Prologue

46 3 6
                                    

"Paglaki ko gusto kong maging teacher,"

"Ako naman gusto ko maging pulis,"

"Basta ako gusto ko maging abogado para maipaglaban ang hustisya."

Napatingin ako sa mga batang nagku-kwentuhan sa harap ng aming tahanan. Bata pa lamang sila ay marunong na silang mangarap. Napangiti ako saglit at naalala ko ang aking sarili sa kanila nuong aking kabataan. Mga pangarap na akala ko nuon ay madali, ngayon ay ako'y hirap na hirap nang abutin.

Hindi ko naman pinili maging ganito pero tila ito'y nakatatak na sa aking isipan.

I am living like this for almost a decade. I've become like this because I chose to.

No one told me to stop believing in myself. I was the one who stopped.

Pagkatapos ng trahedyang 'yon sampong taon na ang nakalipas ay kinalimutan ko na ang lahat ng mga pangarap na nabuo sa munti kong puso.

Tama sila, mahirap mangarap.

At the age of seven, I lost my parents. My eighteen years old brother took all the responsibility of being a mother and a father to me.

I was confused that time. They told me they'll just go out of the town for awhile and then come back with pasalubong for me. They have my confidence, I believe them... However, when I woke up, my brother was crying in front of me, telling me they had died.

Mahirap paniwalaan. Masaya pa kami no'n eh.

"Para ito sa pag-aaral niyo." Iyan 'yong sinabi ni papa sa amin bago sila umalis.

Why did they end up like that if they wanted to secure their children's lives?

Bakit nila kami iniwan?

"Sweetzelle, ano tara na?"

Napabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa aking balikat. Si Jen, ang aking kaibigan.

Napabuntong hininga ako nang maalala kung ilang minutes na akong nag-aabang dito sa tapat ng aming tahanan dahil ang sabi ng babaeng ito ay nasa kanto na siya.

Ayaw kong pinaghihintay ang isang tao kung kaya't lumabas na ako pagkasabi niya nito. At ang ending, ako pa pala ang maghihintay sa kaniya.

"Alam mo ikaw, fake news ka." sabi ko at sinapak siya na kaniya namang kinailagan.

Ngumiti nalang ang bruhilda at nagpa cute pa sa akin. "Ano, tara na?" tanong niya. Tumango nalang ako at nagsimula na kaming mag-abang ng tricycle.

Meron kasing Battle of the Bands sa school ngayon. Sa katunayan ay Intramurals namin pero wala akong balak pumunta sa school. Pinilit lang ako ng babaeng ito dahil wala raw siyang kasama. Meaning, ako lang daw ang nag-iisang kaibigan niya.

Nagdrama pa siya at sinabi sa akin na siguro ay hindi kaibigan ang turing ko sakaniya. I don't like dramas so to stop her from whining, I am here now with her riding the tricycle to school.

Hindi matigil ang pagkwento niya sa akin kung gaano siya ka excited para sa ngayong araw. She was also dressed in wide-leg jeans, a white crop top, white sneakers, and a brown bucket hat. She's all set to go with her adorable shoulder bag.

I took a silent look and saw myself in my normal ootd. Plain jeans, a loose shirt, and white shoes. I also have a white tote bag which says, Matibay written on baybayin alphabet. I decided to bring that bag because I needed to put my wallet and my tumbler. Mainit duon, we need water to cleanse our thirst and prevent dehydration. #DYWB

I didn't notice na nandito na pala kami. Pinababa kami ng driver ilang metro ang layo sa gate ng school sapagkat napakaraming estudyante at mga sasakyan ang naglilipana. Well, hindi na 'yan bago. Bukas ang event na ito sa lahat kung kaya't expected nang may mga outsiders ang nandirito at gusto ring makinuod.

Pagkadating namin ni Jen sa gymnasium ay ramdam na ramdam na namin ang tilian ng mga tao. Magsisimula na yata ang event ayon sa mga emcee.

Nahirapan kaming nakahanap ng mauupuan sapagkat puno na ang mga tao sa bleachers kaya nandito kami sa baba, kasama ang ilang mga taong nakatayo upang dinggin ang musika ng mga kalahok.

I enjoy listening to music, but not in a venue where a large number of people are shouting their hearts out while singing along.

I tried to relax and enjoy myself while listening because the woman next to me is enthralled by the scene.

Bigla akong nauhaw pagkatapos tumugtog ng unang banda kung kaya't inilabas ko ang aking tumbler. Unang banda palang ang nagperform ay grabe na ang hype ng mga tao. Paano ba naman, Hallelujah ni Bamboo ang isa sa kanilang tinugtog.

Nagpatuloy lang sa pagtugtog ang bawat mga banda. Mayroong mga tumugtog ng mga kanta ng Eraserheads, Rivermaya, Sponge Cola, Kamikazee, Mayonnaise, December Avenue, Ben&Ben, at This Band. Ngunit ang panghuling banda ang nakuha ng attention ko.

I want you to set me free
From this place, I don't belong

Now that you're older
The world tells you to be stronger
If you want to get better
You have to get that friend beside ya

This type of music is rare for me to hear during Battle of the Bands. The vocalist, bassist, guitarist, and drummer all play their instruments in a way that says they're passionate about what they're doing.

Ooh... Sweet Shadow
My mind is giving up again

I silently sing along with them. I cast a glance at their lead singer, and our gazes locked for a brief moment. He grinned, and I averted my gaze because I could hear drums beating inside my chest.

Ooh... Sweet Shadow
'Cause I don't want you to become like that!
Oh I don't want you to become like that

"Jen, comfort room lang ako." I told Jen as I immediately ran away from that place. I need to stop this commotion.

Ano bang nangyayari sa 'yo, Zelle?

Napasandal ako sa pader habang hawak hawak parin ang aking dibdib. Ang bilis ng tibok na tila ba ay ako'y aatakihin sa puso. I need to see a doctor.

Let me go!
Let me go!
Let me go!
Let me go!

Napaalis ako sa pagkakasandal nang marinig na tapos na silang tumugtog ng kantang iyon at mukhang naghahanda na sila sa susunod nilang kakantahin.

Pumunta nalang muna akong cafeteria because I can't handle to see his smile again. I texted Jen na nandito ako at hintayin ko nalang siya dito.

Napakamot ako ng aking ulo at napangalumbaba nalang ako sa lamesa. Mabuti ay iilan lang narito ngayong dahil halos lahat ng tao ay nasa gymnasium-nanunuod. Napabuntong hininga nalang ako ng malakas.

"Lakas no'n ah?" napabangon ako at tapatingin sa nakangiting mukha ng lalaking dahilan bakit nararamdaman ko ito.

"Pumunta ka pa talaga dito sa school ngayon para panuorin si Wyatt magperform ah? I'm so jealous." sabi nito at ngumuso pa.

Napairap ako. "Huwag ngayon, Blight. Mas lalo mong pinapasakit ang ulo ko."

He smiled widely.

Why are they smiling?! Nakakairita!

"Oh, my Sweet, what do you want me to do then?" he said and put his face closer to me.

"Sweetze-" napatigil ang isang lalaki sa pagtawag sa pangalan ko nang makita ang posisyon namin ni Blight.

"I thought something happened to you kaya hindi ka nakabalik sa gymnasium, 'yon pala..."

Biglang nagsilita si Blight. "Eh ano ngayon, Wyatt? Sa pagkakatanda ko hindi naman kayo."

Nakita ko kung paano ikinuyom ni Wyatt ang kaniyang kamao.

Ghad, why is this happening to me? I just want a peaceful life that's all.

_____

#SSPrologue

Sweet ShadowWhere stories live. Discover now