Chapter 4

44 3 0
                                    

Cameron's POV

Na-eexcite ako dahil sa wakas makikita ko na ulit si Blythe. Mamaya na ang flight ko papuntang Korea saka si kuya Gale na gumastos sa pagpapa-book  para makapunta ako mamaya sa Korea. Sariling eroplano naman nila ang sasakyan ko.

6pm pa ang flight ko kaya naghahanda na ako ngayon ng dadalhin ko saka mga dalawang buwan ako mag-stay doon.

Dalawang malaking maleta ang dadalhin ko saka matagal ko na talaga siya sana balak sundan sa Korea kaso busy lang ako lagi sa work. Ayaw ko rin naman tawagan si Blythe dahil gusto ko siyang sorpresahin.

Habang inaayos ko mga gamit ko na dadalhin ko pa rin mamaya ng biglang tumunog yung phone ko at pagkatingin ko si Kuya Gale pala.

"Tinawagan ko na si Daddy at Mommy kanina so pumayag siya na doon ka muna mag-stay saka nakalimutan kong sabihin na nasa America sila ngayon at baka sa linggo na ang balik nila sa Korea"-Kuya Gale

"Okay po, thank you!*send"

Hindi ko na inantay pang magreply si kuya Gale dahil abala pa rin ako ngayon sa pag-aayos. Maya-maya pa ay natapos na rin ako sa pag-aayos at yung ticket na lang aantayin ko dahil baka mamaya ibigay sakin ni Kuya Gale yon.

Itinabi ko lang muna yung dalawang maleta saka ako humiga sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko dahil magpapahinga muna ako dahil mamaya na ang flight ko.

Blythe's POV

 
Matutulog sana ako ngayong hapon dahil gusto kong matulog kaso hindi naman ako makatulog dahil ayaw magpatulog dito sa kwarto ni Vanessa.

Tsk bakit ba kasi dito pa ako nilagay ni
Mommy eh! Hindi naman ako makatanggi dahil baka mamaya sabihing maarte ako.

At idagdag mo pa yung creepy ng bahay na 'to! Napaka haunted house naman kasi ng dating! Tapos minsan akala ko may tao sa kusina, akala ko si Mommy or Daddy pero nung sumilip ako wala naman palang tao! Ang lakas naman magmulto dito kaya nga gusto ko ng umuwi ng Pilipinas eh!

Siguro nandito pa kaluluwa ni Vanessa at hindi matahimik. Ano nga bang ikinamatay niya?

At dahil gusto kong malaman kung anong ikinamatay ni Vanessa hinanap ko ulit yung diary niya dahil baka nakasulat dun kung ano ang ikinamatay niya. Habang hinahanap ko yung diary ni Vanessa bigla naman ako kinalabit ni Trevor.

"Noona, I'm hungry"Naka-pout na sabi ni Trevor.

"Okay"

Lumabas muna kami ng kwarto saka nagtungo sa kusina para pakainin muna si Trevor. Hays! Kailan ba babalik dito si mommy and daddy?

Nagluto naman ako ng ramen, pagkaluto ng ramen saka ko na pinakain si Trevor. Inantay ko lang siya kaya iginala ko muna mga mata ko ng biglang may pumukaw ng aking atensyon...

Isang painting ng babae na nakasabit sa wall. Pinagmasdan ko naman yon ng maigi. Ngayon ko lang nakita yung painting na yon kasi matagal naman na kami kumakain dito sa kusina pero wala naman ako nakitang painting dito.

Sa may bandang baba may pirma siya saka ngayon ko lang napansin na pang empress yung suot niya at maganda siyang babae kaso seryoso lang mukha niya.

Sino kaya nag-painting non?

Inalis ko na ang tingin ko sa painting na yon ng bigla kong makita yung... Diary ni Vanessa!

Paano napunta yon dito? Diba nasa kwarto lang yon? Tumayo naman ako para kunin yon.

Binuklat ko naman yon at binasa ng tahimik...

Salamat, Hyun-Jin, sa iyong napakahusay na pinta para sa akin at masasabi kong natutuwa ako dahil nagawa mo akong iguhit.

Just The Way You Love (Season 5)Where stories live. Discover now