"Kamusta na ang kasama mo sa store? What's her name again? Mmm... Greta?"

Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang galit na nararamdaman. Bakit niya tinatanong si Greta? Para akong inuntog sa pader nang may biglang napagtanto. Don't tell me...

"Nandyan pa rin ba siya? Bakit hindi ko siya nakikita? Tanggal... na ba siya?"

"Anong ginawa mo sa kanya?" mataas agad ang boses ko dahil sa naipong galit.

"Oh, don't worry. Wala akong ginawa sa kanya. Pinatanggal ko lang siya sa store na ito," deretso niyang sagot.

How... dare her!

"And your precious friend Arjun... what happened to him?"

"Walang hiya ka!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko.

She laughed. "I told you to leave here but you didn't listen. Hinintay mo pa talagang umabot sa ganito."

"Wala kang karapatan gawin 'yon sa kanila! Napaka sama mo!"

"Oh, no, you're wrong. Hindi lang ako ganito kasama. Marami pa akong kayang gawin kung hindi ka pa susunod sa akin!" sigaw niya.

Naramdaman ko ang pag iinit ng gilid ng mga mata ko. Mabilis rin ang paghinga ko at gusto ko pa siyang sigawan pero wala nang lumalabas sa bibig ko.

How dare her! Kaya pala kahit walang ginagawang masama si Greta ay tinanggal siya ni Ma'am Maureen! Kaya pala walang masabing dahilan sa akin si Ma'am Maureen dahil alam rin niyang walang ginagawang masama si Greta, nautusan lang rin siya! Ang babaeng ito ang nagpatanggal kay Greta!

Hirap yung tao sa buhay kaya paano niya nagawa ito? Greta's family has nothing to look forward to but her! Her mother is sick and she needs to educate her siblings!

At si Arjun... nang dahil rin sa babaeng ito kaya nawala ang scholar niya. Pinatanggal niya ang scholar ni Arjun!

Tears welled up in my eyes in anger. Amelia was pleased with my reaction. Obviously that’s what she wanted to see in me. Parang pinupunit ang puso ko.

Nang dahil pala sa akin... Nang dahil pala sa akin ang lahat! Nang dahil sa akin kaya nawala ang pinaka iniingatang trabaho at scholar ng mga kaibigan ko. Nang dahil sa akin kung bakit sila nahihirapan ngayon. Amelia did all that but it’s still because of me why that happened to them!

"Now maybe it's clear to you that you won't get anything out of it. Lahat gagawin ko umalis ka lang rito kaya kung ako sayo, wag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Umalis ka na at magpaka layo layo. Hayaan mo na ang anak ko sa mga Agravante..." mabagal na sinabi ni Amelia.

Hindi ako nagsalita. Punong puno ng galit ko lang siyang tinignan kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha.

"And even if you say you're an Agravante, no one will believe you. Agravantes don't just believe in some people like you. Matataas silang tao kaya umalis ka nalang. Because no one will accept you here. Just go back to where you came from."

"Ibalik mo ang trabaho ni Greta at scholar ni Arjun..." mahinahon ngunit mariin kong sinabi, namamaos ang boses.

"Ibabalik ko lang sa kanila ang mga iyon kung aalis ka rito. Sinisigurado ko sayo na magiging maayos ang buhay nila kapag nawala ka sa lugar na ito," she smiled like an evil.

Hindi ako nakapag salita. Mas lalong nangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi iyon dahil sa sakit at takot, umiiyak ako dahil sa lahat ng galit na nararamdaman ko. Punong puno ng dilim ang puso ko ngayon na pakiramdam ko makakagawa ako ng mali ano mang oras!

Pero nagawa kong pigilan iyon. Nagawa kong pigilan ang galit ko, ang kagustuhan kong saktan siya, ang kagustuhan kong itulak siya ngayon. Napigilan ko iyon.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Where stories live. Discover now