IV

1K 26 0
                                    

"Alam mo namang malakas ka sa akin." Nakangiting sabi ni Thiara. Napanguso ako. I apologized for what I did earlier. Naiintindihan niya naman daw.

"Naalala ko lang talaga 'yong ginawa niya dati kay Yeji. Ayoko na kasing maulit, Thia. Natatakot na ako. Wala akong magawa..." mahina kong sabi, nangingilid na naman ang mga luha.

Niyakap niya ako. "Be, hindi ko na alam kung papaano ka tutulungan."

"Kaya ko na 'to, Thia. Kakayanin ko. Hahanap ako ng paraan para makaalis. Habang tumatanda si papa at namumulat kami sa uri nang pagpapalaki niya sa amin, Thia, mas lalo siyang nagiging mapanakit."

"Natatakot na ako para sa inyo, Yohana. Sumusobra na ang papa mo!"

Tahimik ko lang siyang niyakap ng mahigpit. Ano pa kaya ako? Sobrang takot ko na, lalo na sa mga kapatid ko. Hindi ko naman kayang tumakas ngayon dahil bukod sa wala pa akong pera, mahuhuli't mahuhuli kami dahil wala pa kaming mapagtataguan! Lalo na't hahanapin ako ng mga Perez.

"What happened, Ms. Dewis?"

Agad akong umalis sa pagkakayakap kay Thiara ng andito na pala ang Professor namin. She looked so concern about us and she even come to us.

Thiara chuckled nervously. "W-wala ho ma'am."

Nag aalinlangang tumango ang Professor, hindi naniniwala sa sinagot ni Thiara. Tumingin ito sa akin, nginitian ko siya at marahang umiling, convincing her that it was really nothing.

"Okay, let's start our discussion...oh! But before that, kindly choose one girl for your representative to our upcoming foundation day. It will be the 50th years of our school." Nakangiting sabi niya.

"Come in front, Henry. And you will be the one who will assess them." Dagdag pa niya.

Tumayo si Henry na siyang Presidente ng Section namin.

"We all know that we do not have Muse or such, so we will nominate someone who will fit on it. Any nomination?"

Kanya kanya na silang nominate. Nagulat pa ako ng sinigaw ang pangalan ko.

"Yohana!"

Agad akong umiling iling, hindi nagustuhan ang pagsali sa akin sa to be representative.

Napabuntong hininga na lang ako ng pangalan ko ang pinakamaraming guhit. Ako ang magiging representative. First time ko 'to at sana ay hindi ko mpahiya ang section namin.

"Okay settled! Let's start our discussion..."

Buong oras ay lutang ako.

***
"Ayoko talaga Henry. Baka naman pwedeng si Eunice na lang." Pagpupumilit ko kay Henry. Sinundan pa namin siya ni Thiara sa cafeteria.

"Hindi na pwede. Majority wins tayo kanina Yohana, kaya nga nagbotohan diba?"

"Eh kasi naman...ang dami ko ng iniisip, dumagdag pa 'yan."

"Hindi ko na kasalanan 'yon."

Naiinis ko siyang nginiwian. Pinulupot ni Thiara ng braso niya sa braso ni Henry, pinandilatan agad siya ni Henry at pilit inaalis ang braso niya.

"Let me go, Thiara!"

"Arte mo naman Henry. Ako na lang gawin niyong representative! Bawal talaga si Besh eh."

Umiling iling si Henry. "Hindi nga pwede, ang kulit niyo."

"Sige, ikaw rin. Baka hindi umattend niyan si Yohana, lagot ka."

Tumingin sa akin si Henry. Nagkibit balikat ako. Ayoko talagang maging representative. Gagastos pa tapos maraming gagawin at kailangang iprepare, sarili ko pa.

My Possessive Playboy [Saldaviga Series #3] CompleteWhere stories live. Discover now