Chapter 24

601 16 0
                                    

I need to explain my side. I need to! At saka kailangan ko ring linawin kung ano nalang ba kami. Kasi mababaliw na ako!

It's been three months since that happened and I can't focus on my studies, as well in my work! What the hell? Can't I take a break?

"I saw him last night, he was in club."

Napalingon ako kay Kim. She was thinking deeply as she put her two fingers under her chin.

"C-club?"

She nodded. "He's drinking, of course bitch that's club." Masungit na sabi niya.

"B-bakit naman siya mag iinom?"

"Because you're still not talking and explaining things to him. Bitch, clarify things for the sake of you two."

Umayos ako ng upo. "H-he kissed Grethel."

"Let him explain his side. And then explain your side. If hindi nagwork at ayaw niyo na, saka na kayo maghiwalay para hindi ka na laging tulala."

Napabuntong hininga ako at tumango. Tinapik tapik ni Thiara ang likod ko at ngumiti sa akin.

"You can do it, like what Kim said, it's for the both of you. Relationship is not all about exchanging loves but also fixing your problems together, fixing your unclarified accusations and such."

Nagugulat ko siyang tiningnan. She shrugged and looked away. She's serious! Sino kaya nagpatino sa isip nito?

***
Napapabuntong hininga ako habang nakatingin sa may salamin. Sabi ni Kim, kinausap niya raw si Isaac na sunduin ako sa bahay at ihatid sa trabaho kaya kailangan kong mag-ayos. Naglagay ako ng konting make-up tapos ay nagsuot ng dress.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit ako naeexcite at kabado at the same time. Feeling ko nga maiihi ako sa salawal.

"Ate, date?" Inosenteng tanong ni Yaine habang nakaupo sa may kama ko. "Tama Yaine?"

Agad akong umiling. "Bawal kang sumama baby eh, sa work lang si Ate."

She pouted. "Mit ko na po ti Kuya Itaac taka po ti Kuya Otcar. Wala na pong pumupunta rito, Ate Yohana." She sadly said and hugged my pillow.

"B-busy kasi sila baby." Pagsisinungaling ko. Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit sa balikat. I went near her and shuffled her hair.

"Tabi ni Kuya Itaac, vitit niya tayo lagi...tagal tagal na 'di ko tiya kita."

Napabuntong hininga ako. "Later ihahatid ako ni Kuya Isaac sa work kaya baka pag-uwi ko kasama ko siya." Nakangiti kong sabi.

She nodded happily and hugged me.

Matapos non ay sinama ko siya sa labas ng pintuan para kung sakaling dumating na si Isaac ay makapag-usap sila saglit. Malelate na rin ako eh.

Limang minuto na kami sa labas pero wala pa rin si Isaac. Nagtatanong na sa akin si Yaine kung bakit wala pa, sinabi ko na lang baka traffic.

Sampung minuto na lang at malelate na ako. Pumayag ba si Isaac na ihatid ako?

Agad kong tinawagan si Kim.

"Bitch, ano na? Andiyan na ba?"

I sighed. "Pumayag ba Kim? Wala pa rin eh, malelate na ako."

"Pumayag siya! I don't know where he is now, but can you call him?"

"Di bale na lang Kim. Aantayin ko na lang."

"Okay. Text me if you two had talked."

I bid goodbye to her and looked at the street. Wala pa rin siya. Limang minuto na lang, malelate na ako.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteWhere stories live. Discover now