35

1.8K 79 7
                                    

CHAPTER 35 - ʙɪʀᴛᴜᴅ ɴɢ ᴛᴜʙɪɢ

•Ashiro Flame POV•

Nandito ako sa Room ni Sis. Wala si Bro dito kasi maytitignan lang daw sya

Apat na araw nang tulog si Sis. Hayy buti nalang napatay na namin yung magkapatid. Hmp! Bagay lang sakanila yon noh! Nilason nila si Lil'sis

Napatingin ako kay Sis, Bakit ang tagal mo naman magising sis? Eh low class na poison lang naman ang ginamit ah? Hayyss

Wait may naalala ako? Hmm ano ba tawag don? Ahh basta!

Tumingin ako kay sis. Ganto kasi yon..

=FLASHBACK=

Naglalakad ako papunta Sana ako sa Cafeteria pero napadaan ako sa kwarto ni Sis. Naka-awang ng konti ang pinto kaya sumilip ako, baka wala si Sis tapos naka-bukas ang pinto nya. Tinignan ko kung may tao ba, at meron! Nandon si Bro at Sis. Naka-hinga naman ako ng maluwag. I was about to leave when I see how Sis go closer to Bro

Gusto ko na Sana umalis pero, dahil chismoso 'daw' ako, tinignan ko.

Nakita ko kung paano hinapit ni Bro ang bewang ni Sis tapos... Huh? Ano yon? Dinikit nya yung labi nya sa labi ni Sis

Huh? Anong ginagawa nila? Ano yon?

Umalis na ako don ng nagtataka

=End of FlashBack=

Yon kase. Napatingin ako kay Sis. Kung si Bro ginawa yon, ako den kaya??

Hmm Hihihihihi try...

Nilapit ko ang mukha ko sa Mukha ni Sis. Yan na.. Malapit na.. Pumikit na ako at nilapit pa ang mukha ko kay Sis

Pero nahinto yon ng may humawak sa noo ako para pigilan ang paglapit sa mukha ni Sis. Tinignan ko kung si no ang may gawa non, si Bro Ashton!

Nagtataka ko syang tinignan

"Bakit Bro?" Taka kong tanong

"What are you doing?" Kunot-noo nyang tanong saakin

"Ahh may ita-try lang" Sabi ko

"What is it?" Cold nyang tanong

"Yung... Uhm yung ginawa mo kay Lil'sis" Sabi ko

Nanlaki naman ang mata nya at gulat na tumingin sakin

"W-what i-is i-it?" Utal-utal na sabi nya, gulat at kinakabahan sya. Huh?

"Yung ano... Yung pinagdikit mo yung lips nyo ni Sis" Sabi ko. Lalo naman syang nagulat at mas lumaki pa ang mata nya, tarsier lang ang peg?

The Most Powerful Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now