01

7.8K 179 10
                                    

Chapter 1 - Scarlet Amethyst Firious

•Reyna Fira POV•

Narito ako sa hardin naglilibot. Habang naglilibot ako may narinig akong iyak ng sanggol. Sa aaking isip hindi naman yun ang aking anak dahil isang taon'g gulang na ang aking mga anak.

Kayat sinundan ko ang iyak ng sanggol at narating ko sa isang halaman naroon ang sanggol na umiiyak.

Binuhat ko ito at pinasok sa aming palasyo. Nakasalubong ko ang aking asawa.Nang makita nya ang sanggol na dala ko ay nangunot ang kanyang noo

"Mahal ko,kanino sanggol iyan?!" gulat na may halong pagtataka na tanong ng aking asawa

"Hindi ko alam mahal ko.Nakita ko lamang sya sa may hardin na umiiyak kaya hinuha ko. Nakaka-awa naman kasi Mahal" pagpapaliwanag ko sa asawa ko

Bumuntong hininga naman sya at ngumiti
"Anong gagawin mo diyan sa bata na iyan mahal ko?" tanong nya sa'kin kaya napa-isip ako

"Hmm eh kung atin siyang amponin?" Tanong ko sa kanya napa-isip din sya

At kalaunan ngumiti rin ibig sabihin ay pumapayag sya sa'kin'g pasya kayat labis akong natuwa.

Nagpaalam na ako sa kanya na papaliguan ko at papakainin ang sanggol.

Habang pinapaliguan ko ito may nakita akong ba-lat sa kanyang tiyan sa may bandang pusod.
Ito'y hugis korona na kulay ginto ngunit hindi ko na ito pinansin pa.

-•-•-

Nandito na ako sa silid na ipinagawa ko para sa sanggol. Siya'y nakatulog na.

Ang sanggol ay may kulay lila na mata, kulay rosas na labi, may kulay lila na buhok, at mala kulay rosas na pisngi. Napaka-ganda'ng bata

Habang pinag-aaralan ko ang mukha ng sanggol ay biglang bumukas ang pintuan ng silid na ito at iniluwa non ay ang aking dalawang prinsipe.

Lumapit sila saakin at sabay na napatingin sa sanggol.

"Aking mga anak na prinsipe, sya ay inyong magiging bagong kapatid." pahayag ko sakanila

Napatingin naman sila saakin at napangiti kaya napangiti rin ako. Lumapit sila sa sanggol at hinawakan ang magkabilang kamay. Ako naman ay masaya silang pinagmamasdan.

Ako nga pala si Fira Jane BlackFirious ang Reyna ng kaharian ng apoy, ang aking asawa naman ay si Blaze Firious ang hari sa kaharian ng apoy.
At ang dalawa kong prinsipe ay sina, Ashton Blake Firious ang aking panganay at si Ashiro Flame Firious ang sumunod.

At ang bago kong anak na prinsesa. Papangalanan ko sya'ng Scarlet Amethyst Firious, ang aming prinsesa

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
makalipas ang 5 taon
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Limang taon na ang nakalipas at anim na taon na ang aking anak na kambal samantalang ang aking prinsesa naman ay lima'ng taon na.

Narito kami sa hardin kasama ang asawa ko.

Alam pala ni Scarlet ang totoo ngunit ang kambal kong anak na prinsipe ay hindi. Nangako naman ang aking prinsesa na hindi ipagsasabi sa iba iyon.

Narito kami sa hardin pinapanood kung paano maglaro ang aming anak ngunit napansin ko na hindi kasama maglaro ang aming prinsesa kaya hinanap ko sya gamit ang aking mata.

The Most Powerful Princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now