Chapter 52: One More Death Case

Começar do início
                                    

"Zeus, ano bang nangyayari sa'yo? Masakit a." Pag-angal nito. Tumayo si Jwyneth at pinagpag ang sarili. Medyo may pilay siyang natamo. May mga parte na nagkaroon ng
gasgas bandang siko.

Gamit ang kaliwang braso, ginamit niya ito kay Jwyneth at buong lakas niya itong itinulak sa pader. Si Jwyneth, naiipit sa pagitan ng braso ni Zeus at ng pader.

"Zeus, ano ba? nasasaktan ako. Ano bang ginawa ko sa'yo?"

"You...you steal something from me, where is it?" Pagtatanong nito.

"Wala akong ninanakaw," ani niya.

"Answer. The. Question. Where is it?" Kalmado pero nakakatakot parin ang tono ng boses.

Itinapat sa leeg ni Jwyneth ang spear na hawak ni Zeus. Isang maling galaw ay dadanak ang dugo sa sahig.

"Hey!" sigaw mula sa hagdan. Pamilyar na boses ni Gil Joseph kay Jwyneth.

Tumingin naman si Zeus at nawala ang atensyon nito kay Jwyneth.

Mabilis tinabig ni Jwyneth ang patalim na nakaamba sa kaniyang leeg. Nang maramdam ni Zeus ang paggalaw ni Jwyneth, pwinersa niya ang braso para lalong maipit ito sa pader. Hindi na makahinga si Jwyneth ng maayos. She can't move kahit na pinipilit niyang maaalis ang brasong umiipit sa kaniya.

Sa isang segundo lang, isang pagsigaw o pagtili ang narinig sa buong pasilyo na 'yon. Hindi umabot si Gil sa naganap. Tumulo ang dugo. Tumarak ang talim.

Napasinghap ng malayo si Gil kaya kumuha s’ya ng bwelo para buong lakas masipa si Zeus. Tinalunan niya ito at pinagsasapak sa mukha. Tinigilan niya lang nang hindi na gumagalaw pa ito.

Binalikan ni Gil si Jwyneth na 'di alam kung paano tatanggalin ang bakal na sibat na nakasaksak sa kaliwang kamay ni Jwyneth. Kita sa pader ang gumuhit na kaskas ng dulo ng sibat na nabahidan ng dugo ni Jwyneth.

Umiiyak lang si Jwyneth. Mahapdi. Tuloy sa pagdurugo ang kamay niya.

"Inhale, exhale. I will count, after the 3, endure the pain and I will bond it.

1....2...3." hinugot niya ang sibat upright from the hand to prevent the wound to expand.

He remove his t-shirt at pinantapal niya sa kamay ni Jwyneth. He
manage to get it higher o tinaas niya ang braso ni Jwyneth. It will help to decrease losing much of blood. He escorted her to the medical ward upang malunasan agad.

Gil immediately reported the harassment and attempted murder of Zeus who was the suspect from the crime scene.

Hinuli si Zeus dahil sa kaniyang nagawa. He was appointed into quarantine area, where he found teenager like him who were suppose to have a normal life. Then, here they are, nakakulong at ginugugol ang oras sa loob ng quarantine until they confess their mistakes.

Walang kasalanan si Zeus. Hindi niya kasalanan iyon. He was manipulated and drugged like the other suspects from the first case and second case.

Inimbistigahan ng namamahala ang pinangyarihan. Kinuwento naman ni Jwyneth at Gil ang tunay na nangyari. Hindi mapagkakaila na si Zeus ang may gawa dahil may mga witness.

Nang tanungin nila si Zeus, wala silang nalamang konektado. Zeus even told to the investigators na nasa sariling unit siya upang matulog at intayin ang hapunan. Nang magising siya, narito na siya sa quarantine area, nakaposas ang mga braso sa kama. Hindi alam ng mga imbestigador kung nagsisinungaling nga ba si Zeus. Tinanong nila si Zeus kung may tao bang makapagsasabi ng katotohanan na susuporta sa statement niyang, nasa loob siya ng unit niya. Ngunit wala.

Patuloy s'ya sa pagtangging hindi siya ang may gawa. Katulad ng iba na hindi rin siya pinaniwalaan.

Mula sa labas, mabagal na naglakad ang isang imbestigador sa harap ni Zeus. Tinitigan niya lang si Zeus. Nang makuha ang atensyon nito. Ginaya ng imbestigador ang mukha niya. Nagulat si Zeus sa kaniyang nakita.

ALPHAOnde histórias criam vida. Descubra agora