I plan carefully syempre dapat pasabog para lahat mabibigla. Humanda ka sa akin Aljohn, you will experience the hell under my Angel’s name.

Una kong plano ay kunin ang twalya ni Aljohn sa CR. Gumising ako sa pinaka-maaga oras bago magsiligo ang mga kalalakihan.

Mabilis kong natunton ang
kinalalagyan ng kaniyang locker sa loob ng CR na iyon. Nakita ko naman na napakaladlad naman siguro ng CR ng lalake. Wala man lang blurred glass o cubicle para
sa privacy man lang. Jusmeyo na design na CR ito.

Na-access ko naman ang kaniyang locker, ano pa ba ang password? Kundi 1111. There is a lot of combination to set pero 1111 ang pinakalaspag.

However, kinuha ko naman ang likido na magdadala ng salot kay Aljohn mula sa aking bulsa. Nilagyan ko ng likido mula sa isang halamang magdudulot ng kati ang kaniyang tuwalya, tignan natin kung ano ang mangyari sa’yo. Ngumiti ako ng nakaloloko habang ini-imagine ang posibleng mangyari sa kaniya.

Pabalik na ako sa unit ko ng makasalubong ko ang gago. Nagulat pa ako dahil…ewan.

Nagtanong ito kung saan ako galing, sa una hindi ko alam saan ko ititingin ang mata ko, bilis… isip. Mabuti nalang pala umaga at naisip ko nag-exercise ako.

Tumaas naman ang kilay niya na parang hindi naniniwala habang nakatingin sa pananamit ko.

Gayunpaman, tumango nalang s’ya at nabali ang usapan namin dahil nagsidatingan yung mga kaibigan niya at mukhang sabay-sabay yata sila maliligo doon sa CR. Pwede naman sa kani-kanilang unit. I wonder why are they like to take a bath to that kind of CR.

Dali-dali kong kinatok si Jwyneth, mukhang magiging interesado siya sa chika kongayong umaga.

“Jwyneth…” pagtawag ko mula sa labas ng kaniyang kwarto.

“May chika ako sa’yo this morning. Matutuwa ka.” Medyo ilang minute rin ako nagkakakatok buset na babae toh.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang babaeng luray-luray ang bohok habang kinukusot pa ang kaniyang mata.

“Ano ba? Ala-sais palang kaya…alas-otso ang gising a.” Gusto pa yata mang-warshock ng lokang toh!

“Hoi babaeng luray-luray ang bohok, 7:50 na oh…ilang minute nalang tutunog na yung alarm mo. Maya mo na ihimbing ulit ‘yan” pagsasalita ko ng pamaldita.

Maya nalang niya sariwain ang kaantukan niya, dahil this time tatawa siya dahil nasa iisang floor lang ang dalawang CR at hilera ng mga kwarto ng mga babae kaya
matatanaw agad o maririnig ang mangyayari. Madalas pa naman na nakatapis lang ang mga lalaki dahil gustong ipakita ang mga ‘di naman hunk kung titignan na mga katawan nila. Pilayan ko sila isa-isa e. They are penetrating my eyes.

Nagsilabasan ng CR ang mga kagrupo ni Aljohn o mga kaibigan niya, at doon na nagsimula ang pangangati niya.

“Jwyneth dali… tignan mo.” Naiinis pa ang babaeng ito nasa tabi ko, ayaw talaga pa-istorbo.


“Pre ang kate, aray…ara…aray!” patuloy na pangangati nito habang kinakamot ang kaniyang katawan. Dapat pala medyo dinamihan ko kaya lang baka matanggal na yung balat niya, syempre may awa pa naman ako kahit na slight lang.

Tuloy sa pagkamot ang lalaking ito habang naka-tapis lang. Napahagalpak na ko sa katatawa dahil halos natanggal na ang tapis o ang tuwalya niya at bumungad sa amin ang… Charr halos takpan ko na ang mata ko pero natatawa parin ako dahil nakikita ko pa rin ang patuloy niyang pagkamot.

Napatingin naman samin ang mga ka-tropa niya at siya. Buti naka-boxer brief ang gago hahaha.

Hindi pa dyan magtatapos ang gagawin ko.

Tinawag n'ya ang pangalan ko pero diko na siya pinansin at dali-dali pumasok sa kwarto ni Jwyneth habang pinagtatawanan namin ang ginawa ko.

Sunod na plano ko ay kilitiin siya, pero magagawa ko lang ito kung makakapasok ako sa kaniyang kwarto. Maisasagawa ko ang plano kung aayon sa akin ang panahon at pangyayari.

Nakiligo at nakihiram nalang ako ng damit kay Jwyneth, baka kasi inaabangan ako ng gago at mga unggoy niyang kaibigan na kasama ko rin pinagtawanan ang kawawang Aljohn. ‘Di naman ako takot sa maaaring gawin sa akin ni Aljohn dahil sa ginawa ko sa kaniya. I just want a friend to look out na binubully ako ng lalaking ‘yon.

“Gaga, ikaw kaya ‘tong Bully” saad sa akin ni Jwyneth.

“Kanina nga tawa ka rin ng tawa dyan, ngayon mag-ooppose ka na sa akin?” banat ko kay Jwyneth na kasalukuyan ng nagsusuklay. Pinauna naman niya akong
maligo, mabagal daw kasi ako kumilos, mabute alam niya.

Sabay kaming lumabas ng pinto at we’re heading to the 5th floor para mag-almusal na rin. Nang dumating kami doon as usual punuan ang tables at magkakasama ang mga magkakaibigan. Tinapat na namin sa scanner ang iron wrist device at nag-pop-up sa taas ng machine ang mga available na pagkain para sa akin.

Mostly magkakamukha naman ang pagkain namin, imposible naman dibang iba-iba, edi nahirapan yung cook.

But anyway, as I expected lumapit sa akin si Aljohn habang may mukha pang maihaharap sa akin sa kabila ng nangyare kanina sa kaniya. Pinatong niya pa ang dalawa niyang kamay at braso sa lamesa habang nakaupo ako, nakatagilid sa kaniya.

“Ikaw, anong ginawa mo sa akin kanina? Hay nako babae nga naman…kung ano-ano ang ginagawa basta makita lang ang kabuuan naming mga lalake.”

Ramdam ko naman na nakatitig siya sa akin pero ako hindi ako tumitingin sa kaniya.

“Ano? Hindi mo ko papansinin? O gusto mong ipagsigawan ko ang ginawa mo sa akin kanina?”

Nangwawarshock talaga ‘tong lalaki na ‘to.

“Bakit? ano nangyare kanina?”

“Anong ginawa ni Angel?” sunod-sunod na tanong ng mga katabi kong sina Shayne, BJ, Harvey, Kark, Eralyn at Angelo, at iba naming kaibigan mula sa ibang Strand.

“Mukhang naku-curious sila ohh? Saan mo ba gusto simulan?” ahh shiit nakakabastos na siya.

I manage my expression gayundin ang mga movement ko. I gracefully touch down the fork on my hand at baka maisaksak ko sa kaniya ito. Charr. Para iwas disgrasya.

I gracefully turn my head to him and fix my crossed leg to take a stand.

Dumerecho rin ang tayo n’ya as his arms slowly remove his hands from the table.

“Uwwww pre, papatalo ka ba sa titig niya?” pang-aasar sa kaniya ng kanyang isang kaibigan. Mabagal kong inihakbang ang mga paa ko papunta sa harapan niya para
magkaalaman na. Sige nga, try natin kung matatagalan niya ang gagawin ko.

Humakbang muli ako na papalapit sa kaniya at humakbang siya paatras. Nakatitig lang siya sa akin habang medyo namamawis na siya. O takot ka na agad, wala pa nga akong gagawing wild, ito naman.

Humakbang muli ako pero hindi na siya humakbang paatras. Kita ko sa peripheral vision ko na tumahimik ang lahat at walang ingay na maririnig kundi yung
puso ko lang na mabilis na tumitibok dahil sa ginagawa ko. Ramdam niya rin kaya ang
kaba kung sakaling lumapit pa ako sa kaniya?

Humakbang pa ako palapit sa kaniya habang hindi parin kumukurap ang aking mga mata. Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang dibdib and I started to seduce him.

Feeling ko hindi ko na yata kilala ang sarili ko dahil sa mga pinaggagagawa ko.

Naramdaman ko naman ang mabilis na pintig rin ng puso niya, bakit kaya? Mabagal kong tinaas ang kamay ko papunta sa gilid ng mukha niya, as I am targeting his lips.

Lumapit pa ng lumapit ang mukha ko and then, I fell on front of him at mabute nasalo niya ako at tuluyan akong nawalan ng malay.

ALPHAΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα