Chapter 10

25 3 0
                                    

Seryoso lang nakatingin si A-Yeong sa mga mata ni Hyun-Jin habang seryoso naman siyang ipinipinta ng binata. Sa araw kasi ng linggo ay babyahe na sina A-Yeong at ang kanyang ama't ina pauwi ng Pilipinas.

Ngunit nagdadalawang isip siya kung sasama ba siya sa kanyang ama't ina pauwi ng Pilipinas.

Natapos ang pagpinta ni Hyun-Jin sa dalaga kung kaya't tinawag niya ito upang lumapit sa kanya.

"Binibini? Halika't lumapit ka at tignan mo itong ipininta kong ito para sayo"Nakangiting sabi ni Hyun-Jin. Tumayo naman sa pagkakaupo si A-Yeong atsaka niya nilapitan ang binata.

Natuwa at hindi makapaniwala si A-Yeong dahil kuhang-kuha ni Hyun-Jin mula sa hugis ng kanyang mukha, mata, ilong at labi. Napatingin siya kay Hyun-Jin at mahigpit niya itong niyakap.

"Sobrang natutuwa ako dahil noon pinapangarap ko lamang magkaroon ng sariling larawan, pero ngayon natupad na iyon dahil sa iyo... Maraming salamat, aking mahal"Pagkatapos sabihin iyon ni A-Yeong ay bigla na lang natulala si Hyun-Jin dahil sa sinabi at lumabas mula sa bibig ng dalaga ang salitang 'Mahal'.

Ngayon lang naramdaman ni Hyun-Jin na mahal talaga siya ng dalaga kung kaya't tinignan niya ito ng deretso sa mata at kitang-kita niya ang masayang mukha nito habang may matamis na ngiti sa labi.

"T-totoo bang narinig ko? Tinawag mo akong mahal?"Hindi makapaniwalang tanong ni Hyun-Jin kay A-Yeong.

Ngumiti naman ang dalaga saka sabay napatango ng dalawang beses sa binatang si Hyun-Jin. Silang dalawa lamang nasa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Napangiti na lang din ang binatang si Hyun-Jin sa dalagang si A-Yeong hanggang sa...

Bumaba na lang ang tingin ni Hyun-Jin sa labi ni A-Yeong at dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga dahilan para mapapikit na lang si A-Yeong hanggang sa maramdaman niya ang labi ni Hyun-Jin sa kanyang labi.

Parehong saya't ligaya ang nararamdaman ngayon ng dalawang nag-iibigan at kahit anong mangyari ay walang makakapag-hiwalay sa kanilang dalawa at hanggang kamatayan ay ipaglalaban nila ang isa't isa.

Ngayon lang nakaramdam ng ligaya't saya si A-Yeong dahil sa buong buhay niya ay pinanganak siyang isang prinsesa ngunit hindi niya hinahangad na maging isang prinsesa o maging isang hwanghu pa.

Humiwalay na si Hyun-Jin sa dalaga kung kaya't napamulat na lang ng mata si A-Yeong. Hinawakan naman ni Hyun-Jin ang makinis at malambot na pisngi ni A-Yeong saka ito tumingin ng deretso sa mata ng dalaga.

"Yagsoghabnida. dangsin-eun naega yeong-wonhi salanghal yuilhan salam-ibnida. (I promise you, you are the only one I will love forever)."Buong pusong sabi ni Hyun-Jin kay A-Yeong habang nakatingin pa rin ito ng deretso sa dalaga.

May namumuong luha naman sa mata ni A-Yeong pero agad rin iyon pinunasan ni Hyun-Jin at muling hinalikan sa labi si A-Yeong.

"Mahal na mahal kita, Vanessa"

"Mahal na mahal rin kita, Hyun-Jin..."

***

ARAW ng linggo at sa mismong araw ngayon ay uuwi na ng Pilipinas si A-Yeong. Nasa daungan na sila ngayon at limang minuto na lang ay aalis na ang barkong sasakyan nila A-Yeong at ng kanyang ama't ina pauwi ng Pilipinas.

Malapit na ang oras at aalis na sila ngunit hindi na iyon inisip ni A-Yeong dahil agad na niyang hinahanap si Hyun-Jin kung sumunod ba ito sa kanila at sa huling pagkakataon ay makita niya manlang ito sa huling sandali bago niya itong tuluyan qiwanan, ang kanyang nobyo na si Hyun-Jin.

"Vanessa? Halika na!"

Napabagsak na lamang ang balikat ni A-Yeong ng marinig niyang tinawag na siya ng kanyang ama. Tumunog na rin ang malaking barko na kanilang sasakyan ngayon at ang ibig sabihin nito ay aalis na ang barko.

Just The Way You Love (Season 5)Where stories live. Discover now