45

1.7K 87 0
                                    

CHAPTER 45  - ᴀɴᴀᴋ?

Chzyruzx Dark Light POV• (Light ang surname nya)

Narito ako sa aking trono kasama ang aking asawa. Hindi lamang ang pag-upo sa trono ang aming ginagawa. Maraming gawain na naka-tala saamin lalo na kami ang Hari at Reyna, kailangan naming protektahan ang mga mamamayan at marami pang iba.

Napatingin ako sa aking asawa dahil ramdam ko ang kanyang lungkot kaya tinanong ko siya

"Mahal ko, bakit tila malungkot ka yata?" Tanong ko sakanya kaya napatingin sya saakin

"Mahal ko, nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ay hindi pa natin nahahanap ang ating anak. Pakiramdam ko ay hindi sya ang tunay nating anak" Malungkot na sagot nya

Oo ramdam ko din na hindi sya ang aking anak

Nung masilayan ko sya ay hindi ako naka-ramdam ng tuwa bagkus kaba ang aking naramdaman
Tila panganib ang kanyang dala.

Walang emosyon ang kanyang mga mata at mga ngiti nya ay peke

"Kailan kaya natin matutunton ang tunay nating anak?"  malungkot na tanong niya

"Hindi ko din alam mahal ko"  sagot ko

Nagsimula namang magsibagsakan ang kanyang mga luha

'Patawad mahal ko'

Lumapit ako sakanya at niyakap sya. Sobra kaming naapektuhan sa pagkawala ng aming Prinsesa, maging ang mga mamamayan ay nalungkot din. Lubhang mahalaga nya.

"Huhu sana m-mahanap na n-natin ang anak natin" Umiiyak na sabi ng aking asawa

'Sana nga'

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng dalagang nag-ngangalang Scarlet

Mayroon akong naramdamang kakaiba sakanya ngunit hindi ko alam kung ano iyon. Magaan ang loob ko sakanya kahit na kakikita lamang namin noon.

Naalala ko ang ekspresyon nya habang kaharap ako, haha kabang-kaba sya. Ganoon ba ako ka-seryoso para kabahan na sila habang kaharap ako?

Natigil kami ng may dumating na kawal/mensahero. Hinihingal ito na tila galing sa pag-mamadali

"Mahal na Hari at Mahal na Reyn!"  Sabi nya

Bakit kailangan pang batiin ang aking Reyna? Tsk!

"Bakit?"  Maotoridad na sabi ko

"Sumugod po ang mga Darkians sa Akademyabalita nya na nagpagulat saamin

"Tawagin ang Lahat ng Hari at Reyna!"  Utos ko, tumango sya

Pumunta na kami sa Meeting room

Ilang minuto lang ay nandito na sila

"Bakit mo kami pinatawag Mahal na Hari?"  tanong ni Hari'ng Aaro ng Air Kingdom

"Sumugod ang mga Darkian sa Akademya, kailangan natin sila tulunganmaotoridad na sabi ko

Nagulat naman sila sa aking sinabi
Sumang-ayon sila at dali-daling Naghanda ng mga kawal na lalaban

The Most Powerful Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon