PROLOGUE

11.7K 257 8
                                    


Sa isang kaharian may isinilang na sanggol na prinsesa. Pagkasilang palang ng prinsesa ay ramdam na ang napakalakas na enerhiya nito ngunit itoy nawala na parang may humaharang sa kanyang enerhiya.

Masaya ang Hari at Reyna lalo na ang kanilang anak na prinsipe marahil sa kagustuhan na magkaroon ng kapatid kayat lubhang napakasaya niya.

Habang nagsasaya sila ay may dumating na isang babae. Ito ang nakakakita ng hinaharap.

"Anong ginagawa mo rito Diwata'ng Aya?" tanong ng mahal na reyna

Oo isang diwata ang nakakakita ng hinaharap. Siya ang Reyna ng mga diwata ngunit ayaw nyang tinatawag na reyna. Nakakakita rin sya ng pangitain na masama o maganda.

"Narito ako upang sabihin na nakita ko ang hinaharap ng mahal na prinsesa" wika ni Diwata'ng Aya

"Ano ang nakita mo sa hinaharap ng aking anak?" tanong ng hari

"Ang nakita ko ay.. mawawalay sya sainyo. Maraming paghihirap at pagsubok na kanya'ng dadanasin. Taglay nya ang lahat ng uri ng mahika at siya ang makakatapos sa kasamaan" tanging salaysay ng Diwata'ng Aya bago naglaho

Gulat ang naging reaksyon ng Mahal na Reyna at Mahal na Hari. Hindi nila inaasahan na lubhang napakalakas ng kanilang anak at ito pa ang tatapos sa kasamaan.

~

Habang nagsasaya ang mamamayan at ang Hari at Reyna ay biglang

*BOGGHS*

may nagpasabog kaya naging alerto ang hari at reyna iniisip ng reyna ang kaligtasan ng kanilang mga anak.

Naghahanap ng pwedeng pagtaguan ang Reyna ng kanyang mga anak. Nang nakahanap sya ng pagtataguan ay tinago nya doon ang anak nila at iniwan. Nakipaglaban na ang mahal na Reyna sa mga kampon ng kasamaan.

------

Pagtapos nang labanan. Pinuntahan agad ng Mahal na Reyna ang kanyang mga anak ngunit ang nakita nya lamang doon ay ang kanyang prinsipe na walang malay

Binuhat nya ang prinsipe at lumapit si hari nang tumutulo ang luha.

Nagtaka ang hari kung bakit lumuluha ang kanyang reyna kaya tinanong nya ito

"Mahal ko bakit ka lumuluha?" tanong ng hari

"Mahal ko. Nawala ang ating prinsesa" wika ng Reyna at tuluyan ng humagulgol ng iyak

Napaluha narin ang Hari dahil sa nalaman.

--

Ibinalita nila iyon sa mamamayan kaya marami ang nalungkot sa pagkawala ng prinsesa





























***
WARNING!!!

So many errors occurred. Typos. My writing was worst. Cliché. Predictable. This story was created when I was starting, I don't really know about writing that time so this story is nasty. If you dare to read it, then bear with the errors. And note, this story is purely mine and was created by my wild imagination.

The Most Powerful Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now