"Pwede bang ikaw muna mag-ligpit ng mga gamit sa taas. Saka unahin mo kay Madam Lucia mo. Tulungan mo na rin mag impake," si Manang.



Oo nga pala. Aalis sila Madam at Sir Damien.



"Sige po Manang ngayon na po ba?"



"Oo "



Sinundan ko ito ng tingin ng aalis na sana siya ng bigla itong bumalik.



'Yon nga lang pala ay nakalimutan kong engot din pala. Napangiti ako.



Napabaling ako kay Manang na malalim ang iniisip na maabutan ko siya sa kusina. Ako naman nagsimula ayusin yung mga kailanganin sa kusina.



"Emy," tawag ni Manang kaya bumaling ulit ako sakanya.




"Bakit po?"



"Wala ka bang napapansin?"



"Anong napapansin Manang?"



Nalito ako sa sinabi ni Manang. Ano ba dapat mapansin ko?



"Wala-wala, " saka niya ako iniwan sa kusina.




Napapansin ba ang alin? 



Kagandahan ko? Hindi naman kailangan mapansin dahil kapansin pansin na noon pa.



Napailing nalang ako. 



Masyado na akong mahangin. 



Binuksan ko naman ang T. V habang nagbabalat ng mga bawang at sibuyas ng bigla nalang namilog ang mga mata ko!



OMG! Yung idol ko si Ma'am Adrianna!



Ang ganda talaga niya!



Lalo na sa personal.

When She FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon