Chapter 51: Angel in Disguise

Start from the beginning
                                    

Natapos ang kulang-kulang 30 minutes na nakasakay kami sa tren makapunta lang sa destinasyon na gusto ni Aljohn. Namangha naman ako sa lugar dahil parang ngayon lang ako muling nakaamoy ng sariwang hangin. Ang malamig-lamig na simoy
ng hangin na nagmumula sa dalampasigan.

Hindi ito ang oras para lumabas ang sangkatauhan, limitado lamang na tao ang pwedeng lumabas kung maaari. Tago ang dalampasigang ito at walang kahit anong komunikasyon ang nagpapalitan dito. It was a death spot zone kung tutuosin. Isa raw itong tinuturing na walang malay na dalampasigan.

Tumakbo ako sa gawing iyon ng dalampasigan na kung saan mabilis kong tinanggal ang sapatos ko upang magkaroon ng pagkakataon na malayang apakan ang purong buhangin ng dalampasigan.

Malaya ko rin napaglaruan ang tubig na umaagos papunta sa akin. Malamig pero matiwasay ang tubig na angkin nitong dagat.

May napansin ako, nasaan si Aljohn? Natagpuan ko lang siyang nakaupo sa buhangin, nahuli ko itong nakatingin sa akin pero tinanggal niya rin. Para itong naghahanap ng kung anong pwedeng gawin dumakot pa ng buhangin ang loko. Huli ka na uy! Ganda ko noh?

Umupo ako malapit sa kanya, pero isang yarda rin ang layo namin sa isa't isa.

Sabay namin tinitigan ang araw na unti-unting lumulubog sa malayong iyon. Ang langit ay napipinturahan ng naghahalong kahel, rosas, lila, puti, at pula.

Masyado itong maganda para tanawin lang, dapatwat isaisip at pahalagahan. Katulad ng pagdala niya sa akin dito. Kahanga-hanga.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Salamat, salamat sa pagdala sa akin dito, gumaan ang loob ko." Tahimik lang siya sa pagpapasalamat ko. Buset na lalaki 'to kinakausap ng matino.

"Wait, bakit mo ba ako dinala dito? Ako ang may kasalanan sa'yo pero bakit mo ginagawa ito? Masyado kang mabait sa akin kahit na sinasaktan kita. Akala ko nga gagantihan mo ko dahil doon. Pasensya na, 'di ko intensyon, I mean intention pero ikaw
kasi..."

"Kasi?...Anong ginawa ko? Simula nung na-ospital ako, 'di mo na ko pinansin." Aniya sa akin.

"Luh! Ikaw rin kaya, nung nasa Medical wards din ako 'di mo man lang ako nilapitan at kinausap."

"Alam ko kasi ang ginawa mo." seryoso nitong tono. "Ginamit mo ang ability mo at nag-activate ang chemical sa device mo kaya ka nahimatay. Bakit? Ano ang binasa mo sa isip ko...?"

Diko naintindihan point niya. O sadyang nabingi lang ako sa mga salitang 'yon. Na parang ayoko ng buksan pa.

"Pa.papaano mo nalaman yan?" Biopsy shunga sumagi sa isipan ko.

"Sinubukan mong i-seduce ako at ginamit mo ang alyas mo para mabasa ang nasa isip ko. Bakit mo ginawa iyon?" Hindi niya ako tinitignan, malayo ang tingin niya sa dagat.

"Diba ikaw ang may sasabihin, bakit sa akin napupunta lahat ng kwestiyon mo?"

Hindi n'ya talaga alam na naghihiganti lang ako dahil nagseselos ako sa babaeng nakausap niya at pinatawa niya noong nasa Medical ward siya.

"Bakit mo ginawa iyon?"

Napatingin nalang ito sa buhangin na nasa pagitan ng mga hita niya habang ang mga braso niya nakapatong sa kaniyang mga tuhod.

"'Di mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na makapaghanda para sabihin sa'yo ang nararamdaman ko." Aniya. Mali. Hindi nararamdaman niya ang binasa ko kundi ang kwentuhan nila ng babae nakatawanan niya.

"Mali ang iniisip mo, hindi mo naiintindihan."

Parang naapakan ko yata ang ego niya, ano ito? Iniisip niya ba niya na binasa ko ang isip niya sa kadahilanang gusto kong malaman kung may nararamdaman ba s'ya sa akin?

ALPHAOn viuen les histories. Descobreix ara