Chapter 7

38 3 0
                                    

"Binibini? Ayos ka lang ba?"

Agad naman natauhan si Vanessa ng mapagtanto niya na imahinasyon niya lamang iyon at ang kanyang kaharap ngayon ay si Moon.

"H-ha?"

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap"Tugon ng binata.

"Nakita mo ba si Hyun-Jin?"Tanong na lamang ng dalaga.

"Oo, kaso pinapatawag siya ng iyong ama kaya umuwi na lamang siya"Sagot ni Moon.

Ang totoo ay nagsinungaling siya at pinauwi niya si Hyun-Jin para silang dalawa lang ni Vanessa ang magkasama ngayon. Pero nalungkot na lang si Moon dahil si Hyun-Jin ang hanap ng dalaga at hindi siya.

Nakutuban tuloy ni Moon na baka umiibig na si Vanessa kay Hyun-Jin at hindi sa kanya.

Ano pa ba ang inaasahan niya? Na gugustuhin at mamahalin din siya ng dalaga kahit na matagal ng wala itong pagtingin sa kanya?

"Paano mo naman ako nasundan dito? Tumakbo na nga ako ng malayo para malayo sa iyo pero nahanap mo pa rin ako? Yung totoo Ginoo, sinasadya mo bang sundan ako palagi? Kahit siguro magtago ako mahahanap at mahahanap mo pa rin ako. Tsk!"Inis na sabi ni Vanessa kay Moon pero napangiti na lamang ang binata dahil kung sa tutuusin mas gugustuhin niyang makita na sinusungitan siya ng dalaga.

"Alam mo, binibini, mas lalo akong nahuhulog sayo kapag sa tuwing lagi mo akong sinusungitan. Ganyan ang tipo ko sa isang katulad mo. Kung ako rin iyong tatanungin, ikaw ang pinapangarap kong maging asawa at magiging ina sa ating mga anak"Nakangiting sabi ni Moon at parang naiisip na niya ang magiging kapalaran niya kapag kinasal sila ng dalaga. Ngunit napangiwi na lamang ang dalaga dahil sa kahibangan ng prinsipe na kanyang kaharap ngayon.

"Nahihibang ka na ginoo! Siguro kailangan mo ng magpatingin sa mang-gagamot dahil may sira na ang iyong ulo!"Inis naman na sagot sa kanya ng dalaga ngunit natawa lang siya at pinisil niya ang pisngi ng dalaga na agad naman nagreklamo.

"Naiinis na ako sayo! Masyado kang...alam mo, Ginoo, siguro kailangan mo na talagang magpatingin sa mang-gagamot dahil baka sinasaniban ka na rin ng satanas!"Inis pa na sabi ni Vanessa pero tumawa na naman ang binata hanggang sa hindi niya matiis at bigla na lamang niya ito hinalikan sa pisngi na agad naman ikinagulat ng dalaga kaya naman nasapak niya ng napakalakas-lakas ang binata na si Moon.

Nanlaki naman anga mata ni Vanessa ng mapansin niya ang pasa sa mukha ng binata kaya agad siyang humingi ng tawad dito.

"Patawarin mo ako, Moon! Hindi ko sinasadya!"Gulat na sabi ni Vanessa kaso napatakip na lamang siya ng kanyang bibig dahil ngayon niya lang nabanggit ang pangalan nito.

Natulala naman sa kanya ang binata at hindi siya makapaniwala na tinawag siya nito sa kanyang pangalan dahilan para may kung anong kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan.

"Ah eh mauuna na pala ako sayo!"Biglang nagmamadaling paalam ni Vanessa at agad na siyang kumaripas ng takbo.

Naiwan namang tulala pa rin si Moon pero ilang saglit lang ay biglang sumilay ang matamis niyang ngiti. Sadyang hibang na hibang na nga siya sa dalaga at gusto na nga rin niyang agad umamin ng nararamdaman sa dalaga ngunit naisip niya na lang na baka sa oras na umamin siya kay Vanessa ay baka tumanggi lang ito kaya mabuting itago na lamang niya muna ang kanyang nararamdaman.

Umuwing masaya si Moon kahit na pagtinginan na siya ng mga tao dahil ngumingiti siya mag-isa pero wala siyang pakealam dahil masaya siya ngayong araw dahil sa tingin niya magiging mabuting magkaibigan muna sila bago din ito umamin sa kanya.

At mahuhulog din sa kanya ang dalaga.

***

"Hyun-Jin!"

Just The Way You Love (Season 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon