03

3.7K 117 0
                                    

CHAPTER 3 - ᴘᴀɢsᴀsᴀɴᴀʏ?

•Princess Scarlet Amethyst POV•

Narito na ako sa aking silid.

Pinag-iisipan ang tungkol sa nabasa ko
Tungkol sa engkantasyon sa pagbuo ng lagusan. Kailangan raw ng malakas na enerhiya

Hays kaya ko kaya? Gusto kong subukan ngunit natatakot ako na baka mawalan ako ng kapangyarihan

Teka, ano nga ulit ang engkantasyon?

Pumikit ako at inalala ang engkantasyon.

'Ang engkantasyon na ito at sagrado. Walang nakaka-alam nito. Tanging mga dyos at dyosa lamang at hari at reyna ng magic world'

'Est Vulmus Apertum Glaciet
Per Captas Alius Aspectus
Portal Vobis De Mortal'


Nagmulat na ako ng mata nang maalala ko ang engkantasyon na nabasa ko kahapon. Napa-buntong hininga naman ako. Kakayanin ko kaya?

Susubukan ko...

Huminga ako ng malalim at pinalakas ang aking loob. Kaya ko toh! Sumalangit nawa ako kung mamatay man ako sa gagawin kong ito.

Tumayo ako at itinaas ang aking kamay. Inalala ko ang engkantasyon at nag-konsetreyt (concentrate)

"Est Vulmus Apertum Glaciet
Per Captas Alius Aspectus
Portal Vobis De Mortal"

Pagkasabi ko sa engkantasyon ay lumiwanag ang kamay ko at may bumubuo na hugis bilog sa harap ko hanggang sa lumaki ito.

Tumigil na ako at napa-upo, nakakapang-hina, naghihina ako. Mapatingin ako sa bilog na nabuo o kung tawagin ay lagusan

Pinagmasdan ko lamang ito. Nasa isang minuto bago ito unti-unting lumiit at nawala.

Ganoon pala ang itsura ng lagusan na ginagamitan ng engkantasyon. Bilog na tila umiikot at may kulay ito, kulay Lila na may puti at ginto, at tila kumikinang ito o may bituin.

Ramdam na ramdam ko na ang panghihina. Naubos ang aking lakas dahil sa ginawa kong lagusan.

Humiga na ako sa aking higaan at pumikit. Dahil sa labis na panghihina ay nakatulog agad ako.

-•-•-•-•-•-

Nagising ako sa isang napakagandang paraiso

Parang pamilyar? Hmmm ahhh sa paraiso ng dyos at dyosa! Pero bakit ako naparito?

"Pagbati mahal na prinsesa" -wika ng isang babae na si Abi

"Mahal na dyosa'ng Abi" tanging wika ko at yumuko ng bahagya. Iniangat ko na ang aking ulo at tumingin sakanya

"Anong ginagawa ko rito?" dagdag kopa

"Halika muna prinsesa" Wika nya at ngumiti

"Saan?" Tanong ko

"Sa palasyo,Prinsesa. Hinihintay na tayo roon" Sagot nya at tumalikod na sa akin at nagsimula na siyang maglakad.

Nagtaka naman ako, bakit ako narito? Ano ang ginagawa ko rito? Ano kailangan nila saakin?

Ang paraiso pala naiyon ay ang hardin nitong palasyo ng mga dyos at dyosa. Ang galing ano, may lawa sa hardin. Sobrang ganda ng paraiso/hardin.

-

Narito na kami sa silid tanggapan ng palasyo ng mga D'yos at D'yosa. Naroon sila, kumpleto. Nagtungo kami sa kinaroroonan ng mga D'yos at D'yosa.

"Pagbati mga Dyos at Dyosa" -wika ko at yumuko. Inangat ko na ang aking ulo at bumungad saakin ang kanilang mga mata na naka-tuon saakin

Pina-upo nila ako kaya umupo ako sa kanilang harap. Ako lang mag-isa rito dahil nasa hatap ko sila.

"Bkt po ako naririto?" Tanong ko agad ng may galang ang tono

"May kailangan lang kaming sabihin saiyo" wika ni d'yos Flame, nag-taka naman ako

"Ano po iyon?" tanong ko sakanila habang naka-kunot ang noo

"Kailangan mong matutong makipaglaban" wika ni Reyna Dark. Nagulat naman ako s aking narinig

Ako? Kailangan matutong makipaglaban?! Hindi ba't masyado pa akong bata para doon? Ni-hindi ko pa nga yata napapa-pabas ang aking kapangyarihan eh.

"Bakit naman po? Bata pa ako para dyan" wika ko habang pormal ang itsura at tono

"Kailangan mo. Para maprotektahan mo ang iyong sarili o pamilya. Kaya kailangan mong magsanay makipaglaban" mahabang wika ni dyosa Crystal kaya napa-isip naman ako

Kung matututo akong makipaglaban, maaari kong maprotektahan ang aking pamilya. Ayaw ko naman mapahamak ang aking mahal sa buhay habang ako ay walang ginagawa.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Gusto ko rin naman na maprotektahan ang pamilya ko.

"Sige po." Pormal na wika ko

Ngumiti naman sila saakin at tila nasiyahan sa aking pag-payag.

"Balik ka na sa Mundo ng mahika prinsesa" wika ni dyos Harry na aking ikinataka

"Hindi pa po ba ako magsasanay ngayon?" Tanong ko habang naka-kunot ang noo at nagtataka silang tinignan

"Hindi Prinseaa, sa sususnod nalang tayo mag-eensayo. Tuwing sa panaginip nalang tayo magsasanay Prinsesa kaya gumising kana" -wika ni reyna Dark

Huh p-paano naman? Pero kung kaluluwa ko lang pala ang nadito, ibig sabihin ay ang aking katawan ay nasa aming palasyo. Sa panaginip ko lang nakaka-usap ang mga D'yos at D'yosa

"Paano?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko naman alam kung paano bumalik roon dahil sila ang gumagawa no'n

"Ipikit mo ang mga mata mo at isipin mo na ika'y babalik na sa iyong katawan" Wika nila na aking sinunod

Ipinikit ko ang aking mata at naramdaman ko nalamang ang malambot na higaan kaya nagmulat na ako ng mata at napagtanto ko na narito na ako sa aking silid

Ang dali lang pala bumalik sa aking katawan. Pakiramdam ko ay naglakbay ang aking kaluluwa.

Naalala ko ang pag-uusap namin ng mga D'yos at D'yosa. Hindi ba't parang sobrang bata ko pa para humawak ng armas? Hindi ko pa kakayanin bumuhat ng mabibigat. Hindi rin kakayanin ng aking katawan sapagkat mahina pa ito, madali lang mababali ang aking buto

Ngunit, D'yos at D'yosa sila, kaya kailangan ko silang pagkatiwalaan. Kung ano ang sinabi nila, ayon ay makakabuti.

Kailan kaya ang simula ng aking pagsasanay?




❣︎

The Most Powerful Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now