nagawa ko pero hindi pa ako kuntento. Mahaba-haba kasi ang buhok niya kaya madami akong matatali. Naaliw naman ako. Ginaya ko ang isa kong binti sa isa dahil nangalay din. Napansin ko ang pagtaas-baba ng balikat niya kaya nag-aalalang sumilip ako sa mukha niya.

"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

Binalingan niya ako ng tingin at halos magtama ang ilong namin dahil kaunti nalang pala ang layo ng mukha namin. Nagulat ako doon kaya umusog ako saglit. Ang kaliwang  tuhod ko'y tumama sa leeg niya habang ang kanan naman ay nahuhulog na sa balikat niya. Nakita ko ang pagbaba ng mata niya sa binti ko at napalunok ito. Bumalik ang mata sa akin at namungay ito.

"Remove your legs on my shoulder if you don't want me to have a hard on," namamaos niyang sabi. Nanlalaki ang matang inalis ko ang binti sa balikat niya. Tumayo ako at lumayo sa kanya. Umakyat ata lahat ng dugo ko sa papuntang mukha dahil sa hiya.

"Hala, sorry!"

Tumayo ito at pumunta sa CR. Parang gusto ko tuloy magkapakain sa lupa. Nakakahiya!

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa pasukan na. Maaga akong gumising para magkapaghanda. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. Sinuklay-suklay ko ang buhok upang mas maayos iyong tignan. Nang makontento ay lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Kuya na papaalis na kaya nagpaalam ako.

"Bye, Kuya. Kita tayo mamaya." Humalik ako sa pisngi niya. Ngumiti ito pabalik at akmang gugulohin ang buhok ko pero naunahan kong hawakan ang kamay niya.

"Arte. Sige, ingat. Mauna na'ko. Mas maaga klase ko," paalam niya bago umalis. Narinig ko pang nagpaalam siya kay Mama at Papa.

Memories Of The Sea (Isla Arpina Series#1)Where stories live. Discover now