Chapter 11

26 4 0
                                    


PEBRERO na bukas, sa mismong katapusan ng Pebrero ay nasa bansang Pilipinas na sila.

Nasa kwarto lamang si Vanessa na nakaupo malapit sa may bintana habang nagbabasa ng libro na kanyang dinala dahil habang nasa byahe ay para lamang may paglilibangan siya. Sa kwarto na iyon ay si Vanessa lamang mag-isa na inupahan ng kanyang ama.

Habang nasa Kalagitnaan ng pagbabasa si Vanessa, may kumatok ng dalawang beses sa pintuan ng kanyang tinutuluyang silid. Napahinto na lamang siya sa pagbabasa sabay tingin sa pinto saka siya nagsalita.

"Bukas po"

Bumukas naman agad ang pintuan at  bumungad sa kanya ang kanyang ama ngunit nanlaki ang kanyang mga mata dahil nasa likuran nito ay si Moon.

Agad napatayo si A-Yeong habang seryosong nakatingin sa kanyang ama at kay Moon.

"Magandang gabi sayo, Binibini?"Tipid na ngiting bati ni Moon sa dalaga.

"M-magandang gabi rin sayo, Ginoo"Bati rin ng dalaga sa binatang si Moon ngunit bakas sa mukha ni A-Yeong na hindi siya masayang makita ang lalaking kanyang kinaiinisan palagi.

Bigla naman nagsalita ang ama ni A-Yeong.

"Oo nga pala, kaya nandito si Moon ay dahil nandito rin ang kanyang pamilya na uuwi din ngayon ng Pilipinas. May nais lang din daw sabihin si Moon sayo, A-Yeong"Seryosong sabi ng kanyang ama at agad din itong nagpaalam sa kanila.

Nang maiwan naman ang dalawa ay kahit ni isa sa kanilang dalawa ay walang nag-iimikan kaya naman nagsalita na si Moon para mabasag ang katahimikan sa kanilang dalawa.

"Ehem* B-binibini? H-hindi ka pa ba matutulog?"Tanong na lamang ng binata sa dalaga.

Tapos na silang mag-hapunan kaya naman nasa kanya-kanya na silang mga silid ngunit mukhang nang-iistorbo lamang si Moon upang masilayan ang dalaga.

"Matutulog lamang ako kung wala ka dito"Biglang masungit na sagot ng dalaga.

Napangiti na lamang si Moon dahil gustong-gusto niyang sinusungitan siya ng dalaga. May naisip naman ang binata upang mas lalo itong maasar sa kanya.

"Ganun ba? Baka gusto mong tabihan na lang kita?"Nakangising tanong ni Moon sa dalaga dahilan biglang manlaki ang mga mata nito at agad na pinag-hahampas si Moon ngunit tawa lang ng tawa ang binata sa kalokohan niya.

"Walang hiya ka talaga! Umalis ka dito sa aking silid! Isa kang walang respetong Ginoo!"Sigaw ng dalaga sa kanya ngunit tumatawa lamang siya dahil mas natutuwa siyang makitang napipikon sa kanya ang dalaga.

At mas lalong nahuhulog siya sa dalaga...

Inis namang tumalikod sa kanya ang dalaga saka ito nagtungo sa bintana upang hindi na lamang pansinin si Moon. Naririnig naman niya ang hakbang ng binata na papalapit sa kanya ngunit hindi niya ito nilingon hanggang sa tumabi ito sa kanya at nakatingin na rin sa labas ng bintana.

"Noong bata pa lamang ako gusto ko na maging isang Doktor. Gusto kong gamutin ang mga may malulubhang sakit ngunit kung hindi ako palarin maging isang Doktor, nais ko na lamang maging isang magaling na Abogado upang ipaglaban ko ang mga inaapi at ang mga inaabuso. Ikaw? Anong gusto mo maging noong bata ka pa lamang?"Tanong ni Moon. Tumingin naman sa kanya ang dalaga.

"Gusto ko maging isang Abogado"Seryosong sagot ng dalaga. Napangiti na lamang si Moon dahil nais rin pala ng dalagang kanyang iniibig na maging isang Abogado.

"Bakit gusto mo maging isang Abogado?"Nakangiting tanong ng binata. Hindi naman agad nakasagot si A-Yeong dahil pareho lang naman sila ng sagot ng binata.

Just The Way You Love (Season 5)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora