Chapter 5

36 3 0
                                    

Giovanni's POV

"Gio? Aalis ka ba ngayon?"

Napatingin naman ako kay kuya Ash na nasa salas nakaupo habang nagbabasa ng magazine, hindi siya nakatingin sakin.

Ka-baba ko lang kasi galing taas dahil magtutungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Kumuha naman ako ng tubig sa ref pagkatapos ay lumabas ako sa kusina saka nagtungo naman sa salas para sagutin si kuya.

"Yeah, Magbo-bonding kami ng mga kaibigan ko"Sagot ko naman. Ibinaba naman ni kuya ang magazine saka tumingin sa akin.

"Anong oras ka na naman uuwi?"Nakataas kilay na tanong ni kuya Ashton sa akin.

"Hindi ko alam"Sagot ko na lang.

Hindi ko naman talaga alam kung anong oras ako makaka-uwi eh dahil ang totoo magpapakalasing lang ako.

Simula kasi ng malaman kong nasa Korea na si Blythe at naging sila na ni Cameron wala na akong ginawa kundi maglasing araw-araw at iniisip ko palagi si Blythe.

Hanggang ngayon kasi inlove pa rin ako sa kanya. Hindi na rin naman na kami magkaibigan ni Carms dahil nagalit siya noon sakin.

"Hays! Halos araw-araw ka na lang naglalasing tapos uuwi ka dito binabanggit mo pangalan ng anak ni Veda yung si...sino nga ba ulit yon?"Kunot noo tanong ni kuya Ash.

Napabuntong na lang ako.

"Blythe"Sagot ko sabay iwas sa kanya.

Narinig ko naman napabuntong siya ng malakas.

"Bakit ba inlove na inlove ka dun eh mas matanda ka doon?"Tanong ni kuya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Kuya, age doesn't matter saka kung talagang mahal mo, ipaglalaban mo."

"Tsk! Eh paano kung may mahal na yon na iba? Mamahalin mo pa rin? Alam mo magmumukha ka lang third wheel kung patuloy mo pa rin siyang gugustuhin at hahabulin kahit na may iba na siya. Marami naman iba diyan bakit doon ka pa na-fall? Minsan nga gamitin mo utak mo Gio! Nagmumukha ka lang tanga!"Sabi sakin ni kuya na may halong ngisi at inis.

"You know what? You don't care if... I'm inlove with her! Masama bang umibig? Alam ko naman na unfair pero wala naman masama kung umasa ako dahil sa tingin ko may chance naman ako"Inis kong sagot kay kuya Ash at humakbang na ako kaso nakaka-dalawang hakbang palang ako ng bigla siyang magsalita.

"Hibang ka na ba! Eh paano nga kung may iba na siya? Guguluhin mo pa! Hayaan mo na lang siya at kung talagang mahal mo nga siya edi ipaubaya mo na lang. Hindi yung pinipilit mo pa rin sarili mo sa babaeng kahit kailan hindi ka naman ginusto!"Sigaw sa akin ni kuya at bigla na lang siya tumayo.

"Bakit mo ba ako pinapakealaman ha?! Bakit nung kayo ni Allysa, pinakealaman ko ba kayo ha?! Kahit na halos mabaliw ka ng iwan ka na lang niya noon at naghabol ka rin naman sa kanya at higit sa lahat nagpa-kalasing ka rin naman! Kaya wag mo akong sasabihan na para lang ako tanga dahil kung sa tutuusin pareho lang tayo naging tanga!"Sigaw ko rin kay kuya at saka ko na siya hinakbangan at iniwan.

Nakakainis lang dahil ano bang pakealam niya eh hindi ko naman siya pinapakealaman sa relasyon nila noon ni Allysa!

Sumakay ako sa kotse ko at mabilis ko yun pinaharurot. Sobrang naiinis ako dahil pati buhay ko kailangan pa niya pakealaman.

Habang mabilis ko pa rin pinapaharurot yung kotse ko ay naisipan kong dumaan muna sa condo ko dahil may nakalimutan akong kunin. May sariling condo kasi ako kaso hindi naman ako madalas doon dahil mas gusto ko na nasa bahay lang ako.

Mayamaya pa ay nandito na rin ako kaya pinark ko muna yung kotse ko sa isang tabi dahil saglit lang naman ako dahil may kukunin lang naman ako. Bumaba na ako sa kotse at akmang hahakbang na sana ako ng bigla kong nakita si Gale.

Just The Way You Love (Season 5)Where stories live. Discover now