Chapter 36: The Wards

Start from the beginning
                                    

"SANTOS N." basa ko pakaliwa sa mga letra na nakabaliktad na maaaninagan naman.

Nagkaroon ng malaking pagitan nang tanggalin ang kamang iyon.

Tumingin ako sa paligid dahil marami na rin ang mga pagitan na 'yon. Ang iba nito ay dalawang kama ang nawala sa espasyong naiwan.

"Ano talagang nangyayari?" Sabi ko nalang sa sarili ko. Bagsak balikat at lukot kilay akong napaupo pabalik sa higaan ko. May dumampot ng braso ko. Babae.

Napalingon ako sa kaniya upang makita ang kaniyang mukha.

Si Teod lang pala na may pag-aalalang tumingin sa akin.

"Teh! Si Kenneth..." may lungkot sa tono ng boses niya. Parang inaaya niya ako banda doon sa kinaroroonan nila Zeus, Charles, Miguel at iba pa nilang kaibigan sa ibang Strand.

Napahinto ako na kinagulat naman ni Teody nang naglalakad na kami.

"Bakit may kulay sa paligid ng katawan mo?" parang naka-droga kong tanong.

"Ano tinira mo teh? Huh? Anong kulay?" pabalik niyang tanong sa akin.

"Asul" Iwinasiwas ko pa ang kamay ko na 'di dinadapuan ang kaniyang balat.

"Aning ka ghorl?" medyo parang umaaliwalas ang kaniyang mukha at medyo nag-iiba na ang kulay. Aura yata tawag nila dito.

"Weird" ika ko nalang. So ayun sumunod na ko. Si Kenneth lang ang nag-iisang nakahiga sa parteng iyon.

Nakita ko rin si Angelo na parang ewan. May hinahanap yata habang naglalakad ito at tinitignan ang bawat mukha ng makakasalubong niya. Ngumiti naman siya ng makita ako at sumunod sa akin.

"Excuse us" ma-awtoridad na bigkas ni Sr. Vincent.

Nakakapanibago ang kilos ni Sr Vince. Asan na kaya ang ibang teacher namin? Nagbago rin kaya sila?

Pinaalis na ako at ang lahat ng kaibigan ni Kenneth, ang institusyon na raw ang bahala kay Kenneth. Pag-aaralan nila kung bakit ayaw magising nito.

After ng pangyayaring iyon, pinasuot nila ang isang device sa magkabila naming wrist na mabilis nag-lock.

Sabi ni Sr. Vincent personal safety equipment raw ito. For what? Try ko nalang itanong kay Sr. kung para saan 'to, approachable naman si Sr. Sabay-sabay ang lahat na lumabas mula sa malaking kwartong iyon.

They let us proceed to the dining hall. Hindi familiar ang mga lugar na ito.

Nagkakaroon na ako ng anxiety sa lugar na ito. SepAnx or Separation Anxiety, nagkakaroon ang isang tao nito kung mawawalay siya sa mga bagay o taong napamahal na sa kaniya which is nararamdaman ko na.

Nakapila kami in order way tapos all you have to do is to wipe the device on your wrist to the scanner malapit sa counter. Magpa-pop-up sa device mo ang body mass index (BMI) at ipapakita ng scanner ang 3 available na food na nakadepende sa BMI mo. Cool right? But

Napaka-injustice noh? Paano yung gusto pa ng mas maraming kainin?

Ang maganda lang dito may
Appetizer, 2 Main Course (meat and veggies) at may pa-Dessert pa ang Mayora niyo. Na sisiguraduhin makukuha mo ang desire BMI mo in the near future.

Asan na kaya si Aling Eba, ganto dapat ang inihahain nila sa costumer nila. Pero dito jusmiyo masasatisfied ka dahil nga raw government na ang sagot sa amin, 'di na namin kailangan magbayad.

There are consequence syempre, una kailangan namin mapataas ang working points, malalaman rin raw namin ito at saan ginagamit once na tumagal tagal na rin at masanay kami dito.

ALPHAWhere stories live. Discover now