Chapter 40: The Prototype Inventions

Start from the beginning
                                    

“Lin.C. or Linking Computer” nakalagay naman sa susunod na glass banner. Computer ang pangunahing instrumento na may cable wires na konektado sa isang
apparatus na pang ulo. Kaya nitong iproject ang nasa isipan ng isang tao gamit ang computer monitor. Inventor: Clarisse Custudio and Marcuz Jones Pablente.

Ang pinaka nasa dulo na nakalagay ang description sa gold glass banner ay “Dream Acquaintance.” “Lucid dreaming is possible with a type of enzyme called tricyclic monoamine oxidase. And everything happens in the dream can manage and show by computer platform, Inventor: Vincent Pablo and Raghel Navado.” nakalagay
dito.

Nang tignan ko ang mismong instrument ay wala ito sa loob. Nasaan ang device? Itong device pa namang ito ang may tropeyo.

Ang gagaling naman ng mga naging teacher ko. Mga inventors at mga researchers sila.

Nakakahanga, nasaan kaya ang mahal naming si Mama Clarisse at ma-congrats siya. Nakaka-overwhelm naman sila. I’m so happy for them.

After namin libutin ang hall, medyo nagtagal kami dito at tumuloy na kami sa 5th floor. Sa wakas makakakain na kami ng agahan. Agahan? Wait anong oras na?

Tanghalian na kaya!

-

Tawa ng tawa si Harvey. Parang ewan talaga ‘to. Ang taba-taba ng kokote sa kalokohan. Wish niya raw na umiksi na ang baba ko.

Hayop talaga ang loko. Pinili niya kasing pagkain ay isang buong roasted chicken. Walang kanin walang side dish, just that at panulak na pineapple drink.

Nakakuha siya ng wish bone sa paghihimay niya, yun yung buto na matatagpuan sa chicken breast. Parang ‘V’ shape ang hugis nito tapos ang set, may dalawang tao na
maghahatakan sa dalawang dulo nito, at kung kanino napunta ang gitnang parte o ang
pinakamahabang parte ng wish bone, siya ang magwiwish.

Pumikit pa ang loko tapos ang hiniling “Sana umiksi na ang baba ni Jwyneth.” Nakakaasar. Hmp.

Ang dish naman na napili ko ay Bangus Steak. Ang sarap ng taba ng bangus. Favorite ko ang belly fat ng bangus. Kaya mahirap lutuin o prituhin ang bangus, matalsik
sa mantika ito dahil sa fat ng isda. Pero para sa akin, ayos lang…ayos lang masaktan. Charr. Sanay na ako sa kusina.

As usual magkakasama kami ng mga kaibigan ko. Minsan nakikipagkwentuhan sa ibang tao para lumawak pa ang mga circle of friends namin. ‘Di na available ang mga social media dahil sa patakaran, bawal na ang gumamit.

Anong purpose ng holographic device namin? Ayun tengga sa rooms namin. Bawal namin dalhin sa labas dahil baka mawala o
‘di kaya ay masira. Hindi rin kami updated sa kung ano na ang mga nangyayari sa labas.

After namin kumain, inaya ko sila Teod at Zeus maging sila Harvey at Shayne papunta sa Medical Ward upang dalawin si Kenneth.

Sumama rin sina Dave at Trynyty.
Magkatropa naman sa usapang games sila Dave at Kenneth kaya siguro malalim din pinagsamahan nung dalawa. Paano kaya lalalim ‘yon kung puro games lang pinag-
uusapan?

Nang makapunta kami sa MW, wala kaming Kenneth na naabutan sa loob. Walang sinuman ang nasa loob pwera lang sa isang babaeng hindi namin kilala.

Nakadamit ito na parang medical staff. Kumatok si Zeus upang kunin ang atensyon ng nakatalikod na babae. Busy si Ate baka nagagambala namin.

“Tok tok tok.” Tunog ng pagkatok ni Zeus. Tumingin ang babae sa amin na taas kilay na parang nagulat. Ang dami kasi namin tapos dadalaw lang sa iisang oras. Happy
kami, gusto namin makita si Kenneth na maayos na.

“Good…mor. Afternoon po!” medyo tumagilid ang pagbati ni Zeus. Wala kasing bintana kaya ‘di namin alam kung umaga o tanghali na ba talaga. Naalala ko meron
palang orasan yung device na nakasuot sa wrist namin.

“Sino po sila?” sabi ng babae. Lumapit ito sa amin na may dala-dalang ngiti.

“May pasyente po ba rito na ang pangalan ay Kenneth.” Nag-isip muna ang babae kung may na-admit na nga na pasyente na ang ngalan na binanggit ni Zeus. Pero umiling ito.

“Ay wala na. Ang mga naa-admit lamang na pasyente rito ay may mga lubhang karamdaman o sakit. Ang mga pasyenteng wala namang komplikasyon ay dinadala sa
kanilang kwarto at dadalaw-dalawin ng nurse every 2-4 hours.” sabi ng babae.

“Ay ganoon po ba? pasensya na po sa abala, maraming salamat po.” Asal ko sa babae na balingkinitan ang dating. Ang ganda niya shocks. Sanaol. Nurse Joy raw pangalan sabi ni Zeus.

Pumunta kami sa floor kung nasaan ang kwarto ng mga lalaki. Divided ang system regarding sa sex. Dito sa floor kung nasaan kami ang floor ng mga lalake at sa itaas ng floor ng mga lalake ang floor ng mga kwarto ng babae. Ayos diba?

Tapos ang CR ng lalaki at babae ay nasa floor ng babae? Nasaan ang hustisya? ‘de joke lang. Mas marami kasi ang bilang ng boys compare sa girls kaya ganito ang
system.

Sa bawat pintuan ay may nakapaskil na number. Nagiging halos apartment na ang siste pero ayos na rin. Tinignan at hinanap namin ang kwarto ni Kenneth sa pamamagitan ng device sa palapag ng boys at nakasystem by room number at alphabetical order.

“There.” Sabi ni Dave. Nagmadali kaming pumunta sa location ng kwarto ni Kenneth. Room 207 siya at ang haba ng corridor ng mga lalaki. Kapagod naman maglakad jusko.

Nang pagbukas ng pintuan ay naabutan namin na hindi naka-lock ang pintuan. Syempre sino nga ba ang magla-lock, samantalang pasyente ang nasa loob. Hanggang ngayon ay hindi parin siya gumigising ayon sa nakausap naming kaibigan nila Zeus na unang dumalaw.

Kaibigang babae at may kasamang lalaki. Pamilyar itong lalaki na ito, siya ang gumamot sa akin at kay Danica during na nasa matindi kaming sitwasyon sa parang totoong panaginip na iyon.

Ngumiti ito sa akin at syempre nginitian ko din. Gil Joseph ang pangalan niya isa siyang Healer. Kamukha ng name ni BJ, pero Brian Joseph naman ito.

Tinanong niya kung ano ang ability ko, at hindi ko naman maipaliwanag ng maayos kasi complicated nga.

Panaginip lang lahat tama? Pero bakit nag-cross over yata ang panaginip namin dahil sa experimentation? Nagkita kami sa isang panaginip.

Tama kaya ang nasabi sa akin ni Harvey? Tama kaya na nangyayari sa katawan namin ang mga nangyayari sa panaginip? Imposible. Hindi makatotohanan ito.

“Ayos ka lang?” tanong niya habang hinawakan ang aking braso. Na-ilang ako sa kaniyang ginawa sapat na para matauhan ako. Lumabas ako palayo ng ma-realize ko kung bakit nangyayari ito kay Kenneth. It's my fault!

Tumulo ang luha mula sa aking kanang mata habang tumatakbo ako. Gusto kong patawarin ang sarili ko pero paano? Kasalanan ko kung bakit ganoon ang naging
sitwasyon ni Kenneth. Ginamit ni Kenneth ang ability niya upang magpalit kami ng pwesto.

ALPHAWhere stories live. Discover now