Chapter 44: The Defendants

Start from the beginning
                                    

Maluwag na binigay ng nasasakdal ang kaniyang manuscript sa committee upang tignan, suriin ang teksto. Matapos nito, inilagay ito sa isang computer machine na kayang malaman kung saan nagmula ang bawat salita, salin maging ang detalye ng isang
pangungusap.

Alam naman ng bawat isang mangangalap ng ideya o maging tagasaliksik ang ethics kung kaya’t maingat sila sa bawat hakbang na kanilang gagawin upang malinis at maayos ang daloy ng kanilang pananaliksik.

Sa gitna ng pag-i-scan ay sumandaling namatay ang router na siyang pinagkakabitan ng connection ng computer. Ilang saglit lang ay nagpatuloy ito at nahinto sa isang site na may format na pdf.

Pumasok ang isang lalaki sa gitna ng paglilitis. Napatingin ang lahat kasama si Ms Clarisse. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam ng makita niya ang seryosong mukha ng kaniyang ka-partner na si Mr. Marcuz.

Tumayo ng tuwid katabi ni Ms. Custudio ang lalaki na hindi kumukurap at walang bahid ng takot. Magiging mas malakas na ang pwersa upang mawala na ang sugat sa kanilang research.

Napabuntong hininga si Ms. Clarisse. Malapit ng matapos ito
at magiging okay na ang lahat.

“Thank you for waiting and sorry for inconvenience.” Panimula ni Mr. Marcuz.

He was introduced in a great manner of humbleness with little spices of Director's cunning speech. Hinahanap naman ni Ms. Clarisse ang maaaring gamiting banat ng Director.

Inayos ng matandang babae na kasama sa BOC ang kaniyang salamin sa mata. Tumingin ito ng deretso sa mga mata ni Mr. Marcuz.

“Do you admit or deny the allegation against your study, that you have plagiarized and committed treason to the Professional’s Conduct Code of this Institution?” Isang tanong kailangan ng isang sagot.

Tumingin si Mr. Marcuz kay Ms. Clarisse na parang nanghihingi ito ng kapatawaran. Tumango naman si Ms. Custudio dahil mali ang pagkakaintindi niya dito,
sinesenyasan siya na kakayanin nila ang dagok na ito.

Mula sa ‘di kalayuan ay may gustong marinig ang Director. “I, together with Ms. Custudio worked for this study had committed the said allegation,” mariin siyang
napapikit pagkatapos ng huling salita na binigkas ng kanyang labi.

Narinig na ng Director ang gusto niyang marinig tapos na ang kaso. Tumayo siya at muling nagsalita sa harap ng Board of Committee (BOC) na may ‘di maitagong
pagkapanalo.

Bumagal naman ang paligid ni Ms. Clarisse. Nagiging emosyonal na ito.

Niyuyugyog ni Ms. Clarisse ang balikat ni Mr. Marcuz habang tinatanong kung bakit ‘di nito sinabi ang totoo sa harap ng BOC.

Inilabas sa isang malaking screen ang laman ng pdf na kahawig na kahawig ng kanilang manuscript.

“Hindi. Hindi ito maaari. Sr. Anong ginawa mo?” mangiyak-ngiyak na bigkas ni Ms. Clarisse.

Inalala ni Mr. Marcuz ang naging kasunduan nila ng Director ng gabi bago ang araw ng paglilitis, araw ng Linggo.

“Wala kayong ebidensyang mahahain sa akin. Sira na rin ang pinakamamahal ninyong research…”

“Napakawalanghiya mo. Pati mga inosenteng bata mapapatay mo dahil sa research mo.” Ani ni Mr. Marcuz.

“Hindi. Mali ka. Sa pamamagitan ng Alpha-genes magkakaroon ng
kapangyarihan ang bawat indibidual na estudyante ng institusyon na ito, marapat na
hasain ito gamit ang Dream Acquaintance.” Pagpapaliwanag naman ng Director.

“Hangal ka at ignorante!” Sigaw ni Mr. Marcuz.

“Sinong hangal? Sinong hangal ang gustong gumawa ng perpektong mundo na lahat ng tao matanda man o bata mayroong abilidad? Sino? Sino ang hangal sa ating
dalawa?!”

ALPHAWhere stories live. Discover now