"Let me carry he-"

"No." Sagot lang ni Ravanni saka nya ako bahagyang iniiwas kay Damon. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa katawan ni Ravanni dahil ayoko nang makita ang disappointed na mukha ni Damon.

"Pakiusap umuwi na lang tayo." Parang wala sa sariling sabi ko sa kanila dahil parehas ko na silang gustong takasan. At laking pasalamat ko nang makinig na silang dalawa sa akin. At hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala kaming imikan sa isa't isa.

"Sus maryosep Bella! Ano ba ang nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang kayo?" Salubong agad sa amin ni Nanay nang matanaw nya kami. Agad namang lumapit sa akin si Aki at inalalayan nya ako papasok ng bahay.

"Mga hijo bakit ngayon lang kayo?" Pag-uulit ni Nanay at bumaling na sya kina Damon.

"N-Naligaw po kasi si Ravanni at hinanap pa namin sya ni Sir Damon kaya po g-ginabi na kami ng uwi." Pagdadahilan ko kay Nanay. Pero inismiran nya lang ako at parang hindi sya naniniwala sa akin.

"Talaga lang huh? Eh bakit ang agang umuwi nitong sina Kenzo? Wala pa yatang ilang oras nakita ko na dito si Kenzo."

"E-Eh kasi nga p-po Nay nawala na si Ravanni kaya po di na natuloy ang lakad at hinanap na po namin si Ravanni. Di ba po S-Sir Damon?" Sabi ko na lang saka ako nahihiyang tumingin kay Damon na nakatingin din pala sa akin.

"Totoo po 'yon Nanay." Sabi lang ni Damon kaya napabuntong hininga na lamang si Nanay.

"Naku hindi pala naging maganda ang lakad nyo. Ang mabuti pa ay maligo na kayo at kakain na tayo ng hapunan. At sa tingin ko rin ay kaylangan nang magpahinga ng dalawa mong bisita Bella. Nakakahiya sa kanila!" Sabi ni Nanay at kinurot pa ako sa tagiliran ko. Sa tingin ko ay hindi nya nagustuhan ang nangyari.

"Sige na po Sir Damon, Ravanni maglinis na po kayo sa loob."

"Let me treat your wounds first." Halos sabay nilang sabi at parehas na nilang kinuha ang paa ko na nasugatan kanina. Mabilas naman akong umiwas agad sa kanila dahil doon. Napalayo lang silang parehas sa akin nang biglang pabagsak na ipinatong ni Aki ang first aid kit box doon sa lamesita namin.

"Ako na." Sabi lang nito saka nya kinuha ang paa ko at ipinatong 'yon sa hita nya.

"Ako na sabi di ba? Pwede na kayong umalis." Sabi ulit ni Aki nang mapansing nakatayo lang sa likod nya ang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako dahil napapagod na akong sermonan at makipagtalo pa kay Aki.

"Sige na po Sir Damon magbihis na po kayo. Ravanni?" Sabi ko ulit sa kanila saka sila umalis. Napasandal na lang naman ako sa kawayan naming upuan dahil sa sobrang pagod ko. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko talaga ay pagod na pagod ako.

"Paalisin mo na silang dalawa Ate. Alam mo bang pinag-uusapan ka na nila sa may labasan dahil nag-uwi ka daw ng dalawang lalaki dito sa atin?" Sabi ni Aki habang ginagamot nya ang sugat ko. Ano bang bago? Halos sanay na ako na pinag-uusapan ako ng mga kapit-bahay namin simula noong pumutok ang balita tungkol sa amin ni Cohen. Simula noon marami nang nagalit sa akin at kahit sa pamilya ko. Mabuti na nga lang at may ilan paring nagmamalasakit sa amin ngayon.

"Nakikinig ka ba Ate?"

"Aray! Aki ano ba?" Tanong nya sa akin pero sinagot ko lang sya ng sigaw dahil sa idiniin nya lang naman ang bulak na may alcohol sa sugat ko at ang hapdi non.

"Ang mga Alcasedo, narinig ko na umuwi na sila dito." Nawala lahat nang iniisip ko dahil sa narinig kong sinabi nya. Pero nagpatay malisya na lang ako dahil ayokong isipin ni Aki na apektado parin ako ngayon sa mga Alcasedo.

"Hindi mo ba tatanungin kung sinong kasama nila umuwi dito?"

"B-Bakit ko naman tatanungi-"

"Kasama nila ang gago mong ex-boyfriend. At balita ko ay may malalang sa-"

"Bella bilisan nyo na dyan at tulungan nyo akong mag-ayos dito!" Naputol ang sinasabi ni Aki nang biglang sumigaw si Nanay.

"Opo Nay! Oh, ano ngang sinasabi mo ulit?" Sabi ko naman kay Aki. Inilingan nya lang ako saka sya tumayo sa kinauupuan nya.

"Kalimutan mo na lang." Sabi lang nito saka sya nagderetso sa kusina. Napapabuntong hininga naman akong sumunod sa kanya kaya narinig ko agad ang maingay na boses ni Delaney sa may poso. Ano naman ang ginagawa nya doon? Ang bata talagang 'yon.

"Delaney bakit ka ba nandyan? Baka madulas k-" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko si Damon at si Ravanni na naliligo doon sa may poso at si Delaney naman ang nagbobomba sa kanila. Napatingin ako sa paligid at doon ko nakita ang ilang babae na pinag-uusapan sila at nakasilip sa kanilang dalawa. Dahil sino nga ba ang hindi makakapansin sa dalawang 'to kung ganito kalalaki ang katawan at kadami ang pandesal ang makikita mo sa tyan nila? Idagdag mo pa na isang maikling shorts lang ang suot nila.

"Oh Ate, andyan ka pala? Gusto mo rin po maligo?" Tanong sa akin ni Delaney kaya napabalik ako bigla sa reyalidad.

"Ah h-ahhaha h-hindi na. S-Sir Damon, Ravanni bilisan nyo na dyan. K-Kakain na po tayo." Sabi ko lang sa kanila saka ako mabilis na pumasok at umalis doon sa makasalanang poso na 'yon.

"Anong nangyari sayo? Nakakita ka ba ng multo?" Bungad sa akin ni Nanay kaya nagulat ako sa kanya.

"Hindi multo Nay kundi pandesal na bato ang nakita ni Ate. Tsk!" Biglang sagot ni Aki habang naglalagay ng mga plato sa lamesa.

"Anong pandesal na bato ang sinasab-"

"Naku Nay! Huwag nyo na po pansinin si Aki!" Sabi ko na lang kay Nanay at pilit ko na syang pinapalabas ng kusina. Kahit kelan talaga si Aki pahamak.

"Bakit mo ba ako pinapaalis? Naghahain pa ak-"

"Ako na po ang bahala dito Nay magpahinga na po muna kayo doon sa may sala. Tatawagin na lang po namin kayo kapag kakain na."

"Oh sya sige na sige na! Mabuti naman at pagod na pagod rin ako dahil ako ang nag-asikaso ng mga trucking kanina."

"Kaya nga po Nay. Sige na po manood muna po kayo ng TV sa sala." Sabi ko kay Nanay kaya umalis na rin ito doon sa kusina. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Masyadong conservative si Nanay at baka kung ano pa ang isipin nya sa akin.

"Oh Ate hindi na pala natin kaylangan maghain ng ulam. Kusa na silang pumasok." Rinig kong sarkastiko na sabi ni Aki kaya napabaling ako sa kanya. Pero parang bumagal ang oras nang biglang lumampas ang tingin ko sa kanya. Sandali, mga tao ba sila? Bakit ganito sila kagagandang lalaki? Totoo bang nagkakagusto silang dalawa sa kagaya ko? Sabihin nyo na biro lang 'to dahil nahihiya na ako ngayon sa mas magagaganda sa akin.

"Hoy Ate ang laway mo!" Bulong sa akin ni Aki na nasa tabi ko na pala. Halos takasan ako ng kulay nang makita kong nakatingin parehas sa akin sina Damon at Ravanni. Parang nawiwirduhan sa kinikilos ko.

"Can I borrow some clothes Bella? I d-don't have one to wear." Nahihiyang sabi ni Damon. Nakita ko naman na umirap lang si Ravanni habang nagtutuyo ng buhok nya gamit ang tuwalya. Bakit parang nakikita ko sya sa mga commercial sa TV?

"Bella?" Rinig kong sabi ulit ni Damon kaya napabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Ah R-Ravanni pwede bang pahiramin mo muna ng pares ng damit si Sir Dam-"

"Fine." Putol nito sa sinasabi ko saka ito naunang lumabas sa kusina at nagderetso sa kwarto kung saan sila natutulog. Napabuntong hininga na lang naman ako dahil sa kahihiyan ko.

"Oh ano? Busog ka na? Makakakain ka pa kaya nyan? Parang hindi na ah?" Sarkastikong sabi ni Aki sa akin habang nakakrus pa ang mga braso sa akin. Nginusuhan ko lang naman sya dahil nakakainis talaga sya. Minsan talaga pahamak ang mga gwapong nilalang na 'yan. Baka kung si Nanay ang nakakita sa akin ngayon baka nakurot na ako noon sa singit.

"Hayyssssssstttt!"









xyvil_keys

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now